Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

My wife is having a baby with other man

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 4:44 pm

DXB1212


Arresto Menor
Good day sir,

Gusto ko lang po maliwanagan,

hiwalay na kami ng asawa ko na nasa pinas for 2years now. thru internet ko sya hiniwalayan dahil nga sa madaming dahilan na naipon na. kaya nagdecisyon ako hiwalayan na sya. after ilang buwan nagkaron ako ng girlfriend dito kasama ko sa abroad. nalaman nya eto at galit na galit. pero buwan2 ako nagsusuporta sa anak namin na 1. at madalang ko makausap ang anak ko dahil narin sakanya.

ngayon 2014 nalaman ko na sya ay buntis na sa ibang lalaki, meron na sya bagong kinakasama. manganganak sya by September this yr.

sinabihan nya ako na ipapangalan nya sa akin ang bata dahil kasal kami. hindi ako pumayag. pero ewan ko lang kung ano gagawin nya. dahil gagamitin pa diumano ang Philhealth ko.

ngayon, lagi nya ako pinagbabantaan na kakasuhan nya ako dahil meron ako babae. at iniwan at sinira ko daw pamilya ng anak namin. buwan2 eh ngsusustento ako ng Php 10k sa bata. gayong Php30k lang ang sinasahod ko. Gastusin pa dto sa abroad. tuwing manghihingi sya ngayon ng additional na pera at di ko sya pinagbibigyan eh tinatakot ako.

Gusto ko po sana itanong. ano po ba pwede ko gawin? uuwi ako this year para maayos eto. at ang pagsustento sa anak namin eh gusto ko sana legal. paano po ba?

Salamat.

View user profile

2 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 8:48 pm

AWV


Reclusion Perpetua
Mas maganda Kung umuwi ka bago sya manganak sabay kasuhan mo ng adultery dahil enough evidence na ang pag bubuntis nya ng hindi sa iyo. Mapapatunayan mo naman na hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis nya dahil sa record ng pag uwi mo sa bansa. Pero dahil nga kasal sya sa iyo ikaw ang tatayong ama at apelyido mo ang dadalhin ng bago nyang anak. Kung ayaw mo then mag file ka ng annulment ASAP dahil actual mo itong mapapatunayan na buntis sya at hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis nya!

View user profile

3 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 8:59 pm

DXB1212


Arresto Menor
ano po ang pwede kong maging grounds for annulment?

View user profile

4 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 9:03 pm

DXB1212


Arresto Menor
Paano kung ipangalan nya nga sa akin ang bago nyang anak?

Ano ang pwede ko po gawin?

Hindi ba nya magagamit na laban din sa akin ang pagkakaron ko ng girlfriend ngayon? dahil eto ang pinananakot nya sa akin.

View user profile

5 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 9:28 pm

AWV


Reclusion Perpetua
DXB1212 wrote:ano po ang pwede kong maging grounds for annulment?

Clear adultery ang grounds mo lalo na buntis sya matibay na evidence yan!

Check here...

http://deborjalaw.com/2010/09/10/philippine-law-on-sexual-infidelity-bigamy-adultery-and-concubinage/
"For the woman, all one has to prove is that she had sexual intercourse with a man other than her husband (circumstancial evidence being possible in such a case especially so in an age when video cameras have not yet been invented). For the man, a wife has to prove that the act is scandalous to constitute concubinage. "

View user profile

6 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 9:31 pm

DXB1212


Arresto Menor
ibig nyo po sabihin adultery ang grounds na gagawin ko sa annulment namin?

maraming salamat po

View user profile

7 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 9:33 pm

AWV


Reclusion Perpetua
DXB1212 wrote:Paano kung ipangalan nya nga sa akin ang bago nyang anak?

Ano ang pwede ko po gawin?

Hindi ba nya magagamit na laban din sa akin ang pagkakaron ko ng girlfriend ngayon? dahil eto ang pinananakot nya sa akin.

Mapipigilan mo ito sa pag file mo ng adultery case laban sa kanya dahil matibay ang evidence mo dahil buntis sya ngayon!

Hindi madaling patunayan ang kaso mong concubinage lalo na nangyari ito sa abroad labas ito sa Philippines jurisdictions. Wink

View user profile

8 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Jun 24, 2014 10:30 pm

DXB1212


Arresto Menor
MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA SAGOT ATTY.

View user profile

9 Re: My wife is having a baby with other man on Fri Jun 27, 2014 5:04 pm

mimsy


Reclusion Temporal
hanga din naman ako sa tapang ng mukha ng asawa mo...di ko alam kung san nya nakuha ang idea nyang idemanda ka at magdemand pa ng pera sa kalagayan nya hahaha!

anyway, tama lahat ng sinasabi nila. automatic ipapangalan sayo ang bata kasi asawa ka nya sa papel. ikaw lang ang makakapagpatunay na hindi sa iyo ang pinagbubuntis nya. mas mabuting umuwi ka para madispute mo ang legality ng status ng pinagbubuntis nya. malaki na ang 10k para sa isang bata...baka balak nya ikaw pa ang bumuhay sa pinagbubuntis nya hahaha

View user profile

10 Re: My wife is having a baby with other man on Sun Jun 29, 2014 6:04 pm

DXB1212


Arresto Menor
kaya nga po eh, ipinaalam pa sa akin na gagamitin nya ang philheath ko. uuwi ako para maayos nga ang lahat. ayoko din sana umabot sa kasuhan sya.

maari kaya madaan nalang sa agreement na wala na kami pake alamanan sa isat isa at hindi nya pwede gamitin ang pangalan ko sa kanyang bagong anak?

View user profile

11 Re: My wife is having a baby with other man on Sun Jun 29, 2014 10:50 pm

gel


Arresto Menor
wala syang ebidensya laban sayo..mahina kaso nya agst u..sue her for ADULTERY..ang pagkakaroon nya ng anak sa ibang lalaki ang malakas na ebidensya laban s kanya..

but u have to impugn the legitimacy of the child that shes bearing now..ibig sabihin patunayan mo sa korte na hindi mo anak ang dinadala nya.. ipa DNA mo kung kelangan..or prove mo na imposibleng maging sayo ang bata kasi wala ka sa pinas.. kelangan mo iprove na hindi sayo kc ang presumption ng law kapag ipinanganak habang kayo ay kasal, sayo ang bata.. habang kayo ay kasal, lahat ng magiging anak nya in the future ay presumed by law na sayo..

View user profile

12 Re: My wife is having a baby with other man on Sun Jun 29, 2014 10:52 pm

AWV


Reclusion Perpetua
DXB1212 wrote:kaya nga po eh, ipinaalam pa sa akin na gagamitin nya ang philheath ko. uuwi ako para maayos nga ang lahat. ayoko din sana umabot sa kasuhan sya.

maari kaya madaan nalang sa agreement na wala na kami pake alamanan sa isat isa at hindi nya pwede gamitin ang pangalan ko sa kanyang bagong anak?

Not possible dahil automatic na sa iyo ipapangalan ang anak nya dahil kasal kayo! Kaya wala kang choice kung ganyang matapang pa sya kahit ikaw na ang naagrabiyado! Di naman sya maka claim ng RA9262 dahil nasa abroad ka at sya ang nagluko! Kaya Kung ayaw mong gamitin nya ang surname mo kailangang maagapan ko ito! Get a lawyer para kahit papano matakot syang blackmailin ka pa.

View user profile

13 Re: My wife is having a baby with other man on Sat Aug 09, 2014 5:06 pm

DXB1212


Arresto Menor
Atty:

Nakauwi na po ako last from pinas at nakabalik na uli dito sa abroad. nakita ko harap harapan ang aking ex wife na 7mons. pregnant sa kanyang boyfriend ngayon at kalive-in pero nasa abroad narin sa ngayon.

kinausap ko sya. na mag file na ako ng annulment pra sa aming 2 at maka move on na kami sa kanya kanyang buhay. Ngunit sya pa ang matapang at ayaw nya pumayag sa annulment. hindi naman daw nya ipapagamit ang surname ko sa bagong anak nya. ayaw din daw ng tatay nun.

hindi ko naman sya makasuhan ng adultery at andito uli ako sa abroad.

ano po ang pwede ko gawin? salamat po

View user profile

14 Re: My wife is having a baby with other man on Sat Aug 09, 2014 5:28 pm

mimsy


Reclusion Temporal
hehe bakit ayaw nya ng annulment? may balak sya balikan ka? tsaka sa alam ko kahit di ata nya ipangalan sa iyo ang bata, the fact na ipinanganak sya sa panahon na kasal kayo, lalabas na anak mo pa din ata yan? not sure though, dapat sa mga ganyang babae pinakukulong. mga salot sa lipunan

View user profile

15 Re: My wife is having a baby with other man on Sat Aug 09, 2014 5:42 pm

DXB1212


Arresto Menor
mag file nalang ako ng annulment.

tama po ba na hindi nalang sya sisipot sa mga hearing para ma grant ang annulment namin?

View user profile

16 Re: My wife is having a baby with other man on Sat Aug 09, 2014 11:50 pm

AWV


Reclusion Perpetua
Right! Eventually ma grant yang annulment mo.

View user profile

17 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Feb 10, 2015 8:29 pm

DXB1212


Arresto Menor
Magandang Hapon po attorney,

Regarding po sa aking problema, napatunayan ko na po na buntis at nanganak na ang aking asawa sa kanyang kinakasama sa ngayon. Ngayon po eh gusto ko na matahimik kami ng aking karelasyon dito kami sa abroad. Gusto po sana namin mag pa convert sa ISLAM, at magpakasal ayun sa ISLAM. upang maging lehitimo na aming pagsasama dito sa bansa ng mga Muslim. ang worry ko po kasi eh ang aking ex-wife ay nananakot pa sa ngayon na pupunta sya dito at ipapakulong kami. gayong sya eh nanganak na sa kinakasama nya sa ngayon. Ako naman po eh hindi pumapalya sa buwanang sustento sa 1 anak namin. 10-12k pesos buwan buwan ang aking pinapadala, ngunit lagi nalang kulang at pag hindi napagbigyan eh eto nga ang pinapangtakot nya.

Meron ako nakausap na kung sakaling kasal na kami ng aking karelasyon sa ngayon sa ISLAM eh hindi na sya makakapag habol lalo kung ituloy nya ang sinasabing pupunta dito sa abroad sya at ipapakulong kami. tama po ba?

salamat sa mga payo.

View user profile

18 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Feb 10, 2015 9:08 pm

mimsy


Reclusion Temporal
bakit ba takot na takot ka dyan sa baliw mong ex? hahaha matuto ka naman lumaban, kung meron man ang mas may karapatan magdemanda and for sure na panalo e ikaw yun. pag tinatakot ka nya sabihin mo subukan nya at nakaready na din kamo ang adultery case mo sa kanya. yung mga ganyang baliw di yan nadadaan sa pakiusap maging matapang ka din sumagot. isang beses lang pakita mo din na di ka nya kaya...goodluck sayo!

View user profile

19 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Feb 10, 2015 9:11 pm

DXB1212


Arresto Menor
salamat sayo. oo nga eh masyadong makapal ang kanyang mukha. dahil nga sa mahirap mgfile ng annulment at andito ako sa abroad kaya naiicip namin ng partner ko ngayon na mgpaconvert to islam at mgpakasal sa islam.

View user profile

20 Re: My wife is having a baby with other man on Tue Feb 10, 2015 11:24 pm

AWV


Reclusion Perpetua
DXB1212 wrote:Magandang Hapon po attorney,

Regarding po sa aking problema, napatunayan ko na po na buntis at nanganak na ang aking asawa sa kanyang kinakasama sa ngayon. Ngayon po eh gusto ko na matahimik kami ng aking karelasyon dito kami sa abroad. Gusto po sana namin mag pa convert sa ISLAM, at magpakasal ayun sa ISLAM. upang maging lehitimo na aming pagsasama dito sa bansa ng mga Muslim. ang worry ko po kasi eh ang aking ex-wife ay nananakot pa sa ngayon na pupunta sya dito at ipapakulong kami. gayong sya eh nanganak na sa kinakasama nya sa ngayon. Ako naman po eh hindi pumapalya sa buwanang sustento sa 1 anak namin. 10-12k pesos buwan buwan ang aking pinapadala, ngunit lagi nalang kulang at pag hindi napagbigyan eh eto nga ang pinapangtakot nya.

Meron ako nakausap na kung sakaling kasal na kami ng aking karelasyon sa ngayon sa ISLAM eh hindi na sya makakapag habol lalo kung ituloy nya ang sinasabing pupunta dito sa abroad sya at ipapakulong kami. tama po ba?

salamat sa mga payo.

Iho! dyan sa Dubai kahit maglupasay pa sya sa kalsada walang makikinig sa kanya at lalong hindi ka nya maipapakulong dahil nasa bansa ka kung saan ang polygamy ay allowed! Hindi mo na kinakailangan magpa convert dahil hindi naman uubra ang gusto nyang mangyari kapag nandyan kayo sa abroad. Mahirap patunayan ang concubinage lalo na kung nasa ibang bansa kayo. Huwag ka lang papalya sa sustento sa anak mo dahil obligasyon mo yun!

View user profile

21 Re: My wife is having a baby with other man on Wed Feb 11, 2015 5:57 pm

DXB1212


Arresto Menor
ok maraming maraming salamat po.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum