Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NEED HELP PO SA LUPA

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 NEED HELP PO SA LUPA on Mon Nov 25, 2013 6:24 pm

vanessaIlagan


Arresto Menor
good day.

ang lolo ko po ay nagmamayari ng lupa na balak na po nya ipagbili dahil tumatanda na po sya at kailangan na ng panggastos sa gamot. ang gusto po sana mangyari sa kada mabebenta sa halagang 50K, sa bawat pitak ng lupa, ang gusto po ng lolo ko ay ang mga bumili na ang magpatitulo ng lupa na kanilang nabili.
ang tanong ko po, ok lang po kaya na simpleng kasulatan na lamang na pirmado ng bawat partido, o kailangan pa pong dumaan sa abogado at notaryo publiko ang ganitong mga cases. ang iniiwasan lamang po ng lolo ko ay ang gastos sa pagpoproseso. hindi po kami mayaman at walang pantustos kaya ibinebente na ang lupa.

sana po ay may tumulong sa kaing maliwanagan ukol dito at kung ano po ang nararapat naming gawin.

maraming salamat po.

View user profile

2 Re: NEED HELP PO SA LUPA on Thu Dec 05, 2013 1:33 pm

irigahauler


Arresto Menor
kahit simpleng kasulatan, iyan ay valid sa mga partido na bahagi ng kontrata, pero mas maganda kung ito ay nakanotaryo at pagrehistro sa register of deeds, ito ay paraan para maprotektahan ang karapatan ng bawat partido.

pede nyo gawin na isa sa condition sa pagbenta ng lupa na ang obligation na pagpapatitulo, pagpapanotaryo at magarehistro sa register of deeds ay gagawin ng buyer.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum