Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need some legal advice - Adultery/Concubinage/Annulment

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

kairhen


Arresto Menor

I am posting here in hope that someone could give me some legal advice that could help me and my bf get through with it.


This is all about my bf's marriage with his wife.


Ngayon pa lang po ay pagpasensyahan niyo na po kung mahaba man ito. Nais ko lamang po ng detalyadong pagpapahayag upang lubos po ninyong maunawaan ang sitwasyon. At nagpapasalamat na ako ngayon pa lamang sa mga taong makakadulog sa aking mga pagkonsulta. 



They've been married for almost 7 yrs. And they're living separately for one year and a half. 19 y/o pa lang sila when they got married. And this was because her wife got pregnant already. Since then naging magulo na ang kanilang pagsasama, kwento ng bf ko. Nagtrabaho at nagpatuloy ng pagaaral ung wife niya, ngunit lingid sa kanyang kaalaman kung saan ito kumukuha ng pangtustos sa kanyang pagaaral, dahil wala din maibigay na suporta ung pamilya ng babae. Gayun din ay wala din trabaho si lalaki. Madalas daw ay madaling araw na umuuwi ung wife niya, at madalas pa ay nakakainom ito. Nakakabasa ang bf ko ng mga text ng wife niya at nang lalaki niya, proof that she is seeing another guy. Madalas nila pinagaawayan ito at madalas ay pinalalampas na din ng bf ko dahil madalas pumapagitna ang kanyang mga magulang at nagpapayong pagusapan ng maayos. Marami sa mga kaibigan niya ang nakakakita at nagsasabi na may mga ibat ibang lalaking nakakasama ang kanyang asawa. Sa kahihiyan at depresyon tuluyan na itong nawala sa direksyon, naloko sa pagaaral at nawalan ng interes at amor sa kanyang asawa. Lumaon ay lumala pa ang pangangalunya ng kanyang asawa. She traveled in Hongkong with her paramour, that is also a married man. He got their photos, even the photo of a receipt in the hotel where they checked-in in hongkong and in manila. Pati na din ang kanilang hotel room kung saan naroon makikita na magkasama ang kanilang mga gamit sa mismong iisang room. Sa mga panahon din na iyon ay isinasama ng kanyang asawa ang kanilang 6 y/o na anak sa kanyang lalaki. Kwento pa raw ng bata na may bagong crush ang kanyang mama at nagpupunta daw sila sa kwarto na sobrang lamig at may malambot na kama na kung saan ay magkatabing natulog ang mama niya at ang lalaki, samantalang siya daw ay sa hiwalay na higaan. But at that time we already have a relationship. 


I never knew before that he was indeed married. Umamin lang siya 3 mons. Ago, but he made me believe that they were already living separately. And so i thought it was ok since they are having no problem with each other and they only concern was with their son. I continue having relationship with him. Time had passed and I discovered and knew almost everything. Dahil may mga text and calls na akong narereceive from his wife. But then still continued our relationship.


Then, last year her wife unknowingly been to Singapore with his paramour, again. Ang paalam daw sa parents ng bf ko ay pupuntahan lang ang kapatid niya na nasa palawan. Madalas na naiiwan ang anak nila, may trabaho ang bf ko ng mga panahon na un at wala naman trabaho ang kanyang asawa, ngunit palagi itong umaalis ng bahay. When she came back tuluyan na sila naghiwalay, dahil pinalayas na siya ng parents ng husband niya. Sa maraming kadahilanan. Tangay niya ang kanilang anak at hindi naman nila ito ipinagkait dahil alam nila na karapatan niya ito. Kahit na alam din nila na walang kakayanan na maalagaan ang bata. Dahil hindi sila maaring tumira sa puder ng mga mgaulang niya dahil sa 2 kapatid nitong mag mental disablity ay nagdesisyon sila na mangupahan doon din malapit sa bahay ng magulang ng bf ko. Madalas ay naiiwan ang bata sa kapitbahay kapag umaalis ang kanyang ina at maabutan na lamang na nasa harapan ng gate sa bahay ng mga magulang ng bf ko sa dis oras ng gabi. Patuloy rin na ini-eskandalo ang pamilya ng bf ko ng kanyang asawa at minsan ay hinaras na rin siya nito, kaya nagpa blotter na siya na hindi na maaring lumapit o tumungtong sa kanilang bahay. Ngunit isang umaga, pagkagaling sa duty ng bf ko ay pumasok sa loob ng bahay ang kanyang asawa habang siya ay natutulog. Tinangay ang ilan sa kanyang mga gamit, mahahalagang papeles at kabilang na ang cellphone at ilan sa mga personal kong gamit na pinadala ko sa bf ko noong huli kaming nagkita. Nabasa niya ang ilan sa mga conversations namin thru text. At maging ako ay binantaan niya na din na may gagawin aiyang hindi maganda sa oras na makita niya ako. Ngunit hindi ako sumagot o lumaban. 


Lumipas din ang taon at naging tahimik na din siya. Dumating ang araw na nagpahiwatig at nagsabi na gusto na niya ng annulment. Sinabi din niya thru text na may nahanap na siyang iba at masaya na siya sa buhay niya. Mayroon na din nakakita sa kanya na may kasamang ibang lalaki na animo'y may intimate relationship na. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay naguumpisa na naman siyang manggulo sa kanilang pamilya at nag nagsasabi na nagsasama na kami ng bf ko. Sa pagkabahala ng lahat lalo ng kanilang anak ay nagdesisyon na ang bf ko na gipitin siya. Pinagbawalan na niya na makita niya at mahiram ang kanilang anak hangga't hindi siya humaharap sa kaniya para sa maayos na pakikipagusap at pagkakasundo. At para maisaayos ang annulment lalo na ang kustodiya ng bata. Noon pa man ay nais na niya ng legal at matahimik na pakikipagusap at magkaroon ng kasulatan na magpapatunay na talagang hiwalay na silang dalawa, ngunit hindi humaharap ang kanyang asawa para makipagusap. Sa halip ay puro pagbabanta na mageeskandalo siya. 


Question:


1. Malakas po ba ang magiging laban ng bf ko against his wife kung mag file siya ng adultery case gamit ang mga pictures at ang salaysay ng kanilang anak? Maging ang mismong pag-amin niya na mayroon na siyang iba?


2. Kung sa annulment, anong maaring mga grounds for petition? Sa detalye ng kwento is there any circumstances that shows that she is psychologically incapacitated where she is unable to perform her duty as a wife? Dahil palagi siyang wala sa bahay, naiiwan ang kanilang anak.. uuwi ng madaling araw madalas nakainom pag umuuwi and not telling her whereabouts. 


3. Does she can file concubinage against me and her husband? We are now living together for couple of months. But with her allegation that she got witnesses that he was indeed bringing someone home, which is me, but she doesnt know who i am, we decided to live apart until makipag settle ung wife niya ng maayos. 


4. And with regards sa condition na hindi niya pagpapakita sa anak niya sa wife niya not until makipagusap siya ng maayos, papasok po ba ito sa philippine act against woman and children? Maari din ba na makasuhan ang bf ko hinggil dito? Ano ang maaring maging depensa ng bf ko kung sakali man na kaharapin niya ito?

View user profile

concepab


Reclusion Perpetua
1. Malakas po ba ang magiging laban ng bf ko against his wife kung mag file siya ng adultery case gamit ang mga pictures at ang salaysay ng kanilang anak? Maging ang mismong pag-amin niya na mayroon na siyang iba?

Your BF need to prove na may sexual intercourse ang asawa niya sa iba.

2. Kung sa annulment, anong maaring mga grounds for petition? Sa detalye ng kwento is there any circumstances that shows that she is psychologically incapacitated where she is unable to perform her duty as a wife? Dahil palagi siyang wala sa bahay, naiiwan ang kanilang anak.. uuwi ng madaling araw madalas nakainom pag umuuwi and not telling her whereabouts.

Psycholigical incapacity is the most probable ground.

3. Does she can file concubinage against me and her husband? We are now living together for couple of months. But with her allegation that she got witnesses that he was indeed bringing someone home, which is me, but she doesnt know who i am, we decided to live apart until makipag settle ung wife niya ng maayos.

If she can prove and of the grounds, yes.

4. And with regards sa condition na hindi niya pagpapakita sa anak niya sa wife niya not until makipagusap siya ng maayos, papasok po ba ito sa philippine act against woman and children? Maari din ba na makasuhan ang bf ko hinggil dito? Ano ang maaring maging depensa ng bf ko kung sakali man na kaharapin niya ito?

Yes, RA9262 is possible.

View user profile

kairhen


Arresto Menor
Thanks for your response!
follow up question lang po..
Does a copy of the receipt in the hotel room where they checked-in, might be use as a proof that she engaged into having sexual intercourse with his guy? Pati na din ung mga photos nila showing that they are really on that same room? Sa kwento kasi ng wife niya, uncle niya lang daw un.. if that so parang unbelievable na uncle niya base sa mga photos lalo pa at nag checked-in sila sa iisang room lamang. And that happened twice or baka more than pa.

View user profile

kairhen


Arresto Menor
Its ok lang po. I have knowledge about this pero hindi lang sa akin malinaw ang ilan sa mga nasasaklawan ng batas hinggil dito. Gusto ko lang din naman po ng clarifications at further explanations. And thank you pa din po sa pagtugon.

And with redards again sa "sexual intercourse" I thought sa concubinage case po ito na kailangan may pagpapatunay, at actual itong nasaksihan o d kaya ay may konkretong ebidensya. ganun pa man, gaya ng pagpapahayag ko mayroon proof na nag checked-in sila sa hotel, maaari po ba itong magamit na matibay na ebidensya kung sakali?

View user profile

myst01


Arresto Mayor
"anyone who comes to court must come with clean hands"

Kung sa akin lang Ms. kairhen, don't waste your time with the criminal cases na alam naman natin na ung bf mo at yung asawa nya at maging ikaw din ay pareparehong nagkasala... ang nararapat nyo na lang gawin ay kumbinsihin ang bf mo na magfile ng annulment case at hayaan na ang korte ang nagpatawag sa asawa ng bf mo upang sagutin ang kung anu man ang mga alegasyon na sasabihin ng abogado ninyo laban sa asawa kung saka sakali.. i agree that the most probable ground would be on psychological incapacity..

kung sa banta banta lang ang pag-uusapan kahit sino pwede nyang gawin yan, pero kung talagang desidido kayo na pawalang bisa ang kasal ng bf mo sa asawa nya, then file the annullment case already..

View user profile

myst01


Arresto Mayor
4. And with regards sa condition na hindi niya pagpapakita sa anak niya sa wife niya not until makipagusap siya ng maayos, papasok po ba ito sa philippine act against woman and children? Maari din ba na makasuhan ang bf ko hinggil dito? Ano ang maaring maging depensa ng bf ko kung sakali man na kaharapin niya ito?

-i don't believe RA 9262 or the anti Violence against women and their children would be applicable in this case,,, but nonetheless, the husband must file a custody case in court if he really wants that the child be in his custody to avoid any future conflict...

View user profile

kairhen


Arresto Menor
myst01 wrote:"anyone who comes to court must come with clean hands"

Kung sa akin lang Ms. kairhen, don't waste your time with the criminal cases na alam naman natin na ung bf mo at yung asawa nya at maging ikaw din ay pareparehong nagkasala... ang nararapat nyo na lang gawin ay kumbinsihin ang bf mo na magfile ng annulment case at hayaan na ang korte ang nagpatawag sa asawa ng bf mo upang sagutin ang kung anu man ang mga alegasyon na sasabihin ng abogado ninyo laban sa asawa kung saka sakali.. i agree that the most probable ground would be on psychological incapacity..

kung sa banta banta lang ang pag-uusapan kahit sino pwede nyang gawin yan, pero kung talagang desidido kayo na pawalang bisa ang kasal ng bf mo sa asawa nya, then file the annullment case already..



I agree with you, guilty din naman ako sa sitwasyon na ito at hindi rin naman ako naghuhugas kamay. 

Annulment lang talaga ang nakikita namin na solusyon. Nagpahayag din naman ng interes ung wife niya sa annulment thru text, ang problema lang namin talaga ay pabago bago ng isip ung babae. Kung noon ayaw niya pumayag, makalipas ang isang taon gusto na din niya tapos recently lang biglang ayaw na naman niya. Ang nakikita namin sa kanya ay gusto niya maghiganti sa amin at ayaw niya matahimik ang pamilya ng bf ko at maging masaya. Kaya po dumating na sa punto ang bf ko na ipitin din siya, un ay ang gamitin ang bata para humarap siya. Nagdesisyon siya na hindi ipahiram ang bata sa kadahilanan na hindi namin alam kung saan siya nakatira, kung saan niya maaring dinadala ung bata kapag hinihiram niya at kung sino ang kanilang mga nakakasalamuha. Dahil gaya nga ng pagpapahayag ko, isinasama niya ang bata sa lugar na tingin namin ay hindi appropriate para sa bata. At kahit na dalhin pa ang bata sa mga magulang ng kanyang ina ay hindi din maari dahil may dalawang kapatid siya na mentally ill.

View user profile

kairhen


Arresto Menor
myst01 wrote:4. And with regards sa condition na hindi niya pagpapakita sa anak niya sa wife niya not until makipagusap siya ng maayos, papasok po ba ito sa philippine act against woman and children? Maari din ba na makasuhan ang bf ko hinggil dito? Ano ang maaring maging depensa ng bf ko kung sakali man na kaharapin niya ito?

-i don't believe RA 9262 or the anti Violence against women and their children would be applicable in this case,,, but nonetheless, the husband must file a custody case in court if he really wants that the child be in his custody to avoid any future conflict..
Their son can't live together with her mother for so many reasons. Hindi naman ipinagkakait ng bf ko ang bata dahil sa karapatan niya bilang ina ang makasama ang kanyang anak. Pero hindi niya naman ito naaalagaan at nasusubaybayan ng mabuti. Noong mga panahon na pinalayas siya, umalis siya kasama ang anak niya. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay ibinalik niya na din ito sa bf ko at lumipat ng lugar na hindi nila alam kung nasaan. Ang kanyang dahilan ay hindi niya kayang alagaan ang bata dahil palagi siyang umaalis at pumupunta kung saan. Pinabayaan na ng bf ko ung wife niya sa kung ano man gusto niya with the hope na maka move on na siya at d na siya guguluhin pa. Pero eto na naman siya. Jagmamatigas at ayaw humarap para makipag ayos ng usapan para sa bata.

View user profile

myst01


Arresto Mayor
This is why you should file the anullment case with custody of the child, it is not an issue whether payag ang wife or hindi. What is important is that you can prove your ground for seeking anullment at mapatunayan na ung wife is really unfit to take custody of the child..

View user profile

kairhen


Arresto Menor
Yes. Plano talaga namin ang annulment. Btw, ang paguusap at pagkakaroon ng kasulatan at sinumpaang salaysay sa baranggay na pagpapatunay na hiwalay na sila, ano po ba ang kahalagahan nito? I mean, kung sakali hindi pa napoproseso ang annulment maaari ba mapanghawakan o magamit ng bf ko ito para walang maging habol ang wife niya sa mga pagaari at benepisyo niya?

Btw, thanks for explaning things to me at sa mga insights mo regarding this matter. Malaking tulong po ito. Ask ko na din po kung may idea kayo kung magkano aabutin ng gastos sa annulment? Kung anong mga pagdadaanan sa prosesong ito?

View user profile

myst01


Arresto Mayor
Mahalaga po yung sinumpaang salaysay sa barangay bcoz it would show that your bf and his wife have exerted efforts to amicably settle their problems, requirement po yan ng batas.. pro kng sakali po na hndi maprocecess ung anullment, my habol pa rin ang wife sa properties at benefits ng husband kasi mag asawa nmn po cla..

Tungkol po sa legal fees, depende po yan sa abogado nyo kung magkano sisingilin at sa diskarte rin po nya..

View user profile

kairhen


Arresto Menor
myst01 wrote:Mahalaga po yung sinumpaang salaysay sa barangay bcoz it would show that your bf and his wife have exerted efforts to amicably settle their problems, requirement po yan ng batas.. pro kng sakali po na hndi maprocecess ung anullment, my habol pa rin ang wife sa properties at benefits ng husband kasi mag asawa nmn po cla..

Tungkol po sa legal fees, depende po yan sa abogado nyo kung magkano sisingilin at sa diskarte rin po nya..
Is it necessary na magkaharap na sila agad sa brgy? Dahil sa kaso nga nila ayaw humarap ng wife niya, marahil sa takot niya na baka masukol siya ng partido ng bf ko dahil nga guilty din siya. Nagkwento din kasi ung bata na noong hiniram siya ng mama niya, ang sabi sa kanya wag daw niya sasabihin kila papa niya kung saan siya nakatira dahil baka makulong daw si mama niya. O pwede na mag initiate ang bf ko na pumunta sa brgy. Para magpagawa ng kasulatan at saka na lamang ito papipirmahan sa wife niya? O ang brgy. Na ang magpapadala ng invitation sa wife niya na humarap sa brgy.?

Thank you!

View user profile

myst01


Arresto Mayor
Not necessary po n magkaharap cla, basta ang mahalaga po maipakita lng na may ginawa ang husband na paraan para mag usap silang dalawa.. mas favorable p nga sa inyo pag d humarap ang wife, kasi po pag my agreement cla, lalabas na ng usap cla na ipawalang bisa ang kasal nilang dalawa bagay na taliwas sa batas natin. mababalewala lng lahat ng effort nyo..
maipapaliwanag nmn po yan sa inyo lahat ng abogado nyo pag magfifile n tlg kau ng kaso.. kasama n rin yan sa trabaho nila bilang abogado nyo..

View user profile

kairhen


Arresto Menor
Thank you so much myst01. Malaking tulong po ito. Dahil mas malinaw na kung anong maaaring maging posisyon ng bf ko sa kasong ito.

Pasasalamat na din sa nagpasimula ng forum na ito.

More power and God bless!

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum