Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

willing to pay the cost para makasuhan ang kabit ng asawa ko

Go to page : 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 2]

itstoomuch


Arresto Menor
Kabit pilit sinisira ang aming pamilya. Asawa ko po ay banyaga, may dalawa po kaming anak.
Kailangan ko po ng advice as soon as possible bago pa mahuli ang lahat. Legal po akong aswa,nung mahuli ko po sa akto asawa ko at ang kabit niya sa bahay mismo namin, tumawag agad ako ng pulis, pinahuli ko sila. At nung nsa presento n kami, pinaperma nlang sila ng imbestigador n hindi n sila uulit at ititigil n relasyon nila. Hindi ko sila kinasuhan kasi iniisip ko mga anak ko. Pag ginawa ko un,posibleng mawalan ng trabaho asawa ko. Isa siyang guro sa kilalang skwelahan. Pero pagkatapos nun akala ko nagstop n tlga sila, pero ngpatuloy parin hanggat ngayon nagkaanak sila habang kami oa ng asawa ko. Never kaming naghiwalay ng asawa ko, at sakin oarin umuuwi asawa ko. Akala ko lahat ok n kasi maganda ang pakita niya sakin parang nagbago n siya, pero sa kabila paka ay niloloko parin ako. Maliban jan, may isa pa sutang nabuntis mga 7 months n ngayon ang bata at yung isa ay halos kaedad ng anak nming pangalawa. Nag stop for a while asawa ko kasi sabi niya gusto niyang magbago at we tried to fix our marriage pero etong babaeng naanakan niya n almost desame age sa anak ko. Pilit sinisira pamilya namin at sinisura utak ng asawa ko. At tinatakot asawa ko n magsusumbong siya sa work ng asawa ko. Etong asawa ko nmn ay cge sundin gusto ng babae.at kinukulit kami dis oras ng gabi, tumatawag at naapektuhan trabaho ng asawa ko, hindi siya makatulog kaya minsan hindi mkapasok sa trabaho. Ano po ba ang dapat kung ikaso sa kabit para tigilan n niya asawa ko. May mga ebedensiya din ako n hanggang ngayon patuloy parin sila sa relasyon nila. Ano po ang dapat kung gawin oara tigilan kami ng asawa ko? Im willing to pay the cost po. Salamat po.

View user profile

concepab


Reclusion Perpetua
file RA9262 and concubinage.

View user profile

AWV


Reclusion Perpetua
Di pwedeng kabit lang damay pati asawa mo sa kaso at yan eh kung gusto mong mawalan ng trabaho ang asawa mo! sampahan mo ng RA9262 Violence Against Women and their Children (VAWC) at Concubinage if they ate living in one roof, what if kung lumipat na lang kayo ng malayo?

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
I really, appreciate the response. Salamat. Yes, po yun nga po sabi niya, lalayo kami dito. Pero hindi ganun kadali, kailangan may mapasukan siyang trabaho before kami lumipat sa kanila. Nung isang gabi hindi umuwi asawa ko, alam ko magkasama sila. Kasi before nung gabing hindi siya umuwi, nabasa ko conversation nila, na magkikita sila somewhere at dun matutulog. At yung babae ngpapabili ng ring sa husband ko. At tinitxt ako ng babae na, d niya kami titigilan. Gagawin niya lahat para masira kami. Sa ngayon po, habanf nandito kami. Ano po ba ang dapat kung gawin dun sa babae para tumigil siya? Pwede ko ba siyang padalhan ng demanda o letter as a warning na pag hindi niya kami tinigilan, kakasuhan ko siya.

View user profile

mimsy


Reclusion Temporal
sa kwento mo ate ang problema mo ang asawa mo...di ang kabit. kasi kahit naman maglupasay yan kung ayaw ng asawa mo wala syanh magagawa

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Kailangan ko po eto magawa ng maaga bago pa sila magkaroon ng pangalawang anak. Ngayon, may nakita ako sa husband ko. Epass ticket ng room n pinag stayhan nila kaya d siya umuwi nung isang gabi. Pls. I need help soon. Salamat.

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Asawa ko po wala sa katinuan, dahil sa tinitake niyang medication. Kasi pag sober siya, gusto niyang maayos pagsasama namin at kami lang pamilya niya at mahal n mahal niya ako. Nagagalit siya pag sinasabi kong maghanap ako ng iba. Willing asawa ko umattend kami ng marriage counselling. Pero, etong babae sinisira utak ng husband ko.

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Maraming salamat sa response mo, bigyan kita ng jacket.hehe

View user profile

mimsy


Reclusion Temporal
hahaha! no offense meant pero masakit man parang ganun kasi diba...yung babae nya matindi tama nyan sa utak. di na uso kasi ngayn ang delikadesa sa mga ganyang babae mas matapang pa sila hahhaha! kung takot ka mawalan ng work ang asawa mo e maghintay ka na nga lang makahanap sya work sa ibang lugar. pero sa karakter ng babaeng yan kahit saan ata kayo sumuot susundan kayo nyan. asawa mo lang ang makakasagot at makakagawa ng paraan para ilagay sya sa dapat nyang kalagyan...pray ka ate walang imposible sa Taas ...

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Thanks,yun ginagawa ko, Pray nlang tlga at ipaubaya nlang sa diyos ang lahat. Pero pwede ba un, kasi ibang nababasa ko. Pwede padalhan ng letter ang babae as a warning para tigilan niya asawa ko. Kasi akala ata ng babae n dko kayang gawin mga sinasabi ko sa kanya. Minsan nababasa ko msg ng babae, sabi niya sa asawa ko. Hindi daw siya naniniwala tlga sa asawa ko n mahal siya kasi hindi ako iniiwan ng asawa ko at nakikita parin niya sa mga post ko n masaya kami.

View user profile

mykel07


Arresto Mayor
may mga kilala ako na ganyan tao na sumusunod o oo lang para lang di maeskandalo? sa case ng asawa mo dapat sustento na lang ibigay nya sa babae. wag mo silang hayaan magkita baka madagdagan pa anak nila. mukhang obses na yun babae sa asawa mo. kapag sinampahan mo kaso yun babae ng adultery tama sila madadamay asawa mo makukulong din sya.

View user profile

alex1973


Arresto Menor
from my experienced ayuko ng gulo kaya di ako nakikipagtalo everytime na may nakikita akong ibedensya. Inabot ng 4 years bago ako tumayo at pinakita na mali ginagawa nya at ito ay choice nya at di ko choice mambabae sya. Ipakita mo na matapang ka di lang sa asawa mo kundi pati narin sa babae nya. Take legal action by getting a letter from a lawyer saying na invade ng babae ang privacy and peace ng family mo at pag di sya natakot then ikaso mo na ito. Kailangan nga lang matibay ang loob mo coz its a legal battle. Ang mga asawa na nag luluko mahirap mapabago dahil for many years nagagawa nilang paikutin sa kanilang kamay ang lahat ng nasa paligid so bakit sya titigil ganun salita lang ang kayang gawin ng isang asawa, minsann takot pa nga even makipag argue dahil sa mga kids natin since we know the emotion and psychological effect nito. Stand your ground do it legally para may laban ka.

View user profile

AWV


Reclusion Perpetua
Start with changing your husband's number para di na sya maka contact pa ulit! At kapag binigay ng hubby mo eh di sya ang ayaw tumigil! Dapat kung matapang ang kabit mas matapang ang asawa para di ka na ma under estimate! Bigyan mo ng matinding boljak at pag nagreklamo sampahan mo ng kaso dahil hindi mo naman sya boljakin kung di sya namemerwisyo! Razz baka nagkaka idea yan sa 2 wives TV series na pwede agawin ang asawa ng may asawa! tsk! tsk! tsk!

View user profile

mimsy


Reclusion Temporal
hahaha! tama ka dyan AWV naloka ako sa palabas na yan...parang ang mga kabit binigyan pa ng bagong mukha ngayon...dapat matapang ka kasi ikaw ang nasa tama. pwede mo naman sampolan ng concubinage at article 26, anyway pwede iurong pag natauhan hahhaa

View user profile

AWV


Reclusion Perpetua
Di bale di ba aagawin at babawiin din naman nya ulit ang asawa nya sa bandang huli matapos syang iannul at pakasalan yung second wife, yung first wife naman ang magiging kabit! Razz Eh di naramdaman din nya kung gaano kasakit ang maagawan ng asawa ang matindi pa nyan yung original na asawa ang nang agaw sa bandang huli dahil binabawi lang nya ang dapat ay sa kanya!

Kaya kayong mga original dapat mas matapang kayo sa mga kabit! Kung asawa ko ang inagawan papatayin ako nun! kaya eto I am in my best behaviour! Laughing

View user profile

AWV


Reclusion Perpetua
Di bale ng andres de saya wala naman akong sakit ng ulo! Razz dahil ang pangangabit sakit ng ulo lang yan!

View user profile

mimsy


Reclusion Temporal
tama ka dyan...naghahanap lang ng batong ipapalo sa ulo...bwenas pag mabait ang asawa piyesta hahah, malas pag matapang gaya ko hahaha

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Haha, ganun n nga kasi. Before ung FB nane niya, pangalan chantal. Hindi nmn ako ako natatakot sa kanya. Siya ang tskot sakin, ayaw niya mkipagharap sakin kasi alam niya kung ano magagawa ko sa kanya, tulad noong unang nahuli ko sila.

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Iniisip ko lang kinabukasan ng mga anak ko. Ayoko silang magkaroon ng broken Family. Ayoko maging selfish, isipin lang ang kaligayahan ko. At pag hiniwalayan ko asawa ko sila magsasama. At hindi ako papayag, sisirain ko tlga sila.

View user profile

itstoomuch


Arresto Menor
Thanks sa much sa response niyo, nkakagaan nlang loob. Nababawasan hinanakit ng kalooban ko. So pwede pla iurong ang demanda pag natauhan sila?

View user profile

mimsy


Reclusion Temporal
mahaba ang proseso, pag nagsampa ka ng demanda isusubpoena sya ng prosecutor, 3 beses kayo maghaharap kung sasagot sya sa reklamo mo. dun pwede na kayo pag ayusin sa guidance ng prosecutor kung pano ang sustento ng kids mo kung maghihiwalay kayo...pag hindi sya magpapakita sa prosecutor tsaka pa lang sasampa ang kaso sa korte, pero for sure may warrant sya pag sumampa, bailable naman yun kaya makakalabas sya...pagkatapos nyang ma arraign isched kayo for mediation...yun e depende kung ready ka na talaga makipaghiwalay...hehe pero sa basa ko sa pananalita mo di ka pa umaabot sa ganitong sitwasyon...:-)

View user profile

concepab


Reclusion Perpetua
mimsy wrote:sa kwento mo ate ang problema mo ang asawa mo...di ang kabit. kasi kahit naman maglupasay yan kung ayaw ng asawa mo wala syanh magagawa

Tama! cheers

View user profile

concepab


Reclusion Perpetua
itstoomuch wrote:Asawa ko po wala sa katinuan, dahil sa tinitake niyang medication. Kasi pag sober siya, gusto niyang maayos pagsasama namin at kami lang pamilya niya at mahal n mahal niya ako. Nagagalit siya pag sinasabi kong maghanap ako ng iba. Willing asawa ko umattend kami ng marriage counselling. Pero, etong babae sinisira utak ng husband ko.

Hahaha e ate kahit sinong lalaki magagalit kapag sinabi ng missis nila na maghahanap ito ng iba. IMO, hindi marriage counselling ang kailangan nyo kundi unawaan at respeto sa isat-isa.

View user profile

mykel07


Arresto Mayor
AWV wrote:Di bale ng andres de saya wala naman akong sakit ng ulo! Razz dahil ang pangangabit sakit ng ulo lang yan!

andres de saya din ako lahat gusto ng misis ko sinusunod ko. kaso baliktad misis ko madalas magloko nag aasal dalaga mahilig gumimik hapon aalis bukas na madaling araw uuwi? parang wala kamin anak kung mag asal? kala mo dalaga pa? ako naman si tanga sundo naman ng madaling araw. pinagbibigyan ko sya sa ginagawa nya sakin di ko naman alam na may milagro na pala syan ginagawa? sabawatan pa sya mga barakda nya? kunyari itxt ako barkada nyan babae na magkasama sila? yun gawain nila magbabarkada itxt mga asawa ng kaibigan nila kunyari sila sila magkakasama? ilang taon ganun ginagawa nya sakin. kaya nagpasya na ako makipag hiwalay. naranasan ko gumising madaling araw habang tulog sya para i check cp nya sino ka txt nya? kaso nakatago cp nya di ko alam san ko hahanapin? lagi nya hawak may katxt, may time naman pag di nya hawak may lock cp nya need password. kaya kayong mga lalaki swerte kpag misis nyo matino...mahalin nyo sila wag pababayaan. kasi yan ang di ko naranasan nun may asawa pa ako magkaroon ng mapagmahal at faithful na asawa...

View user profile

AWV


Reclusion Perpetua
mykel07 wrote:
AWV wrote:Di bale ng andres de saya wala naman akong sakit ng ulo! Razz dahil ang pangangabit sakit ng ulo lang yan!

andres de saya din ako lahat gusto ng misis ko sinusunod ko. kaso baliktad misis ko madalas magloko nag aasal dalaga mahilig gumimik hapon aalis bukas na madaling araw uuwi? parang wala kamin anak kung mag asal? kala mo dalaga pa? ako naman si tanga sundo naman ng madaling araw. pinagbibigyan ko sya sa ginagawa nya sakin di ko naman alam na may milagro na pala syan ginagawa? sabawatan pa sya mga barakda nya? kunyari itxt ako barkada nyan babae na magkasama sila? yun gawain nila magbabarkada itxt mga asawa ng kaibigan nila kunyari sila sila magkakasama? ilang taon ganun ginagawa nya sakin. kaya nagpasya na ako makipag hiwalay. naranasan ko gumising madaling araw habang tulog sya para i check cp nya sino ka txt nya? kaso nakatago cp nya di ko alam san ko hahanapin? lagi nya hawak may katxt, may time naman pag di nya hawak may lock cp nya need password. kaya kayong mga lalaki swerte kpag misis nyo matino...mahalin nyo sila wag pababayaan. kasi yan ang di ko naranasan nun may asawa pa ako magkaroon ng mapagmahal at faithful na asawa...

Sorry to hear your story, hindi pala lahat dapat magpa under! sa akin okay lang kahit super selosa pero mabait, sweet, faithful, honest, beauty and sexy! walang araw na nakalimot sabihing mahal nya ako sa paggising at sa pagtulog. Kaya naman di na ako tumitingin pa sa iba. In 20 years naming pagsasama pati mga anak namin super kind and polite dahil pinalaki nya ng puno ng pagmamahal kahit na hindi maganda ang naging buhay nya during youth dahil unwanted child sya.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum