Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Land Title

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Land Title on Wed Nov 19, 2014 9:03 pm

lentor


Arresto Menor
Magandang araw sa lahat.We desperately need legal advice.Tungkol po ito sa lupa ng lolo at lola namin.Wala napo sila at ang problema ngayon ang lahat na titulo ng lupa ay nasa kamay ng tiyahin namin.Nagka problema napo kami kasi gusto ng mama kong ibang tiyahin at tiyohin namin na makita ang mga titulo at malaman ang update sa pag asikaso niya sa pag survey ng lupa upang magka individual title na pero hanggang ngayon hindi namin alam ang progress,gusto namin makita ang mga titulo pero hindi niya maipakita kaya sinabihan namin siya mag meeting pero ayaw niya.Ano po ang gagawin namin para maipakita niya ang mga titulo ng lupa? ang masaklap ngayon marami na siyang inangkin na lupa at sabi niya naibenta na raw sa kanya ng mga tiyahin at tiyohin namin.Ang pagkakaalam ko ang value nang lupa ay mas malaki kay sa nakuha nilang pera at wla siyang naibigay na mga records.Marami pang problema ang hinaharap namin dahil sa kanyang mga ginagawa na hindi makatarongan.Sabi pa niya wala na daw meeting kasi ang mga kapatid daw nagsi perma na wala ng maganap na meeting after nong last na meeting nila.Puede ba iyon? at possible ba na maitransfer niya sa kanyang pangalan ang mga titulo ng lupa? Ang gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin namin para maipakita niya ang mga titulo ng lupa at malaman namin ang update nong sabi niya na survey na pero wla siyang maipakita sa records galing sa geodetic engineer.

Salamat po...sana matulungan ninyo kami kung ano ang dapat gawin.

View user profile

2 Re: Land Title on Fri Nov 21, 2014 9:59 am

hustisya


Prision Correccional
you can see and verify the titles by requesting a certified true copy of titles at the office of registry of deeds. Ngayon ang problema, hindi mo alam ang mga title numbers ng mga property. kung alam mo kung saan ang location ng mga property na iyong nabanggit, pwede ka pumunta sa tax mapping office ng city hall/munisipyo nyo.. then, may details dun, like survey number and tax dec number at pag nakuha mo yang details na yan, pwde kna mag request ng copy ng tax declaration sa assessor's office at dun sa tax dec meron makikita mo ang title number ng property. After that, you can now proceed at the registry of deeds to request the copy of title... (kelangan mo kasi ang title no. para maka kuha ka ng copy, kasi hinihingi sya ng tga reg.of deeds).

tungkol naman sa paglipat ng titulo, kung nakapangalan pa sa lolo at lola mo ang property(lupa) hindi maililipat ng tiyahin mo ang titulo under her name kasi hindi lang sya ang legal heirs (legal na tagapag mana) unless kung may naiwan ang lolo at lola mo ng last will of testament na sa kanya lang mismo iniwan ang lahat ng ari arian. kung wala namang last will, para mailipat nya yun, kelangan mag execute ng extrajudicial settlement of estate ang legal heirs, ibig sabihin kasunduan ng lahat ng legal heirs sa pag hati hati ng property ng naaayon sa tama o ayon sa kanilang kagustuhan... at dun lahat sila ay pipirma.

View user profile

3 Re: Land Title on Fri Nov 21, 2014 8:30 pm

lentor


Arresto Menor
Maraming salamat sa reply Sir/Maam.May tanong pa po kami,iyong ibang tiyahin at tiyohin namin naka borrow ng pera sa kanya at ang kinuha niyang kabayaran ay ang lupa na angkin nila kasi silang magkakapatid may kanya-kanya ng lupang sinasaka,at napagkasunduan na nila bali " ito ang sa iyo,ito ang sa akin,ito ang sa kanya" pero wla pang individual titie kasi mothers title pa.Ang tanong namin sir,puede ba niya makuha ang share ng mga tiyohin at tiyahin na kabayaran sa nakuhang pera? pinapirma niya iyong tiyohin at tiyahin namin.Valid ba iyong pirma na iyon? mas malaki pa ang value ng lupa kay sa nahiram nilang pero.

Maraming salamat po.

View user profile

4 Re: Land Title on Sat Dec 06, 2014 2:26 am

Ladie


Prision Mayor
Hindi kaya ibinenta ng mga tiyuhin at tiyahin mo ang kanilang undivided hereditary rights sa kanya? If yes, dapat may legal document at notarized. Besides, kung may extrajudicial settlement of estate ang LAHAT ng heirs, ito kailangan ipublish sa newspaper for 3 consecutive weeks for other claimants not included in the settlement and for creditors (read Rule 74 of the New Rules of Court). Puede rin magtanong o kumuha ng certification of property holdings sa pangalan ng lolo't lola ninyo sa assessor's office kung saan ang property, o kaya certification of property holdings sa pangalan ng tiyahin ninyo na humahawak ng mga titulo para malaman kung naipangalan nga niya sa kanya.

Note: I am not a lawyer, but just an ordinary person trying to share my opinion, ideas and experience that might be of help to you.

View user profile

5 Re: Land Title on Sat Dec 06, 2014 5:46 pm

karl rove


Reclusion Perpetua
LENTOR: Kung gusto mo ng legal assistance mag email ka sa adpr24242000@yahoo.com
para mabigyan ka ng kaukulang payo
salamat.

Atty K.R.

View user profile

6 Re: Land Title Today at 12:26 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum