Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child Support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child Support on Thu May 23, 2013 1:48 pm

chantalerikareyes


Arresto Menor
Magandang araw po. Nais ko po sana humingi ng legal advice. Gusto ko lang po malaman ano po ang karapatang ng babaeng unang kinasama ng aking asawa, sila po ay hindi kasal ngunit nagkaroon ng 2 anak at nag hiwalay rin. Ako po ay pangalawang babae sa buhay ng aking aswa at Kami po ay kasal na ng 10 taon at may 2 anak na rin po. Pinalad po na makapagtrabaho sa ibang bansa ang aking asawa, kaya ng nalaman iyon ng una nyang kinasama ay humihingi na sya ng sustento sa aking asawa para po sa 2 anak nya, Dahil para sa naman po sa 2 anak nya sa una pumayag naman po ako magbigay ng suporta. Sa bawat padala po ng aking asawa ako po ay nagbibigay ng 3 Libong piso buwan buwan. Subalit nagrereklamo pa rin po yung ina ng 2 bata na hindi po sapat ang ibinibigay naming suporta. Ilang percent po ba ng natatanggap kong padala sa aking asawa ang dapat na ibinibigay na suporta para sa anak nya sa una. 20,000 po ang natatanggap ko buwan buwan pero kami po ay nangungupahan lng ng bahay at nagbabayad din po ng kuryente,tubig,telepono at budget din po sa isang buwang pagkain. Ako po ay may trabaho dito sa Pilipinas kaya nakakatulong ako sa aking asawa para sa mga gastusin namin at pang tuition ng aming 2 anak, Yung una po nya kinasama ay may hanapbuhay din naman po, sya ay nsa ibang bansa rin, dapat po ba maging basehan din ng babae na my kinikita ako para sa aming pamilya at madagdagan ang suporta ng asawa ko para sa mga anak nya. Nagpapadala pa po siya samin ng mensahe sa pamamagitan ng email na sa pag-uwi nya dito sa Pilipinas ay idedemanda niya ang aking asawa dahil sa hindi pagbigay ng sapat na sustento para sa mga anak nya. Ano po ba ang dapat naming gawin. Sana po ay matulungan nyo po ako. Maraming Salamat po at magandang araw muli.

View user profile

2 Re: Child Support on Mon Oct 14, 2013 4:17 pm

Poljade


Arresto Menor
Hello po..hingi lang po sana ako ng advise kasi ang boyfriend ko po my nakasex before pa kami nagkakilala..two times lang po my nangyari sakanila..wala po silang relasyon nung babae..after po nung second time nila hindi na sila ulit nagkita and after a month nagtxt po yung babae na buntis po sya..one year na po ang anak nila and ikakasal na po sana kami ng boyfriend ko..ngfile po ng child support case ang babae para sa anak nila..ano po ba ang pwede naming gawin para hindi makulong ang boyfriend ko?..sana po matulungan nyo kami..

View user profile

3 Re: Child Support on Wed Oct 19, 2016 2:01 pm

lhen21


Arresto Menor

Good afternoon po sa inyong lahat. . Gusto ko po sana humingi ng advice if ano po ang dapat kung gawin. Gusto ko po kasi na humingi ng sustento sa tatay ng mga anak ko. Simula po na nag hiwalay kami wala po ako na hinihingi na suporta.Kami po po ay magka live in ng halos 5 taon at nagkaroon po kami ng dalawang anak, halos malalaki na po sila. 11 yrs old at 14 yrs old. Simula po na naghiwalay kami wala po ako na hinihingi sa kanya na sustento para sa mga bata.Kahit po marami po sa akin ang nag aadvice na bigyan ko ng kaso ang tatay nila diko po magawa kasi po ang iniisip ko ayaw ko na maisturbo pa ako at wala ako na pamabayad sa abogado at ang reason ko po before hanggat kaya ko gagawin ko. Since, na lumipat ako ng work at Government at di pa ako na reregular at naging Job Order lang po ang status ng employment ko medyo na hihirapan ako sa mga expenses para sa mga pangangailangan ng mga anak ko at lalo na lumalaki na sila lumalaki na din po ang expenses. Kaya po nakapag decide po ako na sampahan sya para huminigi ng sustento para sa dalawa kong anak..Gusto ko po sana na huminigi ng sustento para sa dalawa kong anak na montlhly para po pandagdag sa kanilang mga pangangailanga. Please advice me po kung ano po ang dapat ko na gawin. Sana po matulungan nyo po akpo. Maraming salamat po at lubos na gumagalang.

arlene

View user profile

4 Re: Child Support Today at 4:31 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum