Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Patulong naman po please......

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Patulong naman po please...... on Tue Oct 01, 2013 9:59 am

dimple08


Arresto Menor

Good day po! Ako po si Maria Nina Diaz, 25yrs old, married at may 2 kids na
po ko.. . may problem po kasi ako, gusto ko na po kasi palitan yung last
name ng panganay ko, Grade 1 na po kasi sya ngayon, nakaapelyido po kasi
sya sa tatay nya nang iwan samin nung 6months pa lang ang anak ko.. . ngaun
po may tumanggap sakin at pinakasalan ako, gusto na din po ng asawa ko
ngayon na iapelyido sa kanya yung anak ko.. . ano po dapat namin gawin at
saan po kami pwedeng humingi ng tulong? yung tatay po ng anak ko ay may
pamilya na ring iba simula pa po nung nanganak ako sa panganay ko, wwla na
po akong balita sa lalaking yun.. ang sabi po kasi nila kailangan pa po
yung tunay na tatay.. di ko na po talaga alam kung san hahanapin yun..
.Tsaka wala po kasi kami malapitan na di kalakihan ang singil kasi po di
rin namin kaya ang gastos.. . Sabi po kasi ng iba ay maghanda kami ng
malaking pera,.. Sana po ay matulungan nyo kami.. Maraming Salamat po!

Tawagin nyo na lang po akong,
Dimple

View user profile

2 Re: Patulong naman po please...... on Wed Oct 02, 2013 12:28 am

tatan1712


Arresto Mayor
Kasal kayo ng tatay ng panganay mo?

View user profile

3 Re: Patulong naman po please...... on Thu Oct 03, 2013 10:44 am

dimple08


Arresto Menor
hindi po, kasal kami nung asawa ko ngayon, ung tatay ng anak ko hindi.. .

View user profile

4 Re: Patulong naman po please...... on Mon Oct 07, 2013 2:29 am

P.Law


Arresto Menor
Adoption. That's your remedy. Kailangan i-adopt ng asawa mo yung panganay mong anak para mapagamit nya yung apelyido nya. Pwede ka pumunta sa pinakamalapit na Public Attorney's Office (PAO) sa lugar nyo.

View user profile

5 Re: Patulong naman po please...... on Wed Oct 09, 2013 1:14 pm

dimple08


Arresto Menor
marami pong salamat.. . ano po bang kailangan sa adoption?? kailangan pa po ba yung tatay nung anak ko?? may sarili na po kasing pamilya yun at di ko na po alam kung saan mahahanap yung lalaki, isa pa po useless din kasi kung yun pa rin last name ng tatay nya gagamitin nya eh sigurado pong di na sila magkikita nun at wala naman po suporta mula pa po nung 6months old pa sya sa tyan ko.. . mahal po ba ang bayad kapag nagadopt?? thank you po... sana po masagot nyo po mga katanungan ko... God bless po....

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum