Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

can i sue the lessors daughter?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 can i sue the lessors daughter? on Tue Jun 25, 2013 8:19 am

earyeldes


Arresto Menor
Good morning.gusto ko po magtanong regarding sa daughter ng lessor namin.yon daughter lng lessor namin shes the one ang in charge na kukuha sa rental namin.we rent their space for business purposes.wala kaming contract dito n wala rin kami hadvance sa kanila dahil relatives lng namin sila.ito po ang nangyari,every 10th of thew month po kmi mgbabayad.sometimes madelayed payment nmnamin ng 5 to 10 days.pero ngbigay kami nang penalty nand pamasahe nila .the lessors daughter pabalik blik.binigyan ko na sya nang partial payment.ngset kami ng date na balikan nya ako,di pa umabot yon date balik naman.tapos kahit anung sinasabi sa mga katulong namin.na ikaka sira ko at sa business namin.pwede ko po ba cyang kaasuhan na oral defamation?

View user profile

2 Re: can i sue the lessors daughter? on Tue Jun 25, 2013 10:55 am

AttyZag


Arresto Mayor
Hi,

Some tips you may want to follow:

1. Dokomentado ba lahat ng transaksyon ninyo? May proof po kayo ng pagbabayad? May resibo po ba silang binibigay? Posible po kasi na yung naniningil sa inyo, naguguluhan din kung bayad na kayo o hindi kaya po nagkakagulo ng ganito.

Kung wala pang dokumento, advise ko ay bumili ng isang notebook, at kada magbabayad, isulat ang date, magkano ang binayad, para sa anong buwan ang bayad, at papirmahan sa tumatanggap ng bayad. Para po walang gulo sa susunod.

Kung dokumentado naman lahat, subukang ipakita ito sa naniningil para matigil sya sa pagsasabi ng maling impormasyon sa mga katulong mo. Baka po madaan pa sa mabuting usapan sa puntong ito.

Isa pa, kung babalik sya sa ibang petsa, isama na rin sa isusulat at papirmahan sa kanya para walang gulo.

2) Kung hindi pa rin madala sa mabuting usapan, subukan nyo pong ipatawag sa barangay para makapagusap sa harap ng lupon. Saan po ba nakatira ang naniningil sa inyo? Kung pareho pong barangay o magkatabi lang, pwede po ito.

3) Kung ayaw madala kahit sa barangay, kasuhan nyo po ng defamation. Yun nga lang po, humanda kayo sa mahaba at magastos na proseso dahil hindi biro ang magsampa ng kaso sa korte.

Sana po nakatulong ito.

View user profile

3 Re: can i sue the lessors daughter? on Wed Jun 26, 2013 1:12 am

earyeldes


Arresto Menor
Good evenin atty.thank you po sa reply ninyo.
Anyway,nakadocumento po lahat ang mga bayad namin.
Same lng po yon address namin,sa palagay ko po.di na po ito takot sa brgy.kasi parati na po cya doon sa brgy.gusto ko lng po na mgtanda cya sa mga ginawa nya.kasi po more than.3 na po to nya gnawa.i told her po,kung may gusto cyang sabihin,sabihin nya ngderetso sa akin,hindi ipagkalat pa sa tao.
Mor or less po,mgkano po yon gagastusin po?

Ngstart kmi ngrent didto sa space nila 2008,kasi almost 5yrs na po idle ito.nong una bali 1000/mo.pa yon rent namin didto.after 5mos.po ngtaas cla agad ng rental.bali 4,500 po agad.ang rason po nila na commercial space na daw.pwede po ba yon?yon mga pina ayos namin n yon pgpaconnect ng tubig.amin lahat hindi po nla e deduct sa rental po.ang reason po nla ay amin na daw yon kasi kami yon ngrent sa space daw nla.problema na daw namin yon.may parking space sila pero pag nagpark kami kinokolektahan po kami ng bayad.tama po ba yon?
Pinagkakalat nya maswerte dw kami kasi di daw mahal yon rental namin dito.tapos pinagalitan nya yon katulong namin ngkita kasi cla sa grocery shop,kasi po daw di daw namin sinara yon gate.di naman talaga kami yon ngbukas ng gate.nagscandalo cya doon sa grocery shop,at naninira sya sa akin.tama ba na hindi kami bigyan nla nang parking space?
Ano po ba ang dapat ma ibigay sa lessor sa kanyang lesse?
Naguguluhan po talaga kami sa kanya.l"essor daughter"
thank you po

View user profile

4 Re: can i sue the lessors daughter? on Wed Jun 26, 2013 2:03 pm

AttyZag


Arresto Mayor
Naiintindihan ko pong posibleng hindi na takot sa barangay ang kausap ninyo, pero hindi po pananakot ang pakay natin sa barangay.

Sa barangay po kasi, magseset ng hearing para sa inyo. Kung hindi kayo magkasundo, bibigyan po kayo ng Certificate to File Action. Isa po itong dokumento na nagsasabing hindi naging matagumpay ang barangay na pagayusin kayo, kaya't hinahayaan na kayong iakyat ang kaso sa korte.

Yung Certificate to file action ay required kung magfifile kayo ng Defamation, lalu na't sa isang bahay lang pala kayo nakatira.

2) Yung pagtaas ng renta, regulated po yan. Sa Metro Manila po ba yung property? Please see the full law here:

http://www.congress.gov.ph/download/ra_14/RA09653.pdf

Kung totoo naman pong commercial unit na iyan, hanapan nyo po ng resibo. Hindi basta basta nagiging commercial unit for rent ang isang property. Dapat nga po, rehistrado pa yan sa city hall. Hanapan ninyo ng papeles.

3) Yung sa mga ginastos ninyo tungkol sa tubig, etc, at sa parking, tignan nyo po ang kontrata ninyo kung ano nakasulat. Kung nakalagay doon na dapat bayaran ang mga ito, lumalabas na may basehan sila para maningil.

View user profile

5 Re: can i sue the lessors daughter? on Thu Jun 27, 2013 12:29 am

earyeldes


Arresto Menor
Good evenin po atty.thank you at nagreply kayo ulit.

I understand po atty.kampante po sya pag don lang sa brgy.kasi kilala nya doon n pinapanigan cya.

Pwede rin po ba ako mka hingi ng danyos sa kanila?




Outside metro manila po ito.nandito po sa cebu yon property po.

Wla po sila binigay sa amin na OR o official receipt ang binibigay lng nla sa amin ay acknowledgement receipt lng po.legal po ba yon?na di OR ang binigay na resibo sa amin.
.aside from that,ang business permit nila ay sa lodging house lng.pero wla clang permit na kinuha for commercial space na for rent.di naman po cla nagbabayad ng real property tax po.
Kasi ang sabi nla kaya daw na commercial ito kasi malapit lng daw sa highway.pwede po ba yon na don cla kumukuha nangbasihan?kasi malApit dw sa daan.

Wala po kaming contrata .di po cla payag na maycontrata.kasi para mapa alis daw nila kami pg gusto na dw nla kaming paalisin?tama po ba yon?
Kunin lng dw yon mga ipina ayos namin.paano kung kunin namin,baka kasuhan kami nila.

Thank you po. Atty.sana magreply parin po kaayo s tAnong ko.






ku

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum