Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

slight physical inhury help from atty needed please

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Alyssa Marie


Arresto Menor
Inquiry lang po. Kasi mo may kaso po yung asawa ko.

20 years old po siya kakukuha niya po ng student license niya ng march , hindi pa po narerenew yun to non-pro.

Ginagamit po niya pampasok yung motor na nakuha namin hulugan sa Ropali.

Yung nabundol niya po, nagasgasan, kasi tumatawid po yung tao, humakbang na patawid sa gitna ng kalsada tapos bumalik pa kaya pagpreno ng asawa ko, sakto lang pero nasagi siya ng kaunti, mataba yung babae natumba, nagasgasan yung paa.

Yung asawa ko hindi naman po tumakbo, sinamahan pa po niya sa ospital yung nabundol niya, tapos yung babae nagpahatid dun sa ospital kung saan nagtatrabaho yung asawa niya. Tumawag po sila agad ng pulis na hindi tapos yung medical nung babae.

Kinulong po nila ang asawa ko, medyo nakainom po siya pero hindi naman lasing. Ang hiningi po sa amin na bayad ng babae 5 libong piso, hindi naman po namin kayang bayaran agad ng buo yun kasi sa Jollibee lang po nagtatrabaho yung asawa ko, buntis pa po ako, siya lang po yung nagtatrabaho saming 2.

Yun pong may hawak ng kaso. Magaareglo po kami, pero dahil bata pa po kami, wala po kaming laban, kasi parang pinapaboran sila. Nanakot pa yung babae na kapag daw hindi namin binayaran yung 5 libo na nagastos sa ospital, eh kakasuhan daw niya ang asawa ko.

Itatanong ko lang po sana kung ano ang maiging gawin para po ma-areglo po ito ng hindi naman po kami argabyado.

Gas-gas lang po yung tinamo ng babae, hindi naman po grabe pero 5 libo po yung hinihingi nila, yung asawa niya po sa Ospital nagttrabaho, baka po kasi yung resibo na ibigay nila eh alam niyo na po.

Lumalapit po ako sa isang propesyonal na puwedeng tumulong at magbigay suhestiyon sa gagawin namin.


Salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum