Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ano karapatan ng kabit?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ano karapatan ng kabit? on Sun Jan 26, 2014 3:21 pm

jarry


Arresto Menor
isa akong kabit dahil hindi kami pwedeng ikasal. our relationships is still on going and it will be turning 4 years this coming June.
may nabili siyang lupa, which actually i also have money on that lot. kaso, sa takot nya or siguro dahil sa kagustuhan nyang tanggapin pa sya ng asawa nya, pinabayaan nyang magpatayo ng bahay ang anak nya na syempre kasama doon ang asawa nya, doon din titira. ang kaso nga po, katapat mismo ng bahay ng mama ko na tinitirhan ko rin, basketball court lang ang pagitan namin.
ang tanong ko po: MAY KARAPATAN BA AKONG UMAPELA OR MAG COMPLAIN MAN LANG?
Please HELP.
tingin ko kasi hindi lang ako ang sinasagasahan nila eh, pati mother ko and my family. para bang gusto nilang ipangalandakan sa probinsya namin na ako ay isang kabit.

View user profile

2 Re: ano karapatan ng kabit? on Sat Feb 08, 2014 2:53 pm

rodelarellano


Arresto Menor
good day po atty, anlaki po ng problema ko. I'am married 7 years na po at meron kaming anak na 3 ng asawa ko, naging maganda naman po yung pagsasama namin. Kaya lang po nung nagdecide akong tumira sa probinsya kasama ng mga anak ko at naiwan ang asawa ko dito sa manila dun na po nagsimula ang pambababae nya. Ang ikinakasama pa po ng loob ko mismong kumare pa namin yung kalaguyo nya at pinsan kong buo yung asawa naman nung babae. May taga sa amin po na magpapatunay na my relasyon nga yung kumare ko at asawa ko. Pulis po ang asawa ko at tricycle driver naman po yung asawa ng kumare ko. Nung nabalitaan ko yung issue na yun na may relasyon nga sila gumawa na po ako ng paraan para makakuha po ako ng sapat na ibidensya para mapatunayan ko nga na may relasyon sila. May mga times po na nakakabasa ako ng mga messages ng babae na "KUMAIN KANA? ANO GAWA MO? TULOG KA NA BA? Sa mga nabasa ko pong yun talagang nag init na po ang ulo ko sa asawa ko at sa kumare ko pero kailangan ko pong kumalma dahil electronics evidence lang po yun kung sakaling humantong kami sa korte kaya naghintay pa ako ng panahon para unti unti akong makakuha ng matibay na ebidensya. Hanggang sa may nababasa na naman ako galing sa sent items ng cp ng asawa ko na " YUNG LIKOD MO BAKA BASA NA NAMAN... MISS NA KITA...

Sobrang sakit talaga ng ginawa nya, nung December 24 last year may nabasa na naman aq text ng kumare ko ang sabi " WAG KA MUNA TAWAG ANDITO PARE MO".. Umamin po ang asawa ko na may relasyon sila kaya po nung time na yun sinugod ko ung babae sa bahay nila. " UMAMIN NA ANG ASAWA KO KAW ANG KALAGUYO NYA" ang sagot lang po nya ganito. " SYA LANG NAMAN ANG NAGHAHABOL SAKIN". At may mga taong nakarinig po sa sinabi nyang yun. Hanggang sa nagdecide ako makipaghiwalay sakanya, hindi po xa pumayag at nangako na magbabagong buhay. Hindi naging sapat ang pagmamakaawa nya skin kaya umuwi ulit aq sa probinsya namin. Pero hindi ko rin po sya matiis kaya gusto ko na naman bumalik sa manila para makipag ayos. Hindi po nya alam na luluwas ako dala ko yung 2 anak namin. May duplicate po ako ng susi sa kwarto namin kaya nung pagbukas ko po ng pinto nagulat ako dahil nakasuot sya ng panty. At nabasa ko po nung time na yun sa sent items nya na ganito " OK LANG BA SUOT KO PANTY MO KASI I FEEL FRESH AND RELAX LALO NA PAG AGRESIBO, HAY NAKU! LUMALAGPAS ANG HEAD". Hanggang sa nakita nya na sobrang nasasaktan na ako at naawa sya skin umamin sya na may nangyari sa kanila sa bahay mismo namin at sa bahay din nung babae at 2 times sa motel. Sobrang sakit po talaga kaya ang naisip ko ay maghiganti.

Eto po atty. ang pinaka problema ko ngayon, para makaganti ako sa babae pinaalam ko sa byenan nya ang lahat ng kagaguhang ginawa nila at pati yung mga sexual intercourse nila sa motel at sa mismong mga bahay namin sa chat sa fb. Pero ako po ang lumabas na masama at idedemanda daw po ako ng paninirang puri. Hindi po ako takot na harapin sila sa korte dahil alam ko po sa sarili ko na ako ang biktima dito. Ang kinakatakot ko lang po, nxt month na po ang schedule ng alis ko papuntang taiwan. Pwede po ba mahold ang departure ko? At pano po pag nagwitness ang husband ko at inamin ang relasyon nila posible po ba ma dismiss ang kaso ko? Ano po ba pwede ko icounter demand ng hindi po kasali ang husband ko? Moral damages po ba pwede ko icounter demand sa babae?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum