Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LARGE SCALE ESTAFA AND ILLEGAL RECRUITMENT! HELP!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

victimofscam


Arresto Menor
Hello po sana po may makatulong.

Ako po ay nabiktima ng estafa and illegal recruitment ng isang institute na nag ooffer ng work + study program sa japan.

Nakapag file napo kami ng complain at affidavit and then last week nag submit na din ng counter affidavit yung mga respondents. Gusto lang naman namin ay mabalik ang pera namin binayad sa kanila dahil wala naman napuntahan at walang nangyari sa application namin sakanila.

They were asking to give them until second quarter of next year (2014) to settle the refunds. Pero lahat kami nagkasundo na huwag pumayag na umabot pa next year ang refund namin kasi this is their 4th time na nag promise sila to pay us pinaasa nila kami sa mga date na binigay nila to refund pero walang nangyari at hindi sila lagi macontact kapag dumadating ang araw na promise nila to pay.



Gusto ko po sana malaman kung mababawi ba talaga namin yung mga pera namin binayad sa kanila plus pwede po ba ako mag demand ng additional payment sakanila for damages?


Kasi the money that I gave to them is My Grandma's last money on her bank account.

Sobrang nagagalit po ako kasi ng nalaman ng Lola ko ang nangyari sa akin nakadagdag sa stress nya. NaStroke po ang lola ko tumaas ang dugo, nagka blood clot sa utak then na coma but she did'nt make it kaya nawala na sya this August lang.

I still can't move on. I can still feel the guilt.

Galit na galit ako sa kanila. Gusto ko sana idemand pati ung nagastos namin sa hospital ng grandma ko pati yung sa burial and funeral nya. Now, can I demand for that? Sa October 22 na po ulit ang hearing sa fiscal. pwede ko po ba isama sa affidavit ko yung demand ko?



Last edited by victimofscam on Sat Oct 12, 2013 5:40 pm; edited 12 times in total (Reason for editing : resize of font)

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
Mag asawa po sila na may ari ng school na pinag registeran namin. Offer nila yung Study and Work Program. this is the student may go and study Online Distance Learning or ODL and work at the same time daw sa Japan.

They requested us to pay the registration fee and processing fee. yung registration fee nila is for their school then yung processing fee is for the visa. student visa daw. Sabi nila before one month to process daw ang visa then after that pwede na mag pa book ng flight to Japan. Sabi din nila before meron daw mag iinterview samin thru skype and that is their partner daw sa Japan na magbibigay daw samin ng work but then wala silang napakitang partner sa japan and walang interview.

Pinalipas namin lahat ng doubts namin kasi we were really hoping na totoo ang mga sinasabi at alibis nila kasi magaling sila mag salita.

Tapos may biglaang inannounce sa amin na magkakaroon daw kami ng exam. ang exam daw ay galing sa japan embassy sa result daw ng exam mag be-base ang pag process ng visa namin. kapag hindi daw namin naipasa hindi daw mpprocess ang visa namin. nagkaroon pa kami ng ilang weeks na review on their school.

Pinag exam nila kami sa isang computer shop. Dun pa lang magtataka kana bakit sa computer shop? hinatid pa nila kami sa computer shop. Bigla silang nawala after nila kaming ihatid sa computer shop. Pumayag sila na mag kopyahan kami ng sagot kasi hindi naman daw makikita. Syempre nagsama din kami ng japanese-filipino na friend na fluent sa nihonggo para matulungan kami at pumayag din sila dun. Sabi nila para daw makapasa kaming lahat at makaalis.

May ganyan po bang pa exam ang Japanese Embassy? Grabe sobrang luwag naman nila.



Last edited by victimofscam on Sat Oct 12, 2013 5:26 pm; edited 3 times in total (Reason for editing : RESIZE)

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
Sabi nila yung result after 7 days marerelease. then again nadelay pa din pati ang results ng exam. Sobrang nag ddoubt na kami. We found out na yung exam sila lang ang gumawa kasi nakalagay sa Properties nung file na yung Author naka pangalan sa lalaki. Gumawa nanaman sila ng alibi sabi nila yung laptop daw nila galing daw sa Japanese embassy tapos yung JapExchange which is yung gumawa daw ng original na questionaire binigyan daw sila ng privilege para iedit at bawasan yung exam. Ganun naba talaga kaluwag ang Japanese Embassy ngayon at pati laptop namimigay na din ba sila?

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
Yung gusto ko sana idemand na additional payment sa kanila contains the ff:
1. yung expenses ko every saturday na papuntang school nila dahil sa nihonggo lecture and review na kalokohan lang pala.
2. nag rent pa kami ng computer shop para lang makapag take ng gawa gawa nilang exam. We lasted for almost 5 hours nag rent ng computer shop. marami kami mga nasa 15+ persons po kami.
3. my grandma's hospital, burial and funeral expenses if possible. because my grandma had stroke and died because she was really stressed out and hurt of what happened to me. Dahil din ang pinangbayad ko sa kanila was my grandma's last money on her bank account. Pinahiram sakin ng lola ko ang pera nya para lang matupad ko ang pangarap ko but what happened was terrible. Naloko po ako! Until now I feel guilty about the tragic loss of my lola.

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
Hello po sana may maka sagot po ng mga tanong ko please.

View user profile

alexisbantilan


Reclusion Perpetua
I think your issues better to post on Crime thread..not labor and employment.

View user profile

karl704


Prision Mayor
proceed with the criminal case but it will take more than a year to get resolved.

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
alexisbantilan wrote:I think your issues better to post on Crime thread..not labor and employment.
Pero po kasi estafa and illegal recruitment yung naka file sa fiscal.

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
karl704 wrote:proceed with the criminal case but it will take more than a year to get resolved.
I just wanted to know if I am allowed to demand a refund plus the damages from them. The damages contained my grandma's hospital, burial and funeral expense. because my grandma had been diagnosed and died with intracerebral hemorrhage due to severe stress or emotional upset after she found out that I have been victimized of these illegal recruiters.

View user profile

alexisbantilan


Reclusion Perpetua
You can demand it, as long as the court allows it.
And only you have to prove it, like psycho test result, medical test etc.

View user profile

victimofscam


Arresto Menor
alexisbantilan wrote:You can demand it, as long as the court allows it.
And only you have to prove it, like psycho test result, medical test etc.
Thank you.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum