Sana matulungan nyo kmi sa sitwasyon ng kapatid ko. Ang kapatid ko po ay nagkaanak sa isang lalaking pamilyado. Naghiwalay naman sila nung nagbubuntis pa lang ang kapatid ko. Nangako na tutulong financial ang ama ng pamangkin ko sa pagpapalaki ng bata at sa pagpapaanak. Kaya nagbibigay ng sustento ang lalaki, kaya pumayag na din ang kapatid ko na ipalipat sa pangalan ng lalaki ang pamangkin ko. Pero nalaman din ng asawa ng lalaki na nagkaanak sya sa kapatid ko. Kaya inihinto ng lalaki ang sustento at hndi na daw nya magagampanan ang responsebilidad nya sa pamangkin ko. Maliban pa dito ay ginugulo pa hanggang ngayon ng asawa ang kapatid ko. Nagawa ding siraan nya ang kapatid ko sa mga katrabaho nito. Kaya napilitan na magquit ang kapatid ko sa trabaho. Natatakot din sya na baka gawin ito sa bago niyang lilipatan. Kaya naisip nyang magtrabaho nalang sa ibang bansa. Dahil madami na syang pinagkakautangan dahil matagal na din syang walang trabaho. Kailangan nya ngpanggastos nya sa anak nya. Nagbibilin na sya iiwan nya ang anak nya sa akin pero kinakatakot din namin na baka sumugod sa bahay namin ang asawa ng ama ng pamangkin ko. Dahil yun ang sinasabi sa kapatid ko na manggugulo sya at baka saktan ang pamangkin ko kung malaman lang nun kung saan sya lumipat ng bahay. Hindi ko din alam gagawin ko kung maiwan nga sa akin pamangkin ko tapos sugurin ako. Meron ba pedeng proteksyon kami na ifile para mapanatag naman kami kung umalis na kapatid ko ng bansa? Or kung meron ba maihahabol na sustento ang pamangkin ko sa tatay nya kahit illegitimate sya? Para hindi na umalis ng bansa ang kapatid ko. At meron din po ba maikakaso sa panggugulo ng asawa ng lalaki sa pinapasukan ng kapatid ko? Alam ng kapatid ko ang pagkakamali nya kaya hinahayaan na lang nya na alipustahin sya at guluhin. Kaya umiiwas na lang ito. Pero syempre bilang kapatid gusto ko bumalik sa normal ang buhay nya. At lumaki ng maayos ang pamangkin ko.
Sana po matulungan nyo kami. Salamat po.