Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012 on Mon Jul 29, 2013 10:14 pm

cstanawan


Arresto Menor
Thank you for allowing me to be part of this.

I really need your help.

BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012

I am Charish S. Tanawan, I am a teacher and I also own a homebased business which I registered in DTI and BIR. My business is a seasonal business, if may order kami edi ok if wala ok lang din.

My business is VAT registered as payo na rin po nung nasa BIR. Ang alam ko po na dapat kong ifile at byaran ay ang income tax and VAT na yun naman po yung sinabi ng bir nung nagseminar po ako nung nagparegister ako.

Sa totoo lang po hindi po ako nainform regarding sa new receipt when it was implemented. Napanood ko lang po iyon sa TV nung June 2013. Napenalty po ako ng php1000.00 because of late ATP application. Sinabi ko po sa kanila na hindi ko naman po alam at wala akong natanggap na sulat mula sa BIR na may bagong regulation na ganun ang sagot lang po nila sa akin ay napubish daw po yun sa dyaryo. Hindi na po ako nakipagtalo naisip ko kung niloloko naman nila ako na hindi nila ako dapat sulatan regarding doon ay sila naman ang makakarma at kikitain ko rin ang php1000.00.

Ngayon po nung July 25, 2013, I received a letter from BIR dated June 26, 2013 regarding po sa RR 1-2012 Mandatory Submission of Quarterly Summary List of Sales and Purchases. Hindi ko rin po ito alam at sinabi nila na napublish po ito sa dyaryo kaya dapat daw po ay informed ako. Dali dali ko po ito ginawa at ginawa ko po siya July 26 to July 27, 2013. Nang naipasa ko po yung file sa BIR hindi po nila tatangapin yung files hanggang hindi pa po ako nagbabayad. 6 quarters po yung hindi ko po nafile na may tig php2000 penalty so php12000 po yung penalty ko. I find it unfair kasi po kung nainform naman po ako ay magfifile naman po ako.

Ako po personally ang nagfifile sa bir ng VAT ko at income tax since hindi ko po afford ang services ng accountant. Pero pangarap ko naman po na lumaki ito.

Tama po ba yun na hindi po nila ako sinusulatan regarding po sa mga new policies?

Salamat po

Charish Tanawan

View user profile

2 Re: BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012 on Wed Jan 08, 2014 12:22 am

juanchian03


Arresto Menor
Hi po since you naka attend ka po sa orientation ng Bir pwede mag tanung?kasi one year na business ko pero nd pa ako naka kuha ng Bir,, Mag kanu po yung penalty o babayaran ko nun pag nag file ako ngayun ng Bir permit?

View user profile

3 Re: BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012 on Sun Jan 12, 2014 2:55 pm

mon1902


Arresto Menor
see inbox thanks!

View user profile

4 Re: BIR RR No. 18-2012 and RR 1-2012 on Wed Apr 02, 2014 10:54 pm

taxconsultantdavao


Reclusion Perpetua


ignorance of the law excuses no one. you need to attend seminars para ma update ka. at hindi ho required ang BIR na sulatan ang lahat na ilang million na taxpayers dahil me bagong policy po sila na puwede maka apekto sa iyo. enough na sa due process clause ng constitusyon natin na ipublish ang isang bagong polisya o bagong BIR regulation sa isang newspaper of general circulation for three consecutive weeks.

if hindi ka maka afford sa services ng isang professional tax practitioner, magtanong tanong ka sa mga kakilala mo na matagal na sa negosyo. marami na sila alam dahil minsan siguro nagkakamali na sila. pero dahil minsan ang tinatanungan mo rin ay isang hindi professional, ang maging sagot din nila sa iyo ay hindi rin professional advice. kung ikaw ay gustong matanggol ng isang taong hindi abogado dahil sa isang kasong kriminal sa korte, ano ba ang makukuha mo na resulta? ganyan rin iyan sa tax at sa accounting. kaya be careful din sa taong pagtatanungan mo. if gusto mo maka sure, hire ka ng tax practitioner. pero if hindi mo kaya, nasa sa iyo na iyan . assume the risks

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum