Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

un notarized deed of donation

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 un notarized deed of donation on Tue Jun 18, 2013 3:20 pm

belrosh


Arresto Menor
good day sir!
sir gusto ko lang po sanang malaman kung pwede pa naming i pa notaryo ung dead of donation na pinirmahan ng donor aday before she died?? salamat po!

View user profile

2 Re: un notarized deed of donation on Sun Jun 23, 2013 12:14 am

AttyZag


Arresto Mayor
No.

That is illegal. Falsification po iyan, at pwede po kayo makasuhan ng criminal case kung sakaling may makatuklas at magreklamo tungkol sa papeles na yan. 

Kung sakali, damay nyo pa ang notaryo.

Be very careful. I advise you to think twice before doing that.

View user profile

3 Re: un notarized deed of donation on Sun Jun 23, 2013 12:52 am

mu54376


Arresto Menor
paano po ang dapat gawin sa ganitong case para maging legal ang transaction at mapanotaryuhan po ang deed kung patay na ang donor? sino na po ang pipirma?

View user profile

4 Re: un notarized deed of donation on Sun Jun 23, 2013 9:42 am

AttyZag


Arresto Mayor
Wala na. Kung magpapanotaryo ka kasi, dapat technically, humaharap yung pumirma. Kung patay na, wala na pong haharap at magpapatunay na tunay ang pirma.

Ang mangyayari po nyan, kung itutuloy pa ang donation, yung mga tagapagmana na ng property ang magdodonate sa inyo kung sakali. Kung isa ka naman sa tagapagmana, maaaring pagusapan na lang ninyo na sa iyo ibigay ang property sa extrajudicial settlement of estate.

View user profile

5 Re: un notarized deed of donation on Mon Jun 24, 2013 8:45 am

mu54376


Arresto Menor
to attyzag,

attorney parehas din ba yan sa deed of absolute sale? meaning kung namatay na yung isa sa seller(husband) before the notary, hindi na pwede pong yung asawa (wife) na lang ang pipirma? pati po ba yung mga legal heirs kelangan na din po pumirma sa deed of sale?

View user profile

6 Re: un notarized deed of donation on Mon Jun 24, 2013 10:03 pm

AttyZag


Arresto Mayor
Hindi exacto sa deed of sale, pero pareho sila sa aspetong pwedeng ilipat ng dokumentong ito ang mayari sa isang property.

Oo, lahat ng mga tagapagmana ay pipirma sa extrajudicial settlement of estate. At oo, lahat sila kasama pag pinanotaryohan ang papeles.

Mas makakabuti po kung ikonsulta na ninyo sa abogado ang sitwasyon. Mas matutulungan po kayo, limitado po kasi ang pwede naming ipamahaging impormasyon dito sa internet forum.

Sana po nakatulong ito.

View user profile

7 Re: un notarized deed of donation on Mon Jun 24, 2013 11:54 pm

mu54376


Arresto Menor
attyzag thank you po.

huling tanong na lang po kung pwede niyo pa sagutin... Hindi ho ba maaiipit yung buyer sa ganitong sitwasyon? kung kami po (buyer) ay nakapgbayad na ng full payment at nakapirma na ang buyer at seller(husband & wife) s deed of absolute sale kaso wala pang notaryo. then dumating ang time na ready na si buyer na magpanotaryo, eh patay na yung isa sa seller(husband), nasabi ninyo po na this time kailangan na ang pirma ng mga heirs sa notaryo, eh ayaw po pumirma ng ibang heirs? nagmamatigas po. paano na po yung original transaction namin ni seller, yung original deed of sale, mapapawalang bisa na po iyon kasi may extrajudicial settlement na?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum