Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Contract dismissal and charging of crew change expenses

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Donn Pangan


Arresto Menor
magandang umaga po sa inyo, ako po ay isang seaman nag ta trabaho as chief cook sa barko, ako po ay pina uwi ng aking kumpanya at hindi na nila ibingay ang remaining salary ko sa opisina, charge daw nila sa crew change namin sa trasporation and expenses ko at kapalit ko sa barko, ang dahilan po ng lahat ng ito ay nung gabing nag iinuman kami sa barko, nung 01 Oct. 2013 ako ay kinausap ng kapitan ko na mag handa ng pulutan at magluto ng pagkain para sa kaunting salo salo at inuman, ako ay medyo pagod at dumiretso ang aming trabaho hanggang gabi, pag tapos ko magluto ay inimbitahan ako ng aking kapitan ng sumalo at maki inom sa kanilang inuman, ako naman ay nag pa unlak at nung gumabi na dahil sa sobrang pagod at ako ay nalasing, ako ay nabiro ng aking kasamahan na akoy binato ng mani sa ulo ko at ginantihan ko sa siya, nung lumaon naka pag salita siya ng hindi maganda at  ako ay napikon hanggang sa nabatukan ko siya at akamang mag suntukan kami kami ay naawat ng aming kasamahan, nung oras ding iyon umakyat ako ng aking cabina para mag palamig ng sitwasyon at bumaba din ako para humingi ng dispensa sa kanya, at naging maayos naman ang aming pag aayos, maka lipas ang ilang araw ako ay pinatawag ng aking kapitan at sinabing ako ay papauwiin daw dahil sa nangyari, ang sagot ko lang sa kapitan ko na kung ano ang magiging penalty ko na sa tingin nya ay ayos sa nagawa ko wala akong magagawa kundi tanggapin iyon, hanggang sa lumala ang sitwasyon at pati trasportation fees lahat ay sa akin na nila chinarge kasi daw nagalit daw yung Superintendent na pinsang buo ng naka away ko, at wala daw magawa si kapitan kundi pauwiin ako at pag bayarin sa mga nagastos nila, ang tanong ko po ano po ba talaga ang dapat na gawin ko, kasi ako ay pamilyado at nag papa aral sa 4 kong anak, ngayon wala na akong pera gawa ng naka hold sa kanila at sabing may utang pa akong 32K+ dahil kulang pa daw yung remaining salary ko sa nagastos nilang transportation fee's, ang transportation ko at ng kapalit ko ay ako ang nag shoulder lahat nun, sana matulungan nyo po ako at ako ay na stress sa sitwasyon na ito, ako ay nababahala na baka pati sa POEA sirain nila ang papel ko, sana mag karoon ako ng laban sa kaso na ito kasi wala akong pera dahil kinuha nila, kaya feeling ko wala akong laban talaga, maraming salamat po sana po matulungan nyo po ako...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum