Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Lola, kinasuhan ang mga magulang ng apo dahil kinurot ang kanyang apo.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

carmela.morada


Arresto Menor
Good day. Gusto ko po sana mag-ask ng legal advise. Ito'y tungkol po sa kaso na sinampa sa akin at sa aking common law husband, ng aking ina about RA 7610 o child abuse. May statement po ang anak namin na kinurot po daw sya ng kanyang papa at kasali po ako sa kaso kasi hinayaan ko lang daw ito na mangyari sa anak ko.

Ang pagkurot po sa bata ay normal po sa amin since nakagawian na at ginawa rin po ito ng magulang ko nuon sa akin. Mas worse pa nga po ang mga pamamalo at pananakit nila pero hindi naman po kami nagsampa ng kaso. Nakukurot po ng asawa ko ang aking anak kapag may ginagawang mali. Nung time na po iyon, umuwi ng bahay namin ang anak ko na madungis at marumi ang kamay kasi naglalaro ng buhangin.

Kinausap po namin ang ina ko, ang gusto pala nyang mangyari, at maka-ilang ulit na po nyang ginawa, ay ang paghiwalayin kami. by this time po, ginamit na nya ang nakita nyang mali na ginawa namin pra lang po sa pansarili nyang interest. Walong taon na po kami ng asawa ko at sa walong taon po nun, walang taon na hindi kami ginugulo ng mama ko at pilit po nyang gustong malaman kung saan kami nakatira pra po magkahiwalay kami. nakasampa na po ang kaso sa prosecution at nakatanggap po kami ng subpoena nung nakaraang huwebes, may sampung araw po raw kami na sagutin ang sulat.

Ano po ba ang dapat namin gawin. sana po ay matulongan nyo kami sa problema po naming ito. Maraming salamat.

View user profile

karl rove


Reclusion Perpetua
Carmela,

Dapat ay sagutin ninyo ang habla sa pamamgitan ng counter affidavit o sagot sa demanda. Ito ba ay inyo ng ginawa? Saan ba naka file ang kaso? Pwede ko kayong tulungan.

Tnxs

K.R.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum