Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help: Bahay na pinagawa ng Mom ko ipapagiba ko... Sana may sumagot!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

tnss


Arresto Menor

Good Afternoon po sa lahat. Sana po may sumagot dito.
Eto po ang story. Maraming salamat at more power!

Ang parents ko po ay hindi kasal ngunit kami ang unang pamilya. Noong maayos pa ang relasyon ng aking parents ay nagpagawa ang nanay ko ng bahay sa lupa ng parents ng father ko (lolo at lola ko - father side). Ang bahay na ito ay 3-story at may paupahan ngayon sa 1st floor.

Ang problema po, nagkaron ng bagong kinakasama (live-in partner) ang father ko at may anak silang 1 year old at sila ang occupant sa 2nd floor. Ang father ko po ay US citizen at ngayon po ay nasa america sya. Ang kumukuha po ng renta sa 1st floor na paupahan ay yung bagong kinakasama. Ako naman po ang occupant sa 3rd floor. Gusto po ng nanay ko (nasa america din ngayon) na ako ang kumuha ng renta sa 1st floor hanggang sa nagkagulo na dahil pinapaalis sila ng lola ko (mother side). Ang sinabi ng mother ko ipagiba nalang yung bahay para wala silang mapakinabangan. Sinabi rin ng father ko na ipagiba na nga lang daw yung bahay para maangkin na din nya ang lupa nya na nakapangalan parin naman sa mga magulang nyang namatay na.

Ang tanong ko po:

1) Ano po ang mga legalidad para maipagiba ko itong bahay sa maayos na
paraan?

2) May kasulatan po na pinirmahan ang father ko at mother nya (lola ko) na side ng mother ko nga ang nagpagawa ng bahay namen. Sapat na po ba ito para mapatunayan kong may karapatan kaming ipagiba ang bahay?

3) Kailangan pa ba naming bayaran yung bagong pamilya ng tatay ko or bigyan ng relokasyon kung sya naman ang mamamahala sa lote na kinatitirikan ng bahay na ipapagiba?

4) Ano ang habol naming magkakapatid kung sakaling ibenta ng tatay ko ang lupa?

5) May pwede ba kaming isampang kaso sa father ko?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum