Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Customer Feedback a ground for libel

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Customer Feedback a ground for libel on Wed Jun 18, 2014 9:27 pm

bjao


Arresto Menor
Hello sana bigyan mo ko ng isang legal advice

Nag pagupit po ako sa isang salon sa amin, since wala naman po akong alam sa buhok sabi ko pagupit po yung mohawk style pero walang likod. Naging mabilis po yung pag gupit, binasa po nung parlorista yung buhok ko at bumaba po ito. Sabi nung parlorista ay okay na ito at "lagyan mo nalang ng wax paramaayos" Natapos yung paggupit sakin ng wala pang 10mins. Nagbayad ako at nagbigay sila ng resibo.

Umuwi ako at nagbanlaw ng buhok, naglagay din ako ng wax para sundin ang sinabi ng parlorista. Pero ang pangit ng kinalabasan at hindi pantay pantay ang gupit.

Bumalik ako para ipaayos ito, pinaupo ako nung parlorista at sinabing tama ang gupit niya. gusto kong pabawasan yung gilid pero nag iiba na yung tono niya. Kumuha siya ng wax upang lagyan pa ito. Pero nilagyan ko na ito sabi ko na sa kanya. "Mukang nanggago kayu ng buhok dito eh" sabi ko sa parlorista. dahil ang hiningi ko ay pabawasan at hindi dagdagan ng wax

Nagalit ang parlorista at ang iba pang crew nila. 3 sila to be exact.

"Kilala mo ba ko?" sabi ng parlorista sa isang nakaktakot na pananalita. Yung may tonong pambabanta.

"wala akong pakilaalam kung sinu ka, Nagpapaayos ako ng buhok". sagot ko.

Minura ako ng parlorista at sinabihan ng hindi magagandang salita, Yung isang empleyado dun ay nakisali sa akin at sinigawan at dinuro ako.

Sabi ko "wag mo kong sigawan at wala kang karapatang duruin ako".

Minura niya ulit ako "tang ina ka, wala kang pinag aralan".

"Graduate ako" sagot ko.

Hindi ako nagmura, hindi ako sumigaw, at hindi ako nagsabi ng hindi magagandang salita ang tanging ginawa ko lang ay sagutin ang kanilang mga sinasabi.

Sabi ko sa kanila "Customer ako"

sabi nung isang empleyado "wala akong pakialam kung customer ka"

sabay ibinalik ang binayad ko.

Hinila ako papalabas ng store. at bago ako lumabas sabi ko "Mag rereport ako"

Pag labas ko nandun yung asawa nung isang empleyado ng salon, isang lalaking drayber. nag sumbong yung asawa nung nasa salon dun sa drayber

"Bakit anung nangyari" sa isang nakakatakot na pananalita.

_------------------------------------

Dumiretso ako ng barangay at nag file ng report sa pagtatangka at pambabatos.

ang naging ground ko ng pag tatangka ay yung nakakatakot nilang pananalita indirect words man pero yung action suggest that there will going to be a violence.

Pambabatos dahil customer ako at hindi dapat ako murahin at pahiyain dahil kahit papaano nag bayad naman ako.

Habang nag fifile ako sa barangay at nagsusulat ng statement. Yung lalaking drayber na asawa nung nag tatrabaho sa salon ay sumunod sakin at nakatayo sa likod ko at binasa ang complain ko.

Nag request ako sa brangay na palabasin ito, ngunit tumanggi siyang lumabas. Kinausap ko ulit yung tanod at sinabi na nakakairita yung pagtayo niya sa likod ko.

Hindi ko makuha yung logic kung bakit kailangan niya akong sundan sa barangay.

--------------------------

Nagharap kami nung parlorista sa barangay kasama yung drayber at 2 empleyado.

Sabi nung parlorista libel daw po yung ginawa ko dahil sinira ko yung credebilidad niya bilang manggugupit

Yung dalawang parlorista sabi niya "nandadamay kasi siya, sabi niya kasi Nanggagago kayo" She emphasize the word kayo.

isa rin pong sinabi nila ay nanggugulo daw po ako.

----------

Ang aking pong side dito ay una paying customer ako, I have the right to give feedback about the service that was done to me.

I cant see any libel in the incident, there were no defamatory statement that I said nor made publish

at pangatlo i am a 5 foot 3 with 42 kilos of body weight kahit po yung upuan nila dun hindi ko kayang buhatin, from that hindi ko po maisip kung paano po ako nanggulo, at isa pa muli customer ako.

Salamat po sana po makapahbigay po kayu ng malinaw na advice salamat

View user profile

2 Re: Customer Feedback a ground for libel on Wed Jun 18, 2014 9:42 pm

AWV


Reclusion Perpetua
Tama lang na report mo sila sa Baranggay at follow up mo yun pagkatapos humingi ka ng Baranggay report at dalhin sa pulis ang kaso. Dahil customer ka hindi sila dapat nag matapang at nanggulo! Walang libel dyan dahil nagkasagutan man kayo dinepensahan mo lang ang sarili mo saka hindi sila dapat Nakikipag away sa customer! Dahil ang customers ay always right!

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum