Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Denying the child

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Denying the child on Mon Oct 11, 2010 10:56 pm

joanna


Arresto Menor
gud eve po. This year of May I filed a case of Violation of RA 9262-Anti Violence Against Women and their Children Act of 2004 against the father of my 1 year old daughter. Kasi po during the time na two months pregnant pa lang po ako nung March 2009,he already doubted if he is the real father of our child and challenged me for DNA testing. Because of that I suffered psychological and emotional anguish as well as financial abuse and up to this time he's trying to spread rumors para siraan ako na ibang lalaki ang nakabuntis sa akin na lalong nagpapahirap sa akin.MALAKI PO BA ANG CHANCE NA MAKULONG SIYA AFTER MA-PROVE NA SIYA ANG TATAY NG BATA?

View user profile

2 Re: Denying the child on Wed Oct 13, 2010 12:30 am

attyLLL


moderator
where did you file your case, the prosecutor?

to my mind, mere refusal to acknowledge the child should not be a basis for a criminal charge of VAWC. your proper remedy should be to file a petition for filiation. a crim case of VAWC is not the proper case for determining that he is the father.

on the other hand, if he is spreading rumors and you have witnesses who heard him say these rumors, then it is possible that your charge for VAWC may prosper.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

3 Re: Denying the child on Thu Dec 09, 2010 2:12 pm

cezm


Arresto Menor
ganito po ang story:
august 16 po nalaman kong buntis ako.mahigit 1 month na po.sinabi ko po sa bf ko at sabi po nya,wag daw po akong matakot dahil pananagutan daw po nya ako.magpapakasal daw po kami.napagkasunduan po namin na sabihin sa kanila ang sitwasyon namin.pinatawag po ako ng ate mildred nya at nung kinausap po ako sabi po sa akin ay kung di pa naman daw po alam ng magulang ko gawan na lang daw namin ng paraan.kasi daw po hindi pa pwedeng mag asaw ang kapati nya.pero di po ako pumayag dahil sa tingin ko po ay gusto nyang mangyari ay ipalaglag ko ang bata.ang sabi po ni mildred,kung may usapan na daw po kami ng kapatid nyang si michel eh pumunta daw po ako sa kanila at sasamahan daw po nila kami na magsabi sa inay nya.di po ako nakapunt dahil po may ginawa ako.the next day po,sabi ko sa ate nya,pupunta ako para masabi na ang kalagayan ko.pero nagalit si mildred.sabinya,ang kapal daw ng mukha kong pumunta dun para sabihin na buntis ako .sino daw maniniwala sa akin eh hindi naman daw po alam sa kanila na niligawan ako ng kapatid nya.hidi daw po nila pinangarap na makasama ng kapatid nya ay dalagang ina.at pano daw po ako nakakasigurado na ang kapatid nya ang ama ng dinadala ko.at kapag may nangyari daw pong masama sa magulang nila,ako daw po ang sisisihin nila.nagalit po ang kaptid ko sa sinabi ni mildred at pinagsabihan sya ngate ko.matapos po yun,di ko na makontak.kaya po tinext ko si mildred.sabi ko po mag usap kami ng kapatid nya.nakipag usap naman po ang bf ko pero iba na po ang gusto nyang mangyari.di na daw po nya ako kayang panagutan.ayaw na daw po naya.tinanong ko po kung bakit.sabi po nya,hindi naman daw po nya ako mahal.yun daw pong si marivic ang mahal nya.lumapit lang daw po sya sa akin dahil alam. nyang may gusto ako sa kanya.ginamit lang daw po nya ako at kinuha lang daw po nya ang gusto nya sa akin.at ngayon nga daw pong nakuha na nya,ayaw na daw po nya sa akin.pinagparausan lang naman daw po nya ako.kahit kelan daw po hindi nya ako minahal.sabi ko po paano ako at ang batang nasa tiyan ko.basta daw po hindi nya ako kayang panagutan.marami pa daw syang gustong gawin.sabi nya,ipalaglag na lang daw po.kinumbinse po akong alisin na lang ang batang nasa tiyan ko pero hindi po ako pumayag kaya po sinabi ko sa mother ko na buntis ako.pinuntahan po namin ang bahay ng lalaki at sinabi sa ina nya na buntis ako pero sabi po ng ina nya,bakit daw po ako nagpagalaw sa anak nyha eh hindi ko naman daw po asawa.kaya po sabi ng mom ko na gusto nayng makausap ang anak nya para malaman kung pananagutan ako o hindi at kung anong plano sa akin.ang sabi naman po ng ina ng lalaki,marami pa daw pong plano ang anak nya.umalis po kami sa bahay nila at bago po magtanghali ay pumunta din sa amin ang lalaki kasama ang tatay nya at ang kanyang tiyuhin kasama ang bayaw nya.nagkaroon po ng verbal na kasunduan ang bf ko at ang tatay ko na pananagutan ako at pakakasalan.nagkaroon din po ng kasunduan sa pagitan ng tatay ko at ng tatay nya na magpapakasal kami sa 2011 ng anak nya kaya po nagpagawa muna po kami ng kasulatan sa barangay na nagsasabing magsasama na kaming dalawa bilang mag asawa simula sa araw na yun. pagkatapos nga po ng pirmahan ay inuwi na ako ng bf ko sa kanila kahit na po labag sa kalooban ko dahil po sa galit sa akin ang kapatid nyang babae.sumama na rin po ako.pero wala pa pong 3 araw eh sinugod na po agad ako ng kapatid nya.nagsisisigaw po sya at tinawag pa akong tanga.hindi po ako palabasin ng bf ko sa kwarto kaya po hi9ndi ako nagawang saktan ng kapatid nya.at sabi po ng kapatid nya,wag daw po akong haharap sa kanya na wala ang ina nya at makakatikim daw po ako.simula po nun,di na naging maganda ang pagtira ko dun.palagi po akong pinaparinggan ng kapatid ng bf ko.lagi po kaming nagtatalo ng bf ko dahil dun.sa tuwing sasabihin ko pong uuwi na lang ako sa amin,tinatakot po nya ako na kapag umuwi daw po ako sa amin,hindi na daw po nya ako pupuntahan sa amin.di na daw po sya magpapakita sa akin kahit na kelan.kaya po nagtititiis ako dun.di rin pusap ng iba nyang kapatid.at sabi po nya,kahit daw po anong sabihin sa akin ng ate nya,wag na daw po akong magsalita.wag na daw po akong sumagot. sabi ko po,bumukod kami pero ayaw daw po ng kanyang ina.dun na lang daw po kami.tapos po nalaman ko din po na nung una pa lang ay pinapaalis na sya ng kanyang ina at tumakas na lang daw po sya.wala na daw naman po akong magagawa kapag alayo na sya at minura daw po ng ina ng bf ko ang kanyang tiyo dahil pinag ayos daw po kami ng bf ko.nalaman ko rin po na si mildred ang nagkumbise sa bf ko na wag na lang akong panagutan.pwede daw naman po yun.palagi po akong pinaparinggan ng ate ng bf ko.kung ano ano pa pong ipinamamalita ng kapatid nya at alam po yun ng bf ko.minsan pa nga po sabi nys,may lalasunin daw po sya.palagi pong pasigaw ang ate nya kaya po natatakot na ako sa kanya.di na po ako nalabas ng kwarto namin sa takot sa ate nya.nagkakanda iyak po ako at nakikiusap sa bf ko na dun muna kami sa amin tutal naman po wala syang problema sa amin pero ayaw po nya.sabi po nya,kapag umalis daw po ako,dalhin ko na lahat ng gamit ko at di na daw po sya pupunta sa amin.tinatanong ko po sya kung bakit ayaw nya sa amin pero wala po syang masabing dahilan.basta daw po ayaw nya.nagtatrabaho po ako sa ospital at kahit po pagod at puyat ako sa trabaho giagawa ko po ang obligasyon ko sa kanya pero pamalit po ng kapatid nya,di ko daw po iniintindi ang asawa ko.konting problema po namin,konting tampuhan eh nagsusumbong na sya sa kanyang ina kaya po palagi po akong pinagsasabihan ng ina nya at di man lang ako tinatanong kung anong nangyari.palagi po nila akong hinahanapan ng pagkakamali ko.kung ano po ang sabihin ng ina nya,yun po ang nasusunod.lahat po ng desisyon ko,ayaw ng bf ko.sabi nya,kung anong sabi ng inay nya yun ang gawin namin.ayaw nyang pag usapan ang tungkol sa ginagawa ng kapatid nya.tinutulugan nya ako,nilalayasan o kaya naman po eh parang wala syang naririnig.pagkatapos po eh sinabi pa po sa akin na kausapin ko si mildred at magsorry daw po ako.ginawa ko naman po kahit na wala po akong kasalanan sa kanya.ginawa ko po yun para maging maayos kami pero nagkali po ako.di pa rin po tumitigil si mildred sa mga sinasabi nya sa akin.kahit nga po sa harap ng bf ko eh kung anong sinasabi nya pero di man lang po sinasaway ng bf ko.pakiramdam ko po nag iisa ako sa bahay na yun eh.sobrang sama ng loob ko.nagaglit pa po sa akin ang bf ko dahil di ko daw po kinakausap ang mga kapatid nya.sa takot ko po sa ate nya,boses pa lang po ang marinig ko,kinakabahan na ako.oras po na malayo sa akin ang bf ko,threatened na po ako.pakiramdam ko anytime eh pwede akong sugudin ni mildred.hindi rin naman po sya sinasaway ng mga magulang ni mildred.hanggang sa sobrang sama po ng loob ko pati batng nasa tiyan ko,naapektuhan na.dinala po ako sa emergency room dahil po sa matinding pagsakit ng tiyan ko.noon po ay 10weeks na akong buntis.wala pong makitng problema sa akin at sa bata.sabi po ng doktor eh posible daw pong emotionally stressed ako.nakakaapekto din daw po ang too much emotion sa pagdadalang tao.sinabi ko po yun sa bf ko pero balewala lang po sa kanya.basta ang gusto daw po nya eh dun pa rin kami sa kanila.at gusto pa po nya ay makipagkwentuhan ako sa ate nya.nagagalit po sya sa akin dahil lagi ko daw pong gustong pumunta sa amin.hindi ko daw po pakisamahan ang mga kapatid nya.ang huli nga po ay nag away ang bf ko at ang tatay ko dahoil hindi po sya nakabyahe.di ko naman po alam na bibyahe pala sya.wala naman pong sinabi sa akin ang bf ko.wala po akong kaalam alam sa mga nangyayari tapos bigla akong sinugod ni mildred sa kwarto.pinagsisigawan ako at pinagsalitaan ako ng kung ano ano.hindi ko daw po asawa ang kapatid nya.ipinagsisiksikan ko daw po ang sarili nya sa pamilya nya.kapal daw ng mukha ko.palamunin lang naman daw ako dun.umuuwi lang daw ako dun para magpahindot sa kapatid nya.uten lang namqan daw ng kapatid nya ang habol ko.palibhasa daw po eh sarap na sarap ako sa uten ng kapatid nya.itaga ko daw po sa bato,paglabas na paglabas ng bata,sasabihin daw po nya sa mga tao na hindi ito anak ng kapatid nya..sana daw po yung mangga na bibigay nya sa akin ay nilagyan nya ng lason.at binantaan pa po nya ako na ngayon ko daw po makikita kung gaano kahayop ang pamilya nya..wala po akong sinabi na kahit ano.di po ako sumagot.tapos narinig ko po ang tatay ng bf ko ang sabi po eh ayaw daw po nya ng mga taong ugaling aso at nahahawa daw po ang anak nya..pagkatapos po nun,pumasok sa kwarto namin ang bf ko.sabi ko po uuwi Muna ako sa amin.magpapalipas lang ng sama ng loob.sabi po ng bf ko,pinapalayas na po sya ng tatay nya.kaya po sabi ko,gusto mo bang sumama muna.dun muna tayo.sabi nya,nahihiya daw sya kasi wala syang trabaho.kya po pinakiusap ko sa ate ko na samahan sya sa company nila para mag apply.pumayag naman ang ate ko.nagdesisyon po sya na dun na kami tumira sa amin.magdadrive na lang daw po sya ng jeep.kaya po ipinahanda po nya lahat ng gamit namin.ipinadala nya po yung mga damit nya.nagpasundo po ako sa tatay ko at sabi po nya sa tatay ko susunod daw po sya agad.may aayusin lang daw po sya dun.pero di na po sya sumunod.di daw po sya paalisin sa kanila.tinext ko po ang inay nya para sabihin na npagkasunduan namin ni michel n sa amin titra.tinanong ko po kung ok lang sa kanya.di po sumagot tng inay nya.sobrang desperado na po ako nun.kung ano ano na pong naiisip kong gawin nun.nalaman ko po kasi na di nga daw po paalisin si michel sa kanila ng pamilya nya.wala naman po akong ginawang masama sa kanila para tratuhin at gawin nila sa akin ang ganun.naisip ko na nga pong magpakamatay na lang eh baka sakaling pumunt sya sa amin.kasi po di ko na makontak si michel.nagtetext ako sa inay nya,di po sumasagot.pati po sa bayaw nya.2 weeks po syang ipinagbibilin ng tatay ko para makausap pero di pi sya dumarating.hanggang sa ipinatawag na po sila sa barangay.ang sabi po ni michel,di na daw po nya ako kayang pakisamahan dahil sa ginawa ko sa magulang nya.samantalang wala naman po akong nagawang pagkakasala sa kanila.sabi po ng ina nya,magpagawa na lang daw po kami ng kasulatan na magsasabing wala ng pananagutan at esponsibilidad ang anak nya sa akin at sa bata.syempre po hindi naman ako pumayag.sabi pa po ng tatay ni michel eh hindi daw po sila maglalabas ng pera ni isang kusing.natanggal po ako sa trabaho ko dahil po sa sobrang kahihiyan.pinag uusapan po ako ng mga tao.at ang huli nga pong sabi nina michel ay ipapa-DNA test daw po nila ang bata.sabi daw po kasi ni michel eh may naging bf daw po ako bago ko sya naging bf.yun pong bf na tinutukoy nya ay nasa saudi.umalis po sya nung February 2010.kararating lang po nya ngayon.sa kasalukuyan po ay mag aanim na buwan pa lang po akong buntis.tapos ngayon po ay nalaman ko na nagpaplano palang umalis ng bansa ang bf ko at minamadali na ito ng ina at kapatid nyang si mildred.sabi po ng bayaw nya,gusto lang daw magkatrabaho.sabi ko naman po,dati hindi sya paalisin ng kanyang ina.sabi pa nga sa akin ng inay ni michel eh di na nga daw nya pagbyahehin si michel dahil mahihirapan daw ang anak nya.ayaw daw po nyang nahihirapan ang mga anak nya.kaya po ako ang nagtatrabaho nun.pati nga po pambili ng sigarilyo nya,ako ang nagbibigay eh.sobra sobra pong kahihiyan ang nangyari sa akin kaya po nagfile ako ng case laban sa kanya.R.A 9262 po.tanong ko lang po kung pwede po bang magprosper ang kaso..thank you poh..need ko lang po ng eveluation sa kaso ko.urgently needed lang po..

View user profile

4 Re: Denying the child Today at 12:30 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum