Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

SANA ME MAKATULONG PO SA AKIN....

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 SANA ME MAKATULONG PO SA AKIN.... on Tue Sep 24, 2013 8:33 pm

necty


Arresto Menor
eto po ang situation ko... merun po akong inupahan na bahay at nagtayo po ako ng bakery, nagsara na po ang bakery ko after 7 yrs na upa ko dun, pero ayoko pong iwanan yung lugar at baka mag negosyo po ako uli. ngayon inuupahan ko po ung lugar for 7,000 pesos pero wala pong gumagamit nun. Ngayon me kaibigan po ako at sinabi nya na upahan nya ung kalahati ng bahay for 3,500 pesos para d ako mabigatan. pumayag po ako at pinagawa nya ung lugar, nagtayo po sya ng water station. Tapos po sa inayos po ung bubungan ng bahay at pinaghatian po namin ang pagpapagawa. Bale hati po kami sa gastos sa pagpapagawa pero wala po akong pera kaya inako nya po lahat at nagaawas na lang sya ng 2,000 pesos kada buwan sa hulog nya sa bahay para sa share ko sapat sa pagpapagawa nung bubong. Ngayon kailangan ko na pong gamitin ung
inuupahan nya dahil me negosyo na po akong gagawin, ngayon ayaw nya pong umalis kahit na bayaran ko po ung kulang ko sa pagpapagawa. wala po kaming kasulatan sa pag upa nya dun pero ako po me contract of lease sa me ari ng bahay. nag pa baranggay na po ako at palagi na lang daw wala, humihingi daw ng legal advice. wala naman po akong pang abogado na. Ano po ba ang pwede kong hakbang na gawin para mapaalis sya? me karapatan po b siyang hindi umalis dun? sana po me makatulong sa akin sa sitwasyon ko? kung mabasa nyo po ito sana kahit konting advice lang po at malaki na maitutulong sa akin.... Maraming slalamat po and God Bless po....

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum