Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child support and custody

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child support and custody on Sun Feb 09, 2014 2:25 am

ynahas


Arresto Menor
Maganda araw po sa inyo meron lang po sana akong gustong linawin isa po akong 22 na single mom, nabuntis po ako edad 19 nagkaron po ako ng anak sa isang napaka batugang lalaki at pamilya nyang hindi man lang ako magawang kaawaan. Mali ako nong pinilit kong sumama sa knya at magpaka martyr pero nagsawa na din ako nong di ko na kaya na nakikita ang anak ko na kahit gamot man lang pag me sakit e di kayang bigyan meron pang magulang na alam namang kapapanganak ko lang di man lang ako kayang tulungan kahit sa gawaing bahay na lang nahihiya naman ako magreklamo pero dumating ang araw na di ko na talaga kinaya kasi bukod sa batugan na babaero pa at kunsintidor ang magulang.

Lumayas ako kasama ang anak ko dahil di ko na po matiis, laging me sakit at ang payat ng anak ko hanggang ngayon pag naaalala ko ung bagay na un naiiyak ako pero wala akong magawa nong araw na un dahil wala akong natapos.

Hanggang sa nakilala ko tong isang manager na bakla at pinangakuan ako na magjajapan dahil nga sa nakita nyang maganda daw ako maputi at makinis kahit probinsyana sabi nya bebenta daw ako kaya di na ako nagdalawang isip nakiusap ako sa kamaganak ko na baka sakaling pde sa knila na muna ang bata at magpapadala n lang ako. Nong sumama ako napunta ako sa club ang sabi dito daw kami magpapractice para mag japan dahil nga sa wala naman akong alam sa kahit ano at pakisama na din sumunod n lang ako nong una hirap ako kasi di ko masikmura ang makisalamuha sa ibat ibang lalaki pero gawa nga ng pangangailangan at pangako sakin nagawa ko. Dito din ako kumukuha ng pang suporta sa anak na iniwan ko kaya katagalan ok na din.

after 4 months may nakilala akong lalaki, una pa lang nahulog na ako sa kanya kasi mabait sya tanggap nya ako sa madaling salita nagmahalan kami minulat nya ako sa bulag na katotohanan na ginagamit lang ako ng manager namin hanggang sa matuklasan ko ngang wala naman pala talagang japan hindi totoo un dahil ni isa sa batch namin walang naka alis at ung kinikita namin napupunta lang sa knya nagrebelde ako di dahil sa meron na akong boyfriend kundi dahil sa alam kong ginagamit na lang ako.

Hanggang sa lumayas ako at sumama sa BF ko at ayon nga nabuntis nya ako at sinabi nya na kapag tinuloy namin merong maisasakripisyo dahil bata pa lang ako at di tlaga ako marunong mag isip basta nagmamahal binalewala ko sinabi nya gang sa nabuo at lumabas ang pangalawa kong anak at napabayaan ko na ang una.

mag pa 5 months na po ako di nakakapag padala sa una kong anak mahirap pero nahihiya ako humingi ng suporta sa tatay ng pangalawa kong anak dahil di naman sya ang ama non.

Ano po ang dapat kung gawin para sa anak ko? naaawa na po ako sa kanya ung pangalawang anak ko eh marangya ang buhay ngayon pero ung una kng anak hirap tiis ang kagat ng mga lamok, sa murang edad hindi na nakatikim pa ng gatas.

Samantalang ung ama nong una kong anak ngayon nasa ITALY at nagagawa pang mag message sakin na para bang ang dating eh bago sya tumulong sa anak namin kelangan muna may mangyari saming dalawa.

Pinayuhan ako ng asawa ko ngayon sabi nya obligahin ko daw ang dati kng asawa dahil obligasyon nya un. Tama po ba?

Considered po ba as illegitimate ung bata kahit sa tatay nya naka apelido?

sabi po ng asawa ko ngayon dapat ung anak kong una hindi sa kung kani knino nakatira bagkos dun dapat sa ama at ina nya, di kasi pde sakin dahil ang alam ng pamilya ng pangalawa kng asawa ay wala akong ibang anak at nahihiya talaga ako sobra sa kabaitan nila pero nagawa ko pang magsinungaling. Sabi nya sakin dapat ibigay ko daw po ang anak ko dun sa pamilya ng ama nya dahil karapatan din ng bata na ang dapat nagpapalaki sa knya ay magulang nya, tama po ba un?

Di ko po kasi binibigay ang anak ko sa kanila o nagawang ipahiram nong hinihiram dahil nong panahon po na nakatira kami sa kanila puro pasakit lang po ang tinamo ko, sabi ng present kong asawa mali daw po ung ginawa ko its a form of child abuse daw, psychological abuse so tama po ba sya at mali nga po ba ako?

Pano po kung binigay ko po ang 1st son ko sa pamilya nong ama nya natatakot po kasi ako na baka sakin naman ipagdamot ang bata, sabi naman ng present husband ko never daw un mangyayari kasi hanggang 7 years old kung tutuusin sakin ang bata wala silang karapatan na ilayo to o itago sakin kahit di ako ang bumubuhay sila lang ang bubuhay kasi obligasyon ng ama un. Tama po ba?

Matagal na po ako nakikiusap sa dati kng asawa nong buntis pa lang ako na sana magpadala man lang sya kasi nasa abroad na sya nagawa nya naman pong magpadala siguro simula 2013 4 times as in 4 times na po pinatago ng present husband ko un receipt pra ebidensya daw pinakamalaki na po n natanggap ng anak ko is 2,500 pesos lagi nyang dahilan wala daw syang trabaho doon.

Sabi ng present husband ko kesa sa magdusa ang bata at mahirapan pa ako bakit di n lang ung ama nya phirapan ko tutal obligasyon nya naman ito sabi sakin pag di nakipag usap ng matino asawa mo padalhan mo ng sulat ang embassy para madeport para makaganti ka n din, tama po bang gawin ko un at totoo po ba na me magagawa ang pagsusulat ko sa embassy?

Tulungan nyo po ako ayoko naman po na mag agrabya ng tao pero kawang kawawa na po ang anak ko sa ngayon po kasi wala po akong trabaho ayaw p po ako pagtrabahuin ng asawa ko kasi bata pa po baby namin, tulungan nyo po ako pano ko po mauubliga ang dati kng asawa n suportahan ang bata, kelangan ko pa bang ibigay ang bata sa knila di po ba pdeng ung kamaganak ko n lang na pinag iwanan ko po ang kumupkop habang sinusuportahan ng ama nya?

sana po matulungan nyo po ako.

Maraming salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum