Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Complaint sa Kapitbahay

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Complaint sa Kapitbahay on Tue Oct 07, 2014 10:39 pm

ortsaclenra


Arresto Menor
Good day po,

Ako po ay hihingi sana ng advice tungkol sa problema ko na nauwi sa barangayan. Ako po ay pinabarangay ng ama na aking inakusahan at nag submitted din ako ng counter complaint laban sa ama ng nagbanta sa akin. Ito po ang aking salaysay.


September 25, 2014 umaga, narinig po namin ang isang batang paslit na nasa edad 5-6 na taong gulang na sumisigaw na nakikiusap na wag syang guluhin sa kanyang paglalaro sa Pisonet, sinilip namin sa aming bintana ang batang paslit upang makita kung sino ang nangbubuli, nakita ko po ang isang binatilyo sa likod ng paslit na nakahawak sa mouse ng computer na nilalaruan ng paslit. Mula po sa loob ng aming kuwarto sinaway po namin ang nangbubuli na hindi binabanggit ang pangalan. Lumabas po ako ng kuwarto at sinilip ko sa gate kung sino yung binatilyong nambubuli, nakita ko po si Jr. Alaban na nasa likod ng paslit na nakikialam sa nilalaro ng bata. Ako po ay pumasok ulit sa kwuarto upang bantayan ang paslit mula sa aming bintana. Nakita ko pong dinampot ni Jr. Alaban ang limang piso sa tabi ng mouse upang ihulog sa coinslot kung saan naglalaro ang bata, sinaway po ng paslit si Jr. Alaban na huwag daw pong ihulog dahil sa may oras pa sya. Akala ko po isinauli na ni Jr. Alaban ang pera ng paslit na nakalagay sa tabi ng mouse, dahil hindi na nag react ulit yung paslit. Sa aming pagbabantay mula sa bintana biglang sumigaw ang paslit dahil napansin nyang kulang ang pera nya na nakalagay sa tabi ng mouse, umiyak ang paslit na apingapi dahil hindi sinauli ang kanyang pera. Sumilip ako sa gate at nag sabing “ilabas na at isauli ang pera ng bata” hindi ko tuwidang tinukoy kung sino kumuha para hindi mapahiya si Jr. Alaban. Umalis ang paslit na umiiyak dahil hindi sinauli ang pera at sa kanyang pagbalik kasama na nya ang kanyang ama. Tinanong ng ama kung sino ang may gawa, wala pong umamin. Dahil kargo di konsensya po namin ang nangyari ako po ay sumilip ulit sa gate at nagsabing ilabas nyo na ang pera ng bata na walang binabanggit na pangalan. Bigla pong nag react si Jr. Alaban at sumigaw na bakit ko daw sya tinitignan, sabi ko sa kanya na alam ko at nakita ko kung sino ang kumuha, pero wala pa rin akong binabangit na pangalan dahil ayaw ko na mapahiya sya, ang gusto ko sya ang umamin. Biglang sumabat si Mang Joey na nandoon at nagmamasid sabi nya “tukuyin mo kung sino ang nakita mong kumuha hindi yung nangbibintang ka”. Sinabi ko sa kanya na ang anak mong si Jr. Alaban ang may gawa. Pinauwi nya ang kanyang anak nagalit-nagalit sa akin, at sabay sabing pagbabasagin ko ang mga ulo nyo sa computer nayan. Hindi na ako umimik at sahalip ay pumasok sa kuwarto. Mayamaya muling bumalik si Mang Joey Alaban at nag iiskandalo na bakit ko daw pinagbibintangan ang kanyang anak samantalang nasa loob lang ako at hindi at ko daw nakita ng husto. Lumabas po ako ng bahay upang magpaliwanag sa kanya kahit na pasigaw ang mga salita nya, sabi ko sa kanya ”hindi po ako nakikipag away sa inyo akin lang po nakita ko kung sino ang may gawa at ayaw ko po sanang tukuyin kaya lang kayo na din ang nagsabing banggitin ko ang pangalan ng may sala”, sabay sigaw nya sa akin ano daw proweba ko, sabi ko sa kanya “kuya halika pakikita ko sa iyo sa aming kuwarto kung paano ko natukoy kung sino ang may kasalanan.doon ay may dalawang bintana na makikita ang naglalaro at may webcam din kami sa dulong computer kung saan naman makikita kung sino ang nandoon. Hindi nya pinansin aking paliwanag sa halip ang sabi nya sa akin na “alam mo bang pangalan ko ang nakasalalay dito”. Sabi ko sa kanya kuya wala po akong intensyong siraan kayo, sa iyo na din nagmula na tukuyin ko, mahirap pong magsinungaling dahil yun talaga ang totoo. Hinawakan ko po sya sa braso para akayin sa aming kuwarto upang ipakita ang aking proweba, ngunit pumiglas po sya at nag bubunganga. Pumasok na po ako ng kuwarto dahil ayaw ko po siyang patulan. Sa kanyang pagalis sabay banta nya na “kaya kong lumaban ng patayan”.
Wala po akong masamang intention sa kanyang anak hindi ko na nga tinukoy kung sino ang nakita ko si Mang Joey lang ang nagpumilit na sabihin ang pangalan ng may kasalanan, kinunsinte nya ang kanyang anak at pinapalabas na nagsisinungaling ako. Binantaan at pinallabas na nagpapabaya sa aming negosyo. Kami po ay kumuha ng permit para sa aming maliit na negosyo kasabay dito ang pangakong pagsunod sa batas at alituntunin. Wala po akong nilabag.
Doon po sa binabanggit ni Mang Joey na hindi ko daw nakikita ang nangyayari sa labas ng computer ay maling mali po, nasa loob nga po kami ng kuwarto pero nakabantay po kami sa aming dalawang bintana at webcam sa aming server. Alam po namin ang mga nangyayai sa labas ng bahay.

Ako po ay nag co-complain laban kay Joey, dahil sa kanyang pangaaway, skandalo, pagtre-tret, at pagbantang sisirain nya ang aming computer units.


Umaasa po akong inyong mapapayuhan.

Salamat po,
Otsac

View user profile

2 Re: Complaint sa Kapitbahay on Wed Oct 08, 2014 12:20 am

AWV


Reclusion Perpetua
Eh may CCTV footage ka naman pala eh di matibay ang ebidensya mo! Yun ang ilagay mo sa counter affidavit mo.

View user profile

3 Complaint sa Kapitbahay on Wed Oct 08, 2014 3:16 am

ortsaclenra


Arresto Menor
isa lang po syang webcam na hindi na re-record, na view-view lang po sya. need ko po advice nyo kasi po pangatlong pagdinig na po namin sa October 14, bago po umakyat sa lupon.

View user profile

4 Re: Complaint sa Kapitbahay Today at 7:39 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum