Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Public Scandal

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Public Scandal on Thu Jul 18, 2013 5:40 pm

ellaboticario


Arresto Menor
Hi there!

I am a regular employee of a private company. I just want to inquire about "Public Scandal"
Eto po ung nangyari..

May bisita po ung partner ko sa bahay. 3 pong lalaki na mga malayo niang kamag-anak at pinsan. Nagkataon po na nagkukuwentuhan kami sa loob, eto pong isa eh nasa may pinto nakatambay tapos po nakaharap sa labas.

May isa po kaming kapitbahay na bigla na lang pong nagmumura, sabi po ay binabastos daw po cia. Nagulat po ako at pinalabas ko yung isa kong kasama at pinapatingnan ko po kung sino yung sinasabihan niya. Sumugod po siya sa may tapat ng bahay, so palibhasa po compound un tapos mga pinto lang po ung parang space sa harapan eh nagsisigaw po siya. Ang sabi niya sa partner ko "Kuya, mga kasama mo ba yan? Ang babastos eh. Tanong mo nga kung ano ang gusto at kung hubaran lang eh maghuhubad ako. Nagpapadede ako dito ay pinagtatawanan ninyo." Nagulat po kami parepareho. Nagsisigaw na po cia. Tapos sinabi na po nia sa mga kapitbahay.

Kumuha po ako ng nakasampay kong damit at ayoko po sanang magalit. Tapos bumalik po ung babae, d naman po cia nakalapit pero para pong dinuduro niya ako at sinabi na "ate kamag-anak mo ba ung mga anjan. Sabi ko mga pinsan ko. Tapos sinabi po na binabastos nga daw cia. Sinabi ko po na andito ako sa loob at hindi naman po siya ung pinaguusapan at nagkukuwentuhan lang po kami. Nagalit po siya. Medyo kalma pa ako pero naiinis na ako. Sabi po nila, kasi nakisali na rin ung isa naming kapitbahay na siya daw ang nakakita at pinagtatawanan daw ng mga kasama ko. Sinabi ko na lang po na kung nabastos po kayo ay sorry po. Tapos sabi po ay bakit ko daw pinapagtanggol, wala ba daw akong nanay. Sabi ko meron, at may ate din akong nagpapadede pero hindi naman pinagtatawanan ng mga kasama ko. Sabi ko po "kung may problema po kayo, kausapin ninyo po kami ng maayos at hindi naman po kami bastos na tao." Hindi po siya nakaimik tapos kung anu-ano na po pinagsisigaw niya.

Tinanong ko po ung mga kasama ko at baka nga naman po nakabastos talaga. Sinabi po nila na napatingin po sila pero hindi naman daw po binabastos talaga at mga maitsura pa nga po itong mga ito.

Nanginig po ako sa galit kasi po talak siya ng talak pero hindi ko naman po pinatulan. Sabi ko sorry pero huwag silang manunugod at magsisisigaw dito.

Balak ko po kasing magreklamo sa barangay, eh dun po siya nagwowork. Ano po kayang magandang gawin? Wala po siyang tigil at mga bastos daw ang nakatira sa bahay namin, pinagkukuwento pa niya sa ibang kapit-bahay. Hindi po ba paninirang puri yun?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum