Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Slight Physical Injury 2003...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Slight Physical Injury 2003... on Sat Jul 27, 2013 4:53 am

alia


Arresto Menor
Dear Attorney,

Magandang araw po sa inyo Attirney
Ako po ay isang OFW since 2006 gusto ko lang po humingi ng mga legal advice nyo dahil po gusto kona din matapos ang 10taon problema namin ng aking naka alitan.
Noong taon 2003 po (23years old po ako noon) may naka away po ako na ka barangay din namin matanda sya sa akin ng 23 taon (46 years old po siya ng time na yun) parehas po kami babae.
Dahil po parehas na kami ay may katuwiran hindi naayos sa barangay ang aming problema. Isang beses lang po kami nagharap sa barangay at binigyan na siya ni Chairman ng certification upang ma i file ang kasong slight physical injury laban sakin at ang masakit po pati ang aking asawa na umawat lang sakin ay nadamay pa.
Maayos naman po yung takbo ng kaso tuloy ang hearing kaso po 2006 nag abroad po ako at 2007 sumunod ang asawa ko. kaya kumuha ako sa embassy ng special power of attorney para ang aking Ina ang mag attend ng hearing. Dahil po wala kaming permanenteng abogado galing sa PAO hindi po namin alam hindi valid yung pag attend ng aking Ina sa mga hearing kahit pa daw sya ay nag aattendance dun. Last year po pinaka-usap ko kay Inang yung complainant na aregluhin na namin ang problema at napakatagal nadin. Noong 2003 humihingi sya ng 6,000 para daw iurong nya ang kaso kaya lang sabi ng aming attorney noong time na yun masyado malaki para sa kasong isinampa. Last year po nagpadala na ako ng 6,000 upang ibigay sa kanya ang problema hindi sila nagkasundo ng aking Ina dahil gusto nya kunin ang pera ng walang kasulatan at walang katibayan na nagkabayaran na.
June 2013 umuwi po kami mag asawa at sa hindi sinasadya nagkita kami sa bahay ni Chairman kinausap ko sya para ipagpatuloy ang pakikipag areglo. Kinuha ko ang numero nya dahil ang sabi ko kay Chairman hihingi muna kami legal advice sa attorney bago ako magpunta sa bahay nila at ibigay ang pera. Lumipas ang isang linggo hindi pa ako nakapunta sa kanila dahil may mga importanteng bagay ako inaayos.
Araw ng Sabado alas dos ng hapon June 22, 2013 apat na araw bago ang aming flight pabalik sa bansang aming pinag tatrabahuhan pinuntahan kami ng mga police upang mag issue ng warrant of arrest. wala kaming kaalam alam na april 2013 bago pa kami umuwi may nakahandang warrant of arrest na sa amin at iyun ay habang inaareglo namin ang kaso. Oras lang sana ang naging problema kaya hindi namin agad nagawang pumunta sa kanila dahil 20days lang ang bakasyon namin. 2 nights kami nakulong dahil walang opisina ang piskal at walang pyansa ng Sabado at Linggo.
Akala ko po gagaan ang pakiramdam nya dahil naipakulong nya kami mag-asawa ng 2 araw pero lalo pa sya tumigas at ngayon AYAW NA NYA MAGPA-AREGLO. Noong inaresto kami pinapuntahan ko siya sa aking Ina para pakiusapan pero hindi siya pumayag. After namin mag pyansa kinausap ko si Chairman at gusto ko sana magpasama pumunta sa kanilang bahay para makiusap pero tumanggi siya at ayaw daw nya makita mukha namin mag asawa.
Ang sabi nya 2 days bago ang flight namin hindi daw kami makaka alis dahil may hold departure order kami. Pero nakipag sapalaran padin kami sa airport dahil hindi kami naniniwala na in 2 working days makakapag issue siya ng hold departure order samin. Gayong nakapag pyansa naman kami.Awa po ng Diyos ay nakabalik naman kami ng maayos dito.

Ang gusto ko po sana mangyari ay maayos na ang kaso dahil 10taon na ang nakaraan matanda na sya at ganun din ako.

1-Gusto ko po itanong sa inyo dahil po naka pyansa lang kami may chance po ba na hulihin kami sa airport palang pag uwi namin sa Pilipinas.
2-Ano po ba ang penalty kung matalo kami sa kaso. Ilang buwan po kami makukulong at magkano po ang babayaran ko sa complainant.
3-kung sakaling uuwi kami hindi na po ba kami makakabalik sa ibang bansa.

Maraming salamat po at umaasa sa inyong tugon.

Alia...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum