Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Harassment or Bullying?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 1:28 pm

MegaBox


Arresto Menor
Hello,
Nasa ika-3 buwan palang ako sa aking kasalukuyang trabaho. Bagong empleyado kumbaga. At dahil bago palang ako, pinipilit ako ng mga kasama ko sa opisina na manlibre, araw-araw itong nangyayari, ngunit ayaw ko po. At dahil hindi ako makapanlibre, tinawag nila akong "walang pakikisama", belekoy, at "nuknukan ng kunat". At sa aming christmas party. Pinipilit nanaman nila akong sumayaw o kumanta. Ngunit akin itong tinanggihan. Sa kabila ng aking pagtanggi, patuloy parin nila ang kanilang pamimilit sa akin, kung hindi daw ako sasali sa ganung aktibidad, makakarating daw sa mga boss at akoy ipapatawag para mag explain, at dahil hindi pa ako regular na empleyado, makakaapekto daw ito kung akoy ireregular o hindi.

Hindi ako kumportable sa kanilang pamimilit, at nagiging offensive na para sa akin. Umaabot na sa puntong nagdadahilan nalang akong ng kung anu anu para makapag leave sa opisina.

Wala naman akong balak na magsampa ng kaso. Magreresign na po kasi ako, at gusto ko lamang maipabatid ng maayos sa aking employer kung anu ang dahilan ng aking pagreresign, upang kanilang magawan ng paraan, at hindi na maulit muli sa iba pang magiging empleyado nila.

Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 1:32 pm

Patok


Reclusion Perpetua
baka naman binibiro ka lang..

dapat kausapin mo yung boss mo tungkol dyan.. wag ka mag re resign na yan lang ang dahilan mahirap ang trabaho ngayon..

View user profile

3 Re: Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 1:47 pm

MegaBox


Arresto Menor
Ilang beses ko na rin kasing sinasabi na hindi na nakakatuwa at nagiging offensive na ang mga ginagawa nila. As for the boss, wala rin naman siyang ginagawa, alam na alam niya ang mga nangyayari, minsan kasama pa siya sa pambubully(assuming). Nakakaapekto na rin ito sa trabaho, na-iintimidate na ako, natatakot na nga akong pumasok minsan, wala akong magawa kasi,sabi nga nila, bago palang ako, at kailangan ko pang makisama. Lumalabas tuloy na ang mga gusto nilang ipagawa ay parang initiation bago maging regular na empleyado.

View user profile

4 Re: Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 1:52 pm

Patok


Reclusion Perpetua
nasa sa iyo yan.. kung di ka na masaya.. mag resign ka na.. para namang mga bata yang tao dyan..

View user profile

5 Re: Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 2:04 pm

MegaBox


Arresto Menor
Atsaka hindi lang naman yun ang dahilan. Iba kasi yung job description na in-explain sa akin bago ako pumasok sa actual na ginagawa. Sa ngayon lumalabas na back-up officer lamang ako, at pwedeng i-pull out para maging backup sa mga empleyadong naka leave. Kung hindi naman ako naka pullout, nakatunganga lang ako buong araw sa desk ko.
Sa araw-araw na pagpasok, laging late ang mga kasama ko. Hindi nagagawan ng paraan ng lead namin dahil maging siya late din palagi. Ayoko mang manghusga ngunit sa aking paningin, ang ganung gawain ay pagiging iresponsable sa trabaho.
Ayoko ng ganung kultura. PASensya na po kung parang lumalabas na maarte ako sa trabaho.

View user profile

6 Re: Harassment or Bullying? on Fri Dec 20, 2013 2:31 pm

MegaBox


Arresto Menor
IS this bullying po ba? O harassment?

View user profile

7 Re: Harassment or Bullying? Today at 7:57 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum