Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

About mistress and her family

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 About mistress and her family on Sat Nov 01, 2014 5:35 pm

staar


Arresto Menor
Pa help po ako. Yung father ko po kasi may karelasyon na ibang babae (kabit) mahigit 5 years na po. Last year lang po namin nalaman kasi may nagmemessage po saamin sa facebook ng  mga hate messages at sinabi na may kabit ang father namin. Yung kabit niya po ay yung kapitbahay po namin dito. Tinetext ng kabit ng kahit anong insulto ang mama namin at uubusin daw po ang pera namin. Tapos nagbibigay po ng sulat na ipapakulong niya daw po ang mama namin. Yung magulang ng kabit ng papa ko nagbabanta po na patayin kami. At tinututukan po ng baril ang papa ko para bigyan sila ng pera. Kung hindi daw po kasi bibigyan ni papa ng pera yung pamilya nung kabit niya. Papatayin daw po nila kami.

Gusto ko po malaman kung ano po ang pwedeng ikaso sa kabit at sa pamilya ng kabit ng father ko. At kung meron po bang alienation of affection pong law dito sa philippines? Salamat.

View user profile

2 Re: About mistress and her family on Sat Nov 01, 2014 8:25 pm

mimsy


Reclusion Temporal
omg! ganyan na ba ngayon katigas ang mukha ng mga kabit? ang una mong gawin igather lahat ng evidences mo. ano ba ang stand ng tatay mo? tuloy ba ang relasyon nila ng kabit nya? kasi mahirap naman kung di nyo pala sya kakampi. pag nakuha mo na lahat ng evidences tsaka ka pumunta sa lawyer. sa assessment ko pwede nyo silang kasuhan ng extortion, blackmail, article 26 para sa kabit...ask ka pa din sa lawyer kung ano pa pwede ikaso.

View user profile

3 Re: About mistress and her family on Sun Nov 02, 2014 1:21 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Pumunta kayo sa pulis at ipadampot nyo yan. Sorry to say pero para naman hindi lalaki ang tatay mo.

View user profile

4 Re: About mistress and her family on Sun Nov 02, 2014 1:22 pm

concepab


Reclusion Perpetua
mimsy wrote:omg! ganyan na ba ngayon katigas ang mukha ng mga kabit? ang una mong gawin igather lahat ng evidences mo. ano ba ang stand ng tatay mo? tuloy ba ang relasyon nila ng kabit nya? kasi mahirap naman kung di nyo pala sya kakampi. pag nakuha mo na lahat ng evidences tsaka ka pumunta sa lawyer. sa assessment ko pwede nyo silang kasuhan ng extortion, blackmail, article 26 para sa kabit...ask ka pa din sa lawyer kung ano pa pwede ikaso.

Mimsy, tumatapang lang ang mga "other woman" kapag pinapakita ng mga lalaki na mag-matimbang sila kaysa sa tunay na asawa.

View user profile

5 Re: About mistress and her family on Sun Nov 02, 2014 1:24 pm

mimsy


Reclusion Temporal
may tama ka dyan...sobra no? parang di ko ata kaya maupo lang na ginaganyan ang pamilya ko. nakaka HB yang mga ganyang klaseng tao. tsaka tama si concepab, anyare sa tatay mo? di man lang ba nahiya sa nangyayari sa pamilya nya?

View user profile

6 Re: About mistress and her family on Sun Nov 02, 2014 4:18 pm

staar


Arresto Menor
mimsy wrote:may tama ka dyan...sobra no? parang di ko ata kaya maupo lang na ginaganyan ang pamilya ko. nakaka HB yang mga ganyang klaseng tao. tsaka tama si concepab, anyare sa tatay mo? di man lang ba nahiya sa nangyayari sa pamilya nya?


Kaya nga po eh. Ewan ko nga po sa tatay namin, mukhang inlove dun sa kabit niya. Iniisip nga namin baka nagayuma nun tatay namin. Inaako nga po yung anak nung kabit niya. Eh hinde naman siya ang ama nun. Yung kabit po kasi niya sobrang madaming lalaki.

Yung tatay ko po natatakot daw dun sa pamilya ng kabit niya kasi tinututukan siya ng baril tapos sinasabihan na may relatives daw sila na NPA. Ipapapatay daw po kami pag hindi binigay ni papa ang gusto nila.


Nag iipon na rin po kami ng evidences tsaka naghahanap na rin po ako ng lawyer.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum