Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Minor Pregnancy

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Minor Pregnancy on Wed Sep 17, 2014 11:27 am

joonem02


Arresto Menor
Good Morning po sa lahat. Gusto ko po sana ihingi ng advice ang nangyari sa aking anak na lalaki. 15 anyos pa lng po sya. May Nakilala po siyang girl sa Facebook. 15 years old din. Niligawan po nya at napasagot. Madalas po silang mag chat. Malayo po ang lugar ng girl sa lugar namin. Taga Dau, Mabalalacat, Pampanga po sya. Kami naman po ay taga Palayan City, Nueva Ecija. Hindi ko po pinapayagang dumalaw ang anak ko sa lugar nila dahil malayo at di pa sanay mag byaheng mag isa. Pero nagawa po ng babae na dalawin ang anak ko dito sa lugar namin. Natutunan po niyang pumunta dito dahil minsan nagpasama ang ate niya na lakarin ang papeles na kailangan ng ate nya para maka abroad. Sinundo po nila ang anak ko sa school kahit na may klase. Nakarating din po sila dito sa bahay namin. Simula po ng magkita sila, mas dumalas na nag uusap sila sa skype. Noong Feb.15,2014, hindi nagpaalam ang girl sa magulang na pupunta ng Cabanatuan City para makipag date sa anak ko. Noon may nangyari sa kanilang dalawa ng anak ko. Nabuntis si babae. Matagal na inilihim sa akin ng anak ko. Ang hindi ko po alam ay humihingi pala ng pera sa anak ko ang girl eh student pa lang po sya at wala naman po kaming kakayahan na ibigay ang hinihingi nila. Una po ay humingi ang girl ng 1700php sa anak ko pampahilot daw kaya naka utang pa ang anak ko sa classmate nya. Sumunod po ay 1000php pampa check up naman daw. Nagbigay po uli ang anak ko galing sa naiipon niyang baon sa school. Siguro po di na makaya ng anak ko ang problema kaya umamin na sya noong nasa 6mths na ang dinadala ng girl. Nandiyan na murahin na ang anak ko at pagbantaan na sisirain daw nya ang pagkatao ng anak ko sa lahat ng kaibigan at kakilala. Hanggang kausapin na din ako ng magulang na babae na kailangan ko daw suportahan ang anak nila. At ang pagkakaalam po nila na may nangyari sa anak nila nung payagan nila itong dumalo sa graduation sa highschool ng anak ko nung March 25, 2014. Pero ang pagkakasabi po ng girl sa anak ko eh delay sya noong March 18. Ano po ba ang solusyon para dito? Masyado na po ako nai stress sa pangyayari. Umaasa po sa inyong tugon. Marami pong salamat.

View user profile

2 Re: Minor Pregnancy on Wed Sep 17, 2014 4:04 pm

joonem02


Arresto Menor
hindi lng po dahil gusto ko maabswelto sa pagkakamali nilang nagawa ang anak ko.ito po ay unang experience ng anak ko na makipagtalik.Ang girl pa po ang may dala ng condom nung mag meet sila.at pareho po nilang ginusto ang ginawa nila.nag condom na pero nabuntis pa?yun din po ang unang tanong ko sa anak ko.ang nangyari po pala eh yung unang pagtatalik nila, hindi nagamit ang condom pero bago daw lumabas eh inilabas na din nya.nasundan pa po ng isa pang pagtatalik sa loob ng isang oras sa parehong araw sa motel don lng po uli ginamit ung condom.

View user profile

3 Re: Minor Pregnancy on Thu Sep 18, 2014 5:45 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Ikaw na din ang may sabi na baguhan ang anak mo sa sex. maaring totoo ang sinasabi niya pero since walang siyang karanasan mahirap makasiguro. IMO, masmakakabuti na makipag-usap ng maayos sa kabilang partido para malaman ang tamang gagawin. at kung dalagang duba kayo na sa anak mo ang dinadala nung batang babae, hintayin nyong manganak at ipasuri ang DNA.

View user profile

4 Re: Minor Pregnancy Today at 10:27 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum