Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

TULONG PO. ASAP. ORAL DEFAMATION

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 TULONG PO. ASAP. ORAL DEFAMATION on Wed Oct 16, 2013 2:00 pm

zaoldyeck


Arresto Menor
Manghihingi lang po sana ako ng advice. But before that, eto po yung nangyari.

Naglalakad po yung kuya ko kasama yung wife nya and 3 kids from basketball court. Nakalinya po sila, nauuna yung mga pamangkin ko at yung kuya at ang asawa nya naman nakasunod lang. Maya maya po narinig ng kuya ko na sumigaw at umiyak yung pamangkin kong lalaki. Nakita ng kuya ko yung 3 malalaking asong papalapit sa anak nya, yung isa dun dadambahin na yung anak nya. Dahil dun binato ng kuya ko yung aso ng basketball. Maya maya may lumapit na sa kanya. Yun yung may-ari ng mga aso. Galit na galit. Sinabi nya sa kuya ko na hindi na dapat sila dumaan sa kalsada na yun; na kung hindi sila dumaan, hindi sana muntikang madadamba yung anak ng kuya ko. Sinabi pa nya na dapat daw ikulong ng kuya ko yung mga anak nya para hindi makagat o muntikang makagat ng mga aso nya. Dahil dun, sinabihan po siya ng kuya ko ng “gago”. Dahil po dun ibinlotter ang kuya ko. Pagdating sa barangay, pinipilit nilang humingi ng tawad ang kuya ko. Dahil daw po sa loob ng maraming taon ay walang nangahas na magmura sa kanya. Kinutya nya po ang kuya ko at sinabihang walang aral at walang modo. Pumayag ang kuya ko na magsorry sa kondisyong hihingi rin sila ng tawad sa pagpapakawala sa aso nila. Pero ayaw po nila kaya hindi rin humingi ng sorry ang kapatid ko. Dahil po dun, kakasuhan daw po nila ang kuya ko ng oral defamation. Ipinagmayabang po nila na siya ay pulis at coach ng isang kilalang Philippine sports team at may abogado na.

May laban po kaya kami? Maraming salamat po.



Last edited by zaoldyeck on Wed Oct 16, 2013 2:01 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : maybe defamatory)

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum