Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

About Marijuana Case and Slight Physical Injury Case

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

walteradams


Arresto Menor
October 4, 2014 po nang lumabas ako ng bahay at uminom ako sa isang bar, naka uwi ako ng 2:00 AM ng madaling araw, at nagulat ako nakasara ang gate namin, nang kumatok ako ng ilang beses ito ay binuksan ng step brother ko, nagulat ako at may kasama ang step brother ko na isang barkada nya, kaya pumasok ako kaagad sa loob ng bahay at tinanong ko ang kapatid ko na isa, kung sino yung lalake na kasama ng step brother ko, at ang sagot sakin ng kapatid ko na isa hindi nya daw kilala, kaya lumabas ako ng bahay, pag labas ko dali daling lumabas yung kasama ng step brother ko na parang takot, (nakilala ko yung kasama ng step brother ko na si Neil, kilala sya na marijuana user dito sa amin) hinabol ko si neil sa labas at tinanong.
AKO: anong ginawa nyo sa bahay?
NEIL: kumain lang kami
AKO: sigurado ka? kumain lang kayo? bakit namumula mata mo?
NEIL: kumain lang kami, pero hindi kami dun gumamit
AKO: san kayo gumamit?
NEIL: sa labas ng gate nyo
Biglang nag dilim ang paningin ko, at nasuntok ko sya ng maraming beses hangang sa naka takbo sya sa bahay nila, hindi ko na hinabol. si neil po ay 20 years old at yung step brother ko ay 17 years old pa lang.

October 5, 2014 ng umaga, pag labas ko ng gate kina usap ako ng tatay nya at tinanong ang nangyari, hindi pa daw umuuwi yung anak nya. at nung gabi na naka uwi na daw, at pina medical po si neil, walang trabaho si neil. at yung step brother ko po ay umamin naman na nag mamarijuana sya.

October 9, 2014 pinadalhan po ako ng summon galing sa barangay namin dahil may nag reklamo daw sa akin na SLIGHT PHYSICAL INJURY at pinapapunta ako ng october 10 2pm.

October 10, 2014 hindi po ako naka punta sa barangay dahil po may trabaho ako, kaya nanay ko po at kapatid ko ang pinapunta ko dun, na re schedule po ang summon ng october 17.

Si Neil po ay kilala sa lugar namin na marijuana user, may mga ilang tao na ang naka huli sa kanya, isa ako sa nakahuli sa kanya pero binabalewala lang namin dahil taga dito sya sa amin, kababata namin at naawa kami, ang ikinagalit ko lang kaya ko sya nabugbog dahil pati ang step brother ko dinamay nya sa marijuana.

Wala naman po sya pasa at sugat, dahil lasing po ako noon, mahina po ang mga suntok ko.

Ngayon po ang pino problema ko po, Ano po ang gagawin ko kapag ayaw po niya at ng pamilya nya makipag areglo kapag mag usap na po kami sa barangay? Ano po ang dapat kong gawin? pwede po ba ako mag counter ng reklamo?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum