Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Adultery/Concubinage/Child Support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 1:27 pm

bhella


Arresto Menor
Hello, I'm speaking for my brother re: broken family. Ikwento ko nalang po.

Nakipaghiwalay po si babae habang ang kapatid ko ay nasa ibang bansa. May 2 silang anak, yung lalaking anak ay nasa poder namin at yung babaeng anak nasa poder ng ina. nang mangyari ang hiwalayan, si babae ay hindi na nagpakita at nakipagusap sa amin. Hindi na din po pinapakita ang bata sa amin kahit nakikiusap kami.

Lumipas po ang ilang taon bago namin ulit nakita ang bata ngunit parang may pinagtatakpan sya. At pwede lang namin sya makita ng ilang oras.

Si babae ay hindi pa rin nagpapakita sa amin 5 yrs. na, ngunit napag alaman namin na kino-contact nya ang kapatid ko para humingi ng pera sustento sa bata.

Sa kadahilanang TNT ang status ng kuya ko sa Taiwan wala syang permanent job. Ito ay alam ni babae bago pa nya hiwalayan ang kapatid ko. Nag dedemand po sya ng halaga ngunit walang mabigay ang kapatid ko, pero nung ok pa sila at ok ang status ng kuya ko nagpapadala po sya sa kanyang asawa.

Para po mapunanan ang pagkukulang ng kapatid ko kami nalang ang nagbibigay ng pera kung may chance na makita namin ang bata, ngunit ang halaga po ay konti lang dahil yung lang ang kaya namin.


Tanong po,

1. May karapatan po bang magdemand ng amount si babae? At tama po ba na di pinapakita ang bata sa amin? kung ipapakita man tinuturuan po nilang magsinungaling?

2. May nilabag po bang batas si babae, dahil may ka live in na po pala sya at may 2 anak na din sila kaya di nagpapakita at pati pamangkin ko tinuruan nila itago ang tungkol dito?

Please advise po.






View user profile

2 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 2:15 pm

mimsy


Reclusion Temporal
sa issue na pagbibigay sustento sa pamangkin mo, magbigay kayo sa halagang sa tingin nyo ay kasya sa pangangailangan ng bata. ok din kung goods like gatas para sure ka na diretso nya pakikinabangan, pwede ding kayo ang magbayad ng tuition kung nag aaral na. maganda kung makunan mo ng pictures and resibo ng mga binibigay nyo, kasi may obligasyon pa din ang kapatid mo sa anak nya. sa kaso naman ng hipag mong may anak na sa iba, pwede syang kasuhah ng adultery ng kapatid mo. pero magagawa lang nya yun kung uuwi sya ng pinas

View user profile

3 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 5:01 pm

bhella


Arresto Menor
salamat po.

View user profile

4 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 5:32 pm

bhella


Arresto Menor
kung sakali po ba malakas po ba ang kaso?

View user profile

5 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 5:41 pm

mimsy


Reclusion Temporal
oo naman. sabi mo nga may anak na sya sa iba...e kasal sila ng kapatid mo diba?

View user profile

6 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 5:43 pm

bhella


Arresto Menor
ano-ano po ang ebidensya na kailangan maihanda sa pagsasampa ng kaso?

View user profile

7 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 5:47 pm

mimsy


Reclusion Temporal
yung pagkakaron ng anak sa ibang lalaki is more than enough. alamin mo na din kung ipinangalan nya sa kapatid mo ang mga anak nya. kung sa kanya ipinangalan dapat ma contest yun sa korte ng kapatid mo. minsan kailangan ng dna. pero siguro yung passport pa lang ng kapatid mo is enough proof na na hindi sa kanya ang mga bata. kung ipinangalan nya sa kanya or sa kabit nya, di lang adultery ang kaso nya pati na din falsification of documents

View user profile

8 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 6:05 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
bhella wrote:ano-ano po ang ebidensya na kailangan maihanda sa pagsasampa ng kaso?

Just make sure na kasal sila ng brother mo. Otherwise, hindi pwede magkaso ng adultery.

-Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

9 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Wed Oct 29, 2014 8:03 pm

bhella


Arresto Menor
thanks a lot sa mga advise.

another question ko po ay kung gaano at katagal ang itatakbo ng ganitong kaso. tapos expenses na kakailanganin?,

View user profile

10 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Thu Oct 30, 2014 6:38 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
bhella wrote:thanks a lot sa mga advise.

another question ko po ay kung gaano at katagal ang itatakbo ng ganitong kaso. tapos expenses na kakailanganin?,

It will take years and years. And your brother will spend money in going to the court to attend hearings, etc. He will not spend anything for a lawyer kasi yung prosecutor yung maghahandle niyan, so free.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

11 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Thu Oct 30, 2014 6:55 am

AWV


Reclusion Perpetua
bhella wrote:Hello, I'm speaking for my brother re: broken family. Ikwento ko nalang po.

Nakipaghiwalay po si babae habang ang kapatid ko ay nasa ibang bansa. May 2 silang anak, yung lalaking anak ay nasa poder namin at yung babaeng anak nasa poder ng ina. nang mangyari ang hiwalayan, si babae ay hindi na nagpakita at nakipagusap sa amin. Hindi na din po pinapakita ang bata sa amin kahit nakikiusap kami.

Lumipas po ang ilang taon bago namin ulit nakita ang bata ngunit parang may pinagtatakpan sya. At pwede lang namin sya makita ng ilang oras.

Si babae ay hindi pa rin nagpapakita sa amin 5 yrs. na, ngunit napag alaman namin na kino-contact nya ang kapatid ko para humingi ng pera sustento sa bata.

Sa kadahilanang TNT ang status ng kuya ko sa Taiwan wala syang permanent job. Ito ay alam ni babae bago pa nya hiwalayan ang kapatid ko. Nag dedemand po sya ng halaga ngunit walang mabigay ang kapatid ko, pero nung ok pa sila at ok ang status ng kuya ko nagpapadala po sya sa kanyang asawa.

Para po mapunanan ang pagkukulang ng kapatid ko kami nalang ang nagbibigay ng pera kung may chance na makita namin ang bata, ngunit ang halaga po ay konti lang dahil yung lang ang kaya namin.


Tanong po,

1. May karapatan po bang magdemand ng amount si babae? At tama po ba na di pinapakita ang bata sa amin? kung ipapakita man tinuturuan po nilang magsinungaling?

2. May nilabag po bang batas si babae, dahil may ka live in na po pala sya at may 2 anak na din sila kaya di nagpapakita at pati pamangkin ko tinuruan nila itago ang tungkol dito?

Please advise po.


Ang tanong para mabigyan ng tamang sagot ang mga katanungan mo,

Kasal ba ang kapatid mo sa ina ng mga anak nya?
Dahil kapag hindi sila kasal walang nilabag ang babae at kahit di sila kasal may obligasyon ang kapatid mo sa mga anak nila.

Pero kung kasal at nagka anak ang babae sa ibang lalaki pwede itong kasuhan ng kapatid mo ng ADULTERY yun nga lang kailangan pa nyang umuwi sa Pilipinas dahil kapatid mo lang ang pwedeng maghabla sa asawa nya!

View user profile

12 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Thu Oct 30, 2014 8:19 am

bhella


Arresto Menor
hello, thanks again sa mga advise.

opo, kasal po sila ng kapatid ko, infact makikita din na gagamit pa din ni babae ang surname ng kapatid ko... nakita ko pa nga sa ultrasound picture nya dated 2010. ultrasound ng anak nya sa bago nya kinakasama.

View user profile

13 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Fri Oct 31, 2014 10:27 am

bhella


Arresto Menor
hello. what if kung magdemanda din po si babae ng re: regarding child support eh hindi nga po nya pinapakita ang bata at hindi ipinapakausap sa amin kahit sa telepono? 3 times lang po namin nakita ang bata mula ng maghiwalay sila.

View user profile

14 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Fri Oct 31, 2014 12:16 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
bhella wrote:hello. what if kung magdemanda din po si babae ng re: regarding child support eh hindi nga po nya pinapakita ang bata at hindi ipinapakausap sa amin kahit sa telepono? 3 times lang po namin nakita ang bata mula ng maghiwalay sila.

Kung magdemanda ang babae for child support, right niya yun. Kung hindi sa inyo pinapakita ang bata, pwede kayo magfile ng petition para tulungan kayo ng court na magkaroon ng schedule para makita at mabisita niyo ang bata.

Should you need legal assistance, please PM me.
-Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

15 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Mon Nov 03, 2014 5:15 pm

bhella


Arresto Menor
good day po. is it true napag 7 years na walang communication ang mag-asawa ay pwede na pagpakasal sa iba?

View user profile

16 Re: Adultery/Concubinage/Child Support on Mon Nov 03, 2014 8:51 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
No.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum