Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Attorney's Fee on Land Dispute

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Attorney's Fee on Land Dispute on Wed Apr 09, 2014 11:20 am

nitski


Arresto Menor
Tanong ko lang po sana kung may specific amount po o percentage ang attorney's fee.

Eto po kasi ang detalye. May lupa na binibenta. May kausap na tao na sya ang nakikipag-usap sa may-ari ng lupa. Isa-subdivide ang lupa sa mga possible buyer. Pag nabayaran na ng mga buyer ang kabuuang halaga ng lupa saka lang ililipat ang titulo sa mga buyer. Isa kami sa mga buyer. Isa rin sa mga buyer ang attorney.

Nang magkaroon ng malaking halaga na nalikom, tinakbo ng tao na direktang nakikipag-usap sa may-ari ng lupa. Sa madaling salita naloko yung mga buyers. Kinasuhan na at pinaghahanap na ung tao na yun. Dahil sa hindi mahanap ang taong yun, ung hinabol ng mga buyers ay yung may-ari ng lupa. Pinanabalik namin ang aming mga na-remit na pera.

Yung attorney at isa nyang katuwang na nakasama sa mga niloko ang naglakad ng kaso. Matagal rin ang tinakbo ng kaso. Ngayon magbabayad na ang may-ari ng lupa. Ang dapat ibalik ng may-ari ay 2.3 million pro ang kaya nya lang bayaran ay 1.8 million. Nung huling meeting sabi ng attorney at ng katuwang nya ng mababawasan daw ng 30% attorney's fee plus 12% miscellaneous fee ang hulog ng bawat buyer. Sa kabuuan 42% ang mababawas sa pera ng bawat member. E ilan kaming mga buyers. Marami-rami din kami.

Ngayon ang tanong ko po ay kung reasonable po ba ang 42% o kahit yun na lang po ang 30% na attorney's fee. Isa po kami kasi sa mga malaki na ang na-remit na pera. Sa opinyon ko po kasi parang napakalaki ng 30%. Ung 12% pwede na kasi sa haba rin ng kaso. Di pa naman namin nakakausap ung attorney.

Ano po ba yung pwedeng gawin o pwedeng niyong i-suggest. Salamat po.

View user profile

2 Re: Attorney's Fee on Land Dispute on Wed Apr 09, 2014 1:19 pm

taxconsultantdavao


Reclusion Perpetua


lumapit ka sa free legal assistance group at isumbong ang lawyer na iyan. puwede ka rin pumunta sa Integrated Bar of the Philippines at magtanong doon paano magfile ng complaint .

puwede iyan masubject ang lawyer na iyan sa administrative liability dahil sa kanyang unconsciounable fee na gi charge sa inyo.

kung tutoo ang sinasabi mo, parang panloloko iyan. kasi naturingan pa naman na officer of the court pero parang highway robbery ang ginawa niya sa inyo , if ang kwento mo lang ang pagbasahen.

meron bang written communication ang lawyer na iyan para magamit mo na ebidensya??

View user profile

3 Re: Attorney's Fee on Land Dispute on Wed Apr 09, 2014 1:20 pm

taxconsultantdavao


Reclusion Perpetua


sobrang sobra ho ang 40% na lawyer's fee. ang iba nga, 3% lang o 1%. or me fixed fee sila. if contingent basis ang arrangement, sobra pa rin kalaki ang 40% na iyan. sobrang sobra.

View user profile

4 Re: Attorney's Fee on Land Dispute on Wed Apr 09, 2014 3:20 pm

nitski


Arresto Menor
Maraming pong salamat sa agarang pagsagot. Susubukan kong hingan ng written document ang attorney sa kanyang sinisingil na fee sa susunod na pagpupulong. Magbibigay na lang po ako ng update. Sa muli salamat po sa pagsagot.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum