Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Inheritance right and protection as a younger daughter

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Hello po. I thank God for this site. Only now I found out my mga free online site for legal advice. I'd like to share my situation and ask advice tungkol dito.

I'm single and 44 years old. I have 1 brother who is married with 4 and 16 years old sons. The eldest is my sister. My brother and his family is living at the back of our ancestral house. Our eldest sister is also a single and living with me there. Both our parents are deceased. Wala sanang problema sa relationship naming magkakapatid kung hindi lang sa kapatid kong lalaki na laging sinusumbat ang pagtulong nilang mag-asawa noong maeelita ang bahay namin. When my mother was still living, humingi ito ng tulong sa kanilang mag-asawa dahill ma eelita ang bahay. They helped her in the amount of P500,000 and prepared a contract for my parents to sign how to settle the amount they used to pay the house. Sumama ang loob ng parents ko. At nang nalaman to ng father in law ng brother ko, sinabihan silang mag-asawa na hindi naman iba ang tinutulungan nila ba't kailangan pang may contract. Kaya hindi na nila tinuloy. Kinamatayan na lang nila ang ganung sama ng loob. Ang thinking kasi nila handa silang tumulong na walang kapalit at papayag sila kung ano lang makakaya ng parents ko ibayad monthly. My brother's thinking kasi walang kamag-anak pagdating sa utang. My mother's expectation naman kahit paunti unti babayaran. But then iba ang mindset ng brother ko pagdating sa pera at sa property.

The burden in my heart is yung harrassment na ginagawa ng kapatid ko lalo na sa akin. The scenario is this. bago mamatay ang parents ko ay nakatira na sila sa likod ng bahay namin. Konkreto at 2-storey house iyon. May tindahan kaming maliit noon na after pagkamatay ng parents ko ay sila ang nagpatakbo. May jeep kami noon na sila rin ang nakinabang after pagkamatay ng parents ko. Kulang na nga lang pati ang gamit na naiwan ng parents ko at ang bahay na tinitirhan namin kuwain nila dahil katwiran ng kapatid kong lalaki ay wala kaming paghahatiang bahay at lupa kung hindi nila tinulungan parents ko at wala naman daw akong naitulong ni isang kusing. We have an eldest sister na wala ring magawa, walang boses magsalita. Ako lang ang hindi tumatahimik at pinaglalaban ang proteksyon ko bilang babae at anak ng magulang ko. Noon, 2 beses niya akong nabugbog yet di ako nagpa medico legal dahil kristiyano ako na mapagpatawad. pero pina-blotter ko siya at pinatawag sa barangay dahil doon at dahil sa pagmanage niya ng naiwang negosyo ng pamilya ko which is space commercial rental. Ang usapan namin total collection divided by 3 yet hindi nangyayari. Sa kanya lahat napupunta ang collection. Nung na-ospital ang mama ko nagkautang kami at ang pinambabayad namin ang koleksyon sa rentals, ang kaso maliit na lang ang natitira sa sister ko at sa akin. parang kami ng sister ko lang dalawa ang nagbabayad ng utang. Pinabayaan na namin kasi iniisip namin yung sinasabi niyang naitulong nilang mag-asawa. Ngayong matatapos na ang utang namin, ang kapatid ko nagmamando ng pera. Ayaw niya kaming makialam sa pagmanage niya. Ako ay hindi na satisfied sa pagmanage niya ng pera namin, ang kapatid kong babae wala namang pakialam. sunud-sunuran lang sa kanya. Gusto ko ilaban sana ang aking karapatan pero inaalala ko ang mga pamangkin ko sa kanya dahil yung isa (16 yrs. old)may depression ngayon atn pinapagamot sa mental dahil na rin sa pinag-gagagawa ng kapatid ko. Pilit ko siyang iniintindi at tinutulungan kahit hind sa pera kundi sa pag-alaga ng pamangkin ko kaso abusado siya, verbally assaulting me and intimidating me. Wala po akong pera para i-subdivide na namin ang inherit house and lot namin. Ano po bang makatao at maka-kristyanong hakbang ang gagawin ko para matapos na ang panghaharass niya sa akin?

View user profile

attyLLL


moderator
file a complaint at the bgy first so you can have an opportunity to discuss the matter


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum