Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

mag-asawang nagbenta ng bahay na ngayon ay hiwalay na.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

irenegarcia31


Arresto Menor
mabuhay po.... magtanong po sana ako anu ang maaaring gawin..

kami pong mag-asawa ay bumili ng bahay (P800k) sa isang mag-asawa.. pero nagpagawa po kami ng contract to sell.. na naglalaman na babayaran ang bahay ng 10,000 buwan buwan sa loob ng limang taon . pero may verbal agreement po kami sa mag-asawa na maaari namin bayaran ng malaki upang matapos agad ang bayaran.. pirmado po ng mag-asawa ang contract..

Tuwing nagkakapera po kaming mag-asawa ay nagbabayad kami ng malaki.. hanggang sa umabot na po ng 140k ang balanse sa bahay.. Sa asawang babae po ako nakakapagbayad kasi siya po ang lagi kong nakakausap.

Hanggang sa isang araw napag-alaman ko po na naghiwalay na ung mag-asawa. at nagulat ung asawang lalaki na 140k na lang po ang balanse sa bahay.. ipinakita ko po lahat ng mga papel na pinirmahan ng asawa niya sa mga perang natanggap sa amin.

Ngayon po ang gusto ng lalake ay sa knya na namin ibayad ang natirang 140K ngunit nang makausap ko po ang asawang babae ay ayaw pumayag.. ang gusto ay hati sila nung asawa nya sa balanse.. at kung hindi daw po ganun ay di pipirma sa deed of sale.

tanong: 1. maaari ko po bang ibigay na sa asawang lalake ang 140k?? conjugal property po nila ang biniling bahay.

2. anu po ang maari kong gawin kung tumanggi pumirma ang asawang babae sa deed of sale?

3. saan po ba ako dapat lumapit para naman po secure naman kami mag-asawa?

maraming maraming salamat po...

View user profile

hustisya


Prision Correccional
Pa subpoena mo sa barangay yung mag asawa at dun muna kayo mag usap usap.

View user profile

irenegarcia31


Arresto Menor
maraming salamat po.. ang asawang babae po ay tumatanggi makipagkita sa barangay. Sad

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum