Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pamimilit na magbigay ng Pera...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pamimilit na magbigay ng Pera... on Wed Oct 16, 2013 8:59 pm

ryeprz


Arresto Menor
Magandang Araw po mga Sir/Mam, new member po ako dito... hihingi lang po ako ng advice o opinyon po ninyo. Binata po ako at malapit na pong ikasal ngayon, May nakarelasyon po ako dati na may asawa na po at may nangyari po sa amin pero saglit lang ang naging mga pagkikita po namin at nakapgdesisyon po agad kami na ihinto na po din ito agad, unang nagkita po kami nung December 2012 at February 2013 ang naging huling pagkikita po namin at nagdesisyon na itigil na ang aming maling gawain, ang problema nga lang po eh nagbunga ang aming ginawa at nabuntis po sya kaso nalaglag po ang bata. Ang mga nangyari po eh hindi alam ng aming mga pamilya at ginawa po naming sekreto lang po ang lahat na ito maliban sa isang kaibigan lang nya na nakakaalam. Ako po ang sumagot sa pagpapagamot po nya at naging maayos po nmn at inasahan ko po na tapos na ang mga problema, subalit nagtuloy tuloy ang pagkakasakit nya at lumala ito hanggang sa maoperahan po sya nung june at nung august po, umaambag po ako sa pagpapagamot sa knya dahil tinatakot po nila ako na guguluhin ang pamilya ko kung di ako makikihati sa gamutan. lumala po ang nangyari at ang dahilan daw po eh may naiwan na dugo nung niraspa sya, sa madaling salita po eh may pagkakamali po ang doktor at aminado nmn daw po ang doktor dito... ngayon po eh nalubog na po ako sa mga pagkakautang sa sunod sunod na paghingi po nila ng pera sa akin, sa ngayon po eh wla na po ako maibigay dahil wla na po ako mahiraman. kaso tinatakot po nila ako na ako daw po ang sisisihin kapag may nangyari sa kanya at guguluhin daw po nila ang buhay ko dahil ipapaalam daw nila ito sa pamilya nya. natatakot po ako dahil baka po magdala po ito ng panganib sa buhay ko... tama po ba na ako pa rin po ang habulin nila sa pagkakataon na ito para sa pampagamot po at mga gastos nya? Wala na po kc akong maibigay dahil napakalaki na rin po ng mga nakuha nila sa akin at nalubog na po ako sa pagkakautang kaya wala na po ako makuhanan ng pera. papano po ba ito at ano po ang maari po ninyong ipayo sa sitwasyon ko po na ito? Maari po ba akong tumanggi sa panghaharass po nila saken at sa hinihingi po nila na pera gayung wla na talaga akong maibibigay? May obligasyon po ba ako o pananagutan pa sa nangyari o ang doctor na po ba dapat ang kanilang dapat habulin dito?... maraming salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum