Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

abusadong motorcycle driver

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 abusadong motorcycle driver on Sun Aug 03, 2014 5:31 pm

bro


Arresto Menor
good day attny! gusto ko lang ilabas mga hinaing ko sa dumaraming motorsiklong tumatakbo sa kalye, araw-araw nalang may kaso ng banggaan at di kami kawala sa napiperwisyo ng mga abusadong motorcycle drivers na yan. Kamakailan lamang past 12 midnight, etong dalawang lalakeng riding in tandem, no helmet, at humaharurot (as against our city law na 30kph speed limit) ang bigla nalang bumangga sa papa-u-turn naming jeepney. basag ang windshield at wasak ang front right side ng aming jeepney pati narin motor nila at ang dalawang lalake tumilapon. yung motor driver critical sa icu at yung nakaangkas, maga ang mukha & injured sa ulo. as per nagresponde na police, walang driver's license nakita sa scene kasi hiniram lang din nila yung motorcycle at mukhang nakainom ang dalawa, although wala kaming proof kasi ultimo sa public hospital na pinagdalhan, kataka-takang walang record nag-a-appear sa kanilang system na silay dinala doon at wala pa kaming makuhang medical record dahil di kami allowed kumuha dahil di naman kami ang relative ng na hospital.Take note din pala, yung nag drive ay isang 25-year-old na sundalo. Kami naman by the way, yung operator ng jeepney. Ang violation din naman ng driver namin is, wala sya sa ruta. Gagarahe na sana that time at napunta sya sa next na barangay kasi andun yung suki nyang gasolinahan. So nung pagpauwi nya't nag u-turn, dun nangyari yung aksidente.

Ang tanong ko lamang, ano ang pananagutan namin dito sa dalawang nakamotorsiklo? Yung driver namin, nakakulong pa at yung motor nila at jeepney namin naka impound pa. Pano namin sila matutulungan financially, eh wasak nga din yung jeepney namin na pinagkakakitaan namin? Ano din ba ang pananagutan nila sa amin? We try to settle it on our own as per police's advice, kaso tong nanay ng na-icu na motor driver, gusto 60%sa amin at 40% sa kanila sa expenses. Pa'no kung magdedemand pa sila ng magdedemand? may karapatan ba kaming magreklamo? Pls help po , sobrang perwisyo talaga tong aksidenteng 'to. Thank you.

View user profile

2 Re: abusadong motorcycle driver on Wed Aug 06, 2014 4:45 pm

foobarph


Prision Mayor
hmm... mas makakabuti kung mag-settle kayo sa harap ng arbitrator at sabihin niyo na "ganitong amount" lang po ang pwede naming mai-ambag at willing kami makipag-settle.

masyado pa sigurong mainit ang sitwasyon but do not close the door for negotiation. mahirap magkaruon ng kason kriminal ngayon lalo na kung may plano ka mag-abroad kasi lalabas yan sa nbi clearance mo in the future.

in all cases, if kasalanan talaga ng motorcycle driver, may tinatawag sa principle ng torts na..

Article 2179. When the plaintiff's own negligence was the immediate and proximate cause of his injury, he cannot recover damages. But if his negligence was only contributory, the immediate and proximate cause of the injury being the defendant's lack of due care, the plaintiff may recover damages, but the courts shall mitigate the damages to be awarded. (n)

for me, ang may proximate cause ng injury ay yung pag o overspeed ng motor, kung hindi siya nag overspeed at nag-ingat, hindi sana sila ma a aksidente at hindi masisira ang jip ninyo.

kayo naman, kasong administratibo lang yan kasi wala kayo sa ruta nung nangyari ang aksidente.

View user profile

3 Re: abusadong motorcycle driver on Thu Jul 23, 2015 11:33 am

Joe Nash


Arresto Menor
sir foobarph, di po ba ang may negligence and fault dito ung mga nakainom eh kasi hindi sila naging responsible sa actions nila, given sa facts na mabilis sila magpatakbo?

pasok ang obligation sa quasi-delict elements.

and since na quote nyo po ang 2179, di po ba defense din ang last clear chance?

sino pong party ang may mas matimbang na mag-raise ng last clear chance?

curious lang po, sir. please answer.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum