Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BP22: my kumare and her friend

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 BP22: my kumare and her friend on Fri May 31, 2013 4:17 am

I_felt_deceived


Arresto Menor
May kumare ako na nangutang sa akin ng 10k. Sabi nya, ipapambili nya daw ng additional unit ng coffee maker vendo machine. In return, bibigyan nya ako ng 1k every month. At the same time iniwan nya ang atm ng husband kung saan pumapasok yun allotment nya para daw magtiwala ako na hindi nya ako lolokohin. For about four months, tumutupad naman cya sa usapan and every payday, hinihiram nya yun ATM para iwithdraw pera ng husband nya. On the 5th month, nanghiram cya ulit sa akin ng 30k.. pambili daw ng motor para sa pagdeliver ng tubig sa water station para lumaki din ang kita nun.. Sabi nya maghuhulog cya weekly at in two months time, huhulog hulugan nya yun 30k at iinteresan. Gumawa kami ng kasulatan at nag-issue cya ng walong check sa akin worth 4500.00 each. On the first week, nagbigay cya sa akin ng 4500 tapos dinala nya din sa akin yun isang kaibigan nya na may-ari ng van na pampasada. Bago daw ang van nya at kailangan ng upuan pati kulang yun pambayad sa rehistro. Humiram din ng 40k at ibabalik within three months, interesan ko na lang daw kasi kikita naman yun dahil maipapasada na. Nagissue ng anim na cheke worth 8667 each payable every 15 days. NAgpadagdag pa cya ng additional 10k at nag issue ng dalawang cheke worth 5500 each.

SAmakatwid, may utang na 40k ang kumare ko at 50K ang friend nya. Wala naman ako nakitang motor para sa water station. Yun van naman.. dinala daw sa province kasi dun naman talaga ang nakuha nila linya.

Unfortunately, nagkamalas malas daw sila, kesyo laging nagkakasakit ang anak, namatayan, trinangkaso.. hinika etc. kaya nakiusap na huwag ko muna ipasok yun mga cheke.. mag-abot na lang daw muna sila ng interest. Nakapagbigay naman sila sa akin ng interest for like one month.. tapos wala for two months then interest ulit after one month tapos wala na naman. inintindi ko naman sila.

At the same time, hiniram nung kumare ko yun atm ng husband nya kasi dumating since seaman yun. Hindi nya naman ako nabayaran kasi inuna daw ng husband nya yun bahay. At ang atm ay pinalitan nya ng ibang card kasi nagpalit daw ng agency itong si husband.

After sometime, iniiwasan na nila ako.. minsan hindi na sinasagot ang tawag ko. So, ipinasok ko na ang mga cheke kasi baka ma-stale check na. It turned out, closed account na pala. At nalaman ko din na yun atm ng kumare ko ay nakasanla sa iba at ang atm na nasa akin ay savings account lang.

KAnina, siningil ko ulit yun kaibigan nya.. as usual nagdadahilan na naman. Ang sabi pa nun mapag-usapan namin yun talbog na cheke na. wala daw cyang talbog na cheke kasi closed account yun. NAsabi nya na daw sa akin na closed account yun eh wala naman ako maalala. Besides, ang sinasabi nya sakin na closed account ay yung ibang cheke nya at hindi iyon. Otherwise, kung alam ko, dapat sinabihan ko sya mag-issue ng panibago check.

Ano ba ang puede ko gawin sa mga ito? Sila na ang may utang.. sila pa ang matapang..

Help me.. ano ba ang step by step na puede ko gawin sa kanila para gawan nila ng paraan na mabayaran ako

View user profile

2 Re: BP22: my kumare and her friend on Fri May 31, 2013 7:00 pm

foobarph


Prision Mayor
hindi defense na closed na yung account sa talbog na check.

i-encash mo na yang check hanggat hindi pa stale yan.

tapos pag nakakuha ka na ng proper document sa bank regarding sa insufficiency ng fund, kasuhan mo na ng BP 22.

i like this kind of cases, mga utangero pero di nagbabayad. pft

View user profile

3 Re: BP22: my kumare and her friend on Fri May 31, 2013 7:09 pm

I_felt_deceived


Arresto Menor
Puede din ba sila kasuhan ng estafa

View user profile

4 Re: BP22: my kumare and her friend on Fri May 31, 2013 7:18 pm

foobarph


Prision Mayor
I_felt_deceived wrote:Puede din ba sila kasuhan ng estafa

normally, oo. kambal yan eh.

ingat ka rin sa pakikipag usap sa kanila. baka mamaya, baliktarin ka nila in some way or the other. good luck po!

View user profile

5 Re: BP22: my kumare and her friend on Fri May 31, 2013 7:23 pm

I_felt_deceived


Arresto Menor
Oo nga.. parang hustler na sila. Thanks thanks

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum