Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

may nagsanla ng lupa pero yun nagsanla ako kakasuhan dahil daw sa forgery

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

darkmatter269


Arresto Menor
gusto ko lang po itanong.. may isang bakanteng lupa at yun isa po naman lupa at bahay.. bale isasanla sa tita ko ko yun dalawa na yun.. bale noong 2003 yun lupa at isang bahay nakasanla muna sa iba pero natapos na yun palugit dun sa pinagsanlaan nila..lumapit sila sa tita ko na kung pwede pahiraman sila ng pangtubos at sa tita ko isasanla.. pumayag ang tita ko at ang ginawa niya kada buwan 5% aNg interest sa uutangin nila pero sa kanya na nakasanla ang bahay.. so ganito po ang nangyari.. gumawa ang tita ko ng kasunduan na bibigyan sila ng pantubos tapos isasama na rin mga utang dati ng may ari ng lupa..at pumayag naman sila.. tapos pagdating ng dalawang taon at di nila matutubos yun sinanla nila..bale kukunin na yun lupa at yun magiging kabayaran.. taong 2005 di nila nabayaran utang nila at interest kaya ngayon sa tita ko na yun lupa nila kapalit ng inutang nila nun..pero may kasunduan naman sila na pwede nila ulit kunin basta babayaran yun principal at interest.. e umabot po hanggang 2014 na at di pa nila natutubos po ang lupa tapos ang tita ko naman namatay nun 2011.. ang kinagulat ko po ngayon nalaman na sakin nakapangalan na yun lupa at ang pirma ko po ay pirma ng auntie na wala akong kaalam alam na sakin pala pinamana parang ganun.. ngayon eto problema ko po..

1. bale nun sinanla yun lupa at isang bahay may kasulatan po at may mga witness.. ang habol ko lang sana is bayaran na nila utang nila kasi mahigit ng 11 taon na ang nakalipas..

2. yun sa lupa sakin na nakapangalan pero wala akong kaalam alam.. at nalaman ng mga kapatid ng nagsanla na sakin nakapangalan..kasi ang istorya po nito sinanla sa tita ko na di pala pinaalam sa mga kapatid at kamag anak niya..
ang nangyari po ngayon dahil sa nalaman ng kapatid niya.. ang nagsanla parang kakasuhan ako ng falsification of public documents or forgery yun nagsanla samin! e wala ako kaalam na alam na sakin po nakapangalan!

ang nangyari po yun nagsanla samin siya pa magkakaso sakin dahil sa nakapangalan na sakin pero sa totoo lang di ko alam na pinangalan sakin..ang tita ko nagpangalan sakin pero patay na at yun nagsanla siya pa tumulong nun para mailipat sa pangalan ko..
pero may katibayan naman kami na may utang siya at may mga pumirmang testigo.. ang problema ko lang po is yun lupa kasi nakapangalan na sakin ng di ko alam

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum