Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

unlawful process of titling

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 unlawful process of titling on Fri Jul 12, 2013 12:47 pm

Nashrazo


Arresto Menor
Magandang araw po mga kagalang galang na atty.

Kailangan po namin ang tulong at karunungan ninyo sa sitwasyon ng aming lupa. Nasa krisis po kmi ngayon at ginigipit. Ito po ang istorya:

1991 nakabili po ang magulang ko ng lupa na rights pa lamang. Sa tax dec. Po ay 12005 ang sukat ng lupa. At wala pa pong tech. Description ang tax dec kundi boundaries pa lamang po ang nakalagay. Dumating po ang panahon na nag pasukat ang magulang ko kasama ng iba pang karatig lupa. Ayon sa itinuro ng pinagbilhan namin at ng kanyang tenant napag alaman na higit pa po sa 12005 sqm. Ang sukat ng lupa na sinasaka at inalagaan nila. Kaya sa approved plan 12731 sqm. Ang lumabas. Sa loob po ng 20 years, binabayaran namin ang tax at pinataniman ng palay ang lupa. Gayundin inaani ang mga bunga ng puno sa aming lupa. Namatay na rin ang aming tenant ngunit nakatanggap cla ng 90000 pesos ayon sa napagkasunduan.

Ng ipa free patent po ng mga magulang ko ang nasabing lupa.. ang inilagay sa titulo ay 12731 sqm (approved plan)

sa halip na 12005 sqm - na nakasaad sa absolute deed of sale.

Ito po ang naging paratang ng kabilang partido. Sinasabi po nila na mali ang proseso ng free patent namin at hindi dapat ibinase sa approved plan ang titulo kundi sa ablosute deed of sale. At ang 721sqm na sumobra sa lupa ay wala daw kaming karapatan. Gayunpaman sa kanilang paratang ndi nila maipakita sa amin na binabayaran nila ang tax dec. Ng unknown na lupa (726 sqm). At hindi rn nila maituro ang boundaries ng kanilang lupa.

View user profile

2 Re: unlawful process of titling on Fri Jul 12, 2013 12:58 pm

Nashrazo


Arresto Menor
Ang inyong panahon at payo ay lubos namin pinahahalagahan. Kamamatay lang po ng tatay ko at sa ngayon may malubhang kadamdaman ang nanay ko. Kaya kailangan po namin mabawasan ang alalahanin namin. Salamat po ulit.

View user profile

3 Re: unlawful process of titling on Wed Sep 11, 2013 1:51 pm

Makabayan


Arresto Menor
pwede nyong i check sa land registry kung sila ba ay may titulo ng kanilang claim at kung wala. wala rin silang karapatang manirahan sa
lupang di kanila at pwede nyo silang paalisin.

View user profile http://esg@hlurb.gov.ph. / ang@hlurb.gov.ph. /isg@hlurb.gov.ph.

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum