Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

fb chat can be use as evidence?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 fb chat can be use as evidence? on Wed Jan 29, 2014 5:37 pm

mykel07


Arresto Mayor
good day po...gusto ko po sana ask if pwede ko po bang gamiting ang fb chat as evidence sa ginagawa panglalake ng asawa ko? may chat sa inbox nya na nag sesex sila ng lalaki nya? thanks in advance po...

View user profile

2 Re: fb chat can be use as evidence? on Wed Jan 29, 2014 5:47 pm

johnnydoes


Arresto Menor
You cannot accuse a person until proven guilty. Facebook is not an accurate basis to depend your allegation against you wife not unless you caught them in action.

The best way to catch your wife if she's really cheating you is to guard her moves by spot checking her activities not only through words but in action.

View user profile

3 Re: fb chat can be use as evidence? on Sun Feb 02, 2014 10:57 am

attyLLL


moderator
chats are evidence, but not necessarily strong ones. you will also need to prove you were authorized to access her account else it is not admissible.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

4 Re: fb chat can be use as evidence? on Tue Feb 04, 2014 12:23 pm

mykel07


Arresto Mayor
thanks attyLLL, nasa abroad na po kasi sya di na nya mabuksan yun fb account nya kaya yun fb ng anak namin ang gamit nya. binigay nya sakin yun email saka password nun fb account na gamit nya. para mag upload daw ako ng pic ng anak namin. not knowing na may past chat pa pala sya dun na di na delete dun sa lalaki nya. dun naka indicate lahat pinaggagawa nila kapag wala ako sa bahay namin. kung saan sila nagpupunta. saka plano nilang pagsasama kapag nakabalik na sya galing abroad. lahat po yun naka print screen na save ko lahat sa word doc.

View user profile

5 Re: fb chat can be use as evidence? on Fri Feb 07, 2014 3:58 pm

rodelarellano


Arresto Menor
good day po atty, anlaki po ng problema ko. I'am married 7 years na po at meron kaming anak na 3 ng asawa ko, naging maganda naman po yung pagsasama namin. Kaya lang po nung nagdecide akong tumira sa probinsya kasama ng mga anak ko at naiwan ang asawa ko dito sa manila dun na po nagsimula ang pambababae nya. Ang ikinakasama pa po ng loob ko mismong kumare pa namin yung kalaguyo nya at pinsan kong buo yung asawa naman nung babae. May taga sa amin po na magpapatunay na my relasyon nga yung kumare ko at asawa ko. Pulis po ang asawa ko at tricycle driver naman po yung asawa ng kumare ko. Nung nabalitaan ko yung issue na yun na may relasyon nga sila gumawa na po ako ng paraan para makakuha po ako ng sapat na ibidensya para mapatunayan ko nga na may relasyon sila. May mga times po na nakakabasa ako ng mga messages ng babae na "KUMAIN KANA? ANO GAWA MO? TULOG KA NA BA? Sa mga nabasa ko pong yun talagang nag init na po ang ulo ko sa asawa ko at sa kumare ko pero kailangan ko pong kumalma dahil electronics evidence lang po yun kung sakaling humantong kami sa korte kaya naghintay pa ako ng panahon para unti unti akong makakuha ng matibay na ebidensya. Hanggang sa may nababasa na naman ako galing sa sent items ng cp ng asawa ko na " YUNG LIKOD MO BAKA BASA NA NAMAN... MISS NA KITA...

Sobrang sakit talaga ng ginawa nya, nung December 24 last year may nabasa na naman aq text ng kumare ko ang sabi " WAG KA MUNA TAWAG ANDITO PARE MO".. Umamin po ang asawa ko na may relasyon sila kaya po nung time na yun sinugod ko ung babae sa bahay nila. " UMAMIN NA ANG ASAWA KO KAW ANG KALAGUYO NYA" ang sagot lang po nya ganito. " SYA LANG NAMAN ANG NAGHAHABOL SAKIN". At may mga taong nakarinig po sa sinabi nyang yun. Hanggang sa nagdecide ako makipaghiwalay sakanya, hindi po xa pumayag at nangako na magbabagong buhay. Hindi naging sapat ang pagmamakaawa nya skin kaya umuwi ulit aq sa probinsya namin. Pero hindi ko rin po sya matiis kaya gusto ko na naman bumalik sa manila para makipag ayos. Hindi po nya alam na luluwas ako dala ko yung 2 anak namin. May duplicate po ako ng susi sa kwarto namin kaya nung pagbukas ko po ng pinto nagulat ako dahil nakasuot sya ng panty. At nabasa ko po nung time na yun sa sent items nya na ganito " OK LANG BA SUOT KO PANTY MO KASI I FEEL FRESH AND RELAX LALO NA PAG AGRESIBO, HAY NAKU! LUMALAGPAS ANG HEAD". Hanggang sa nakita nya na sobrang nasasaktan na ako at naawa sya skin umamin sya na may nangyari sa kanila sa bahay mismo namin at sa bahay din nung babae at 2 times sa motel. Sobrang sakit po talaga kaya ang naisip ko ay maghiganti.

Eto po atty. ang pinaka problema ko ngayon, para makaganti ako sa babae pinaalam ko sa byenan nya ang lahat ng kagaguhang ginawa nila at pati yung mga sexual intercourse nila sa motel at sa mismong mga bahay namin sa chat sa fb. Pero ako po ang lumabas na masama at idedemanda daw po ako ng paninirang puri. Hindi po ako takot na harapin sila sa korte dahil alam ko po sa sarili ko na ako ang biktima dito. Ang kinakatakot ko lang po, nxt month na po ang schedule ng alis ko papuntang taiwan. Pwede po ba mahold ang departure ko? At pano po pag nagwitness ang husband ko at inamin ang relasyon nila posible po ba ma dismiss ang kaso ko? Ano po ba pwede ko icounter demand ng hindi po kasali ang husband ko? Moral damages po ba pwede ko icounter demand sa babae?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum