Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Sinangla ng may-ari ngunit siya rin ang umupa.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Sinangla ng may-ari ngunit siya rin ang umupa. on Sun Feb 16, 2014 12:40 pm

rey123


Arresto Menor
Magandang araw po.

Sana matulungan niyo po ako sa aking problema.

Meron pong nagsangla sa akin ng kanyang pwesto sa market sa halagang 30k, nagkasundo po kami na uupahan niya ang pwesto sa halagang 200 pesos bawat araw.

Nakapagbayad naman po siya ng upa sa loob ng 3 buwan, pero makalipas niyan ay hindi na nasundan pa puro pangako na lang ang ibinigay sa akin. Pinagbigyan ko po siya. Pero tumagal na po ito ng mahigit isang taon. Wala na siyang binabayad na upa at hindi rin niya binabalik ang halagang 30k.

May karapatan po ba akon na habulin ang mga upa na hindi niya nabayaran ng siyam na buwan plus yung 30k na halaga ng sangla.

Meron po kaming pinirmahan na "Deed of Mortgage" at notaryado po ito. Nakalagay din po dito ang kundisyon na kapag hindi niya ako nabayaran ng upa at ng halaga ng sangla, "The said commercial space shall be waived in favor of the mortgagee."

May sinasabi po siya na hindi daw po talaga sa kanya ang pwesto kundi rebook lang daw po siya dito.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin na dapat kong gawin o ikaso sa kanya kung meron man?

Salamat po at sana'y matugunan niyo po agad ang aking problema.

Mabuhay po kayong lahat!

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum