Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

The Rights of Sister In-Law

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 The Rights of Sister In-Law on Tue Aug 12, 2014 4:58 am

jer2911


Arresto Menor
Ang problema ko pa ay ang asawa ng aking kapatid na lalaki.

Lima po kaming magkakapatid. Sa ngayon, ang nabubuhay na lang po ay ang sunod sa panganay naming babae na single at lalaki na may asawa at dalawang anak.

Ang bahay po namin ay parang compound. Isa yung ancestral home namin na since patay na both parents ay kamig dalawang single ang nakatira at ang kuya ko naman ay sa likod bahay namin ang pamilya niya.

Nagkaroon po ng pagkakataon na ang 7-eleven ay rerentahan ang ancestral home namin na located sa kanto at gagawin nilang convenience store.

There was this history before na ma eelita ang bahay at humingi ng tulong ang parents ko sa hipag ko. Ang sabi nila halos 500,000 plus daw ang naitulong ng hipag ko. Pero parang ang nangyari ay walang kasulatan dahil sa napigilan ito ng kanyang ama na gawin iyon.

Ang kaso nga lang po, hawak naman nila kami sa leeg ng kapatid kong lalaki. Noong una, akala ko mabait ang asawa niya pero nung nagkaroon ng biglang pag akyat ng value ng lupa namin dahil sa 7-eleven. Bigla nakita ko ang tunay niyang ugali. May marital o domestic problem silang mag-asawa dahil may ibang babae ang kapatid ko.

Nagalit siya ng todo nung di ako pumayag sa hatian ng pera na gusto niya isama ang 2 niyang anak sa pera.

Ang sabi ko naman ay dapat under the share of the money na makukuha sa bayad ng 7 eleven ang tulong sa anak niya. The right share is 3 lang ang paghahati kasi 3 kami naka-signed sa extra-judicial.

Doon na siya naghamon since it was too late for us to cancel the contract with 7 eleven.
Ang gusto niya ay divided by 5.

Ang gusto ko divided by four, why? kasi buhay pa ang asawa ng panganay naming lalaki pero never itong nagpakita na sa amin since my brother died at may intriga pa sila na di daw anak ng kuya ko ang anak nito dahil bago mamatay ang panganay naming lalaki ay nagsabi na di daw nito anak.

Kaya sabi ko, magbgay sila ng wirtten agreement na sila bahala sa share sa upa and rights nito at kung sakali maghabol ang asawa wala kaming pananagutan ng kapatid kong babae.

Nagmamatigas ang sister in-law ko at naghahamon ng demandahan.

Feeling niya kasi kanya ang big portion of the land at may malaki siyang role as someone na nagbyad ng pagkaelita ng bahay at nag asikaso ng 7 eleven where in fact. ang 7 eleven mismo ang pumunta sa bahay at naghahanap ng pwesto.\

kaya ako ang binubuntungan niya ng galit niya sa lahat ng pangyayari

Since 1999 , naktira na sila sa dating tinitirhan ng kapatid ko. na enjoy na nila ang dapat di pa nila mamana. Since 2008, kumita na sila sa mga paupahan namin. pero hanggang ngayon they still considered my parents na indebted sa kanila at sinisingil pa rin kami sa sinansabing utang na loob. at obviously may interest pa rin hanggang ngayon dahil sa upang ibabayad sa amin.

Ano po ang pwde ko gawin. Hintayin siya na magdemanda o mag-usap muna po kami.

View user profile

2 Re: The Rights of Sister In-Law on Wed Aug 13, 2014 10:56 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Properties ng parent nyo yun. IMO, walang kinalaman or parte ang mga asa-asawa. let the court decide kung ano ang tamang hatian. ang utang ay babayaran separately at hindi kukunin sa kahitian ng property na naiwan.

View user profile

3 Re: The Rights of Sister In-Law on Mon Aug 18, 2014 10:14 am

mimsy


Reclusion Temporal
wag kang matakot sa kanya. let her file a case if she wants. tigas naman ng mukha nya hahaha

View user profile

4 Re: The Rights of Sister In-Law on Mon Aug 18, 2014 1:12 pm

AWV


Reclusion Perpetua
Also you mentioned na verbal lang ang usapan ng hiniram na pera papano ka nakaka siguro na hindi sya nagsisinungaling Kung walang kasulatan wala syang ma claim! Hayaan mo syang mag demanda para magka alaman ng rights Kung tutuusin sa mana sa MAGULANG hindi sya kasali dahil sampid lang sya sa pamilya nyo!  Rolling Eyes

View user profile

5 Thank You! on Wed Aug 20, 2014 5:05 pm

jer2911


Arresto Menor
Maraming salamat sa mga replies niyo. Kahit hindi kayo lawyer, sa oras na binigay at pagreply niyo ay malaking tulong na sa akin. Hinuhugutan ko ng lakas ng loob at encouragement.

God exposed the heart of my sis-in-law. Eversince pala eto ang hidden agenda niya. No wonder hindi pumirma ang Mama ko. At ang titulo ng lupa namin ay hindi nakapangalan sa Mama ko. Kundi sa papa ko na nakalagay ay "married to" not, "and". so, kung may utang ang mama ko sa kanya ay patay na ang hinahabol niya. At kung ang katwiran niya ay namamana ang utang ay wala silang written agreement at kung magproduce naman siya ng false document ay kaming mga heirs hindi namin alam yun. Hope, those are valid enough to fight for our rights as heirs.

Please continue praying and replying for anything that will help us face her so called "claims" niya.

I'm guarding my heart not to hate her that much. Hate won't give me justice. The process of legalities bring justice.

Thank you and God bless.

View user profile

6 Re: The Rights of Sister In-Law on Wed Aug 20, 2014 9:07 pm

concepab


Reclusion Perpetua
jer2911 wrote:Maraming salamat sa mga replies niyo. Kahit hindi kayo lawyer, sa oras na binigay at pagreply niyo ay malaking tulong na sa akin. Hinuhugutan ko ng lakas ng loob at encouragement.

God exposed the heart of my sis-in-law. Eversince pala eto ang hidden agenda niya. No wonder hindi pumirma ang Mama ko. At ang titulo ng lupa namin ay hindi nakapangalan sa Mama ko. Kundi sa papa ko na nakalagay ay "married to" not, "and". so, kung may utang ang mama ko sa kanya ay patay na ang hinahabol niya. At kung ang katwiran niya ay namamana ang utang ay wala silang written agreement at kung magproduce naman siya ng false document ay kaming mga heirs hindi namin alam yun. Hope, those are valid enough to fight for our rights as heirs.

Please continue praying and replying for anything that will help us face her so called "claims" niya.

I'm guarding my heart not to hate her that much. Hate won't give me justice. The process of legalities bring justice.

Thank you and God bless.

I never realized na namamana ang utang... if that is true, edi baon pala ako sa utang... inherited from my father??? hahaha

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum