Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Marriage void from the beginning - article 35

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Marriage void from the beginning - article 35 on Wed Jul 09, 2014 5:13 am

Josephgar0114


Arresto Menor
Need q po help... Kung may kilala po kayong atty na ndi mataas ang singil sa paghahawak ng kagaya ng kaso q....

Sobrang kailangan ko lang po talaga ng tamang payo about sa pag na null and void ng marriage contract namin sa NSO.
kami po ay kinasal noong June 2001ang edad po nya ay 16yrs old at ako naman po ay 20yrs old binago po ang birth certificate nya imbis na 1984 ginawang 1982 pati po ang lugar kung saan sya pinanganak.,kaya po kami naikasal sa aglipay. nagsama po kami ng halos 10 taon.,at nagkaron ng 1 anak na lalake. noong 2010 nag abroad po sya me trabaho din po ako noon sa pinas.,hanggang dumating ang 2012 napagdesisyunan namin na sumunod ako at magtrabaho na rin sa abroad.,halos 4 na buwan pa lang kami nagsasama d2 sa abroad ng mabalitaan ko na me relasyon pala sila nung tomboy na kasamahan nya sa work.,nag away po kami hanggang sa nauwi sa pakikipaghiwalay nya sa akin at sumama sya sa tomboy.,ngayon po 2 years ang nakalipas wala man lang pong suporta ang nakukuha ng aming anak galing sa kanya ndi naman po ako naghahabol sa suporta nya ang gusto ko lang po maiayos ko ang aming paghihiwalay sa legal na pamamaraan. sa katunayan nga po lahat po ng dokumento nya, ang ginagamit nya ay ang apelido nya mula pa nung pagkadalaga, hindi nya ginamit ang apelyido ko kahit sa passport nya dahil alam nya nga rin na fake ang kasal namin.

Sumubok na po ang ate ko na lumapit po sa PAO kaya lang po dahil abroad ako hindi po nila tinanggap ang case ko. Kaya po napilitin kami maghanap ng atty at sa kasamaang palad eh pinaasa lang po ako ng atty na nakuha namin, nag issue sya ng notice galling sa court pero wala naman po palang na file sa court na un na civil case under sa name ko nung nag overseas call ako at ang dahilan po nila hindi pa daw ako nakafull payment kaya po pullout ko na yung civil case ko sa kanya.

Kahit po abroad ako wala po akong masyadong malaking halaga na naiipon dahil po ako lang mag isa ang bumubuhay sa anak q at kasama na rin ang pag susustento sa tatay ko na may sakit, ang gusto ko lang naman po eh maitama ang lahat kaya po kahit na wala akong ganong budget eh gusto ko po maayos na.

Ngyon po may nakausap kaming atty at ang sabi po ay magiging annulment na rin ung civil case ko at aabutin ng malaking halaga

Meron po akong hawak na mga documents na magpapatunay na hindi tama ang age ng napangasawa ko sa marriage contract naming, gaya ng salaysay nya, ID, NBI, at birth certificate nya dahil po ni require yun ng atty dati. lubos po akong umaasa na matulungan nyo ako sa tamang proseso at legal na paraan. maraming salamat po!

View user profile

Josephgar0114


Arresto Menor
Please reply

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum