Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child support on Thu Nov 20, 2014 12:01 pm

Sarah Jane


Arresto Menor
Hi po. I desperately need your advice. Meron po kasi akong anak, 5 month old. Simula nung nagbuntis po ako, hanggang sa manganak ako, okay pa naman kami ng father niya. Hanggang 4 months. Nagsustento siya, family niya nagshoulder ng expenses hanggang sa manganak ako. Actually, gamit pa nga niya surname ng tatay niya at nakapirma ang tatay niya sa birth certificate nito. E this last october, naghiwalay na po kami ng tatay ng anak ko dahil sa hindi na kami magkaintindihan. Mga 1 week after nun, nagbibigay pa sila ng sustento sa anak ko, KAPAG may inuutusan kami na pumunta dun para manghingi. E since last week, hindi na po sila nagbigay ng sustento sa anak ko. They're making out conditions na 'di daw sila magbibigay ng sustento sa bata hanggang di nila mahiram ito. Which is di naman pabor sa'kin, ang sabi nila bakit pinagkakait ko daw yung bata sakanila. Ang sabi ko naman, di ko pinagkakait yung bata, kung gusto nilang bisitahin yung bata, dito sa bahay hindi yung iuuwi pa nila sakanila. Syempre as a mother, ayoko naman na habang lumalaki anak ko, dinadala dun ng hindi ko nagagabayan. Since, di nagkaroon nga kami ng di pagkakaintindihan ng pamilya niya at ng father niya, baka kung ano pang ituro nila sa bata habang lumalaki to. Mas mabuti nang dito sa bahay nila dalawin, atleast nagagabayan ko. Ngayon, may habol po ba ako sa sustento ng anak ko? Since sinasabi nila na di naman nila itinakwil ang bata, pero ang kondisyon nila ay susustentuhan lang nila yung bata kapag pumayag ako ipahiram at iuwi sakanila yung bata. May kondisyon po ba ang pagbibigay ng sustento sa anak ko? At ano po ba ang karapatan ng pamilya ng tatay ng anak ko kung sakali?



Last edited by Sarah Jane on Thu Nov 20, 2014 12:31 pm; edited 1 time in total

View user profile

2 Re: Child support on Thu Nov 20, 2014 12:18 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi Sarah Jane,

As a father, may duty siya na magbigay ng financial support sa anak mo WITHOUT any conditions. So, regardless kung nahihiram nila ang anak mo o hindi, dapat ay magbigay ng sustento ang father sa anak mo.

I am assuming na hindi naman kayo kasal ng father ng anak mo. If that is the case, then illegitimate child yung anak ninyo. This means that you, as a mother, has sole custody of your child. Visitation rights lang ang meron ang ex mo. So, may right ka naman talaga na papuntahin lang sila sa bahay mo.

Should you need legal assistance, please PM me.

Thanks,
Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

3 Re: Child support on Thu Nov 20, 2014 12:35 pm

Sarah Jane


Arresto Menor
Thankyou for replying Ma'am. Opo hindi po kami kasal ng biological father ng anak ko. E paano po una kong step na gagawin para magdemand ng financial support sa father niya? Since nakausap na namin sila, at ayaw talaga nila magbigay hangga't di daw nila nahihiram yung bata.

View user profile

4 Re: Child support on Thu Nov 20, 2014 1:18 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Kailangan po siya padalhan ng demand letter for child support. Yun yung first step.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

5 Re: Child support on Thu Nov 20, 2014 1:46 pm

Sarah Jane


Arresto Menor
Where I can get this demand letter? And saan po ako pwede makakuha ng free lawyer service kung sakali? Since, ayoko naman palakihin to. Gusto ko lang makuha karapatan ng anak ko.

View user profile

6 Re: Child support on Thu Nov 20, 2014 2:59 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Pwede ka po magpagawa sa lawyer. If you are looking for a free lawyer service, you can go to the Public Attorney's Office (PAO) in your area and ask for help.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

7 Re: Child support on Sun Nov 23, 2014 10:32 am

Sarah Jane


Arresto Menor
Hi! Ask ko lang po ulit. Wala po bang karapatan yung anak ko magdemand ng sustento sa family ng father niya since wala namang trabaho yung father niya. Pero they have this family business, may pagawaan sila ng shoes at tumutulong yung father ng anak ko dun. Bukas po maghaharap kami sa DSWD sa barangay. Pero kung wala pong rights yung anak ko na magdemand ng sustento sa family nya e hindi ko nalang po itutuloy at baka mapahiya lang ako dun.

View user profile

8 Re: Child support on Sun Nov 23, 2014 10:42 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi, may karapatan ang anak mo na magdemand ng sustento sa grandparents kung walang trabaho yung father. As a rule, may duty to provide support yung grandparents if hindi kaya ng parent magprovide ng support. Ipaglaban mo yung karapatan ng anak mo.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

9 Re: Child support on Sun Nov 23, 2014 11:38 am

Sarah Jane


Arresto Menor
Lumapit po kasi kami sa PAO dito sa area namin, and they told us na paano daw kami manghihingi ng sustento e wala naman daw palang work. So, medyo nag-alangan po ako. Sige po, itutuloy ko paghaharap namin sa DSWD bukas.

View user profile

10 Re: Child support on Sun Nov 23, 2014 12:37 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Basta pag nagharap kayo bukas, if walang work yung ama nung bata, pwede ka nun humingi ng support from the grandparents. Hindi nga lang yan pwede for criminal case under RA 9262 sa economic violence. But that can be pursued through a civil case sa Petition for Child Support.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

11 Re: Child support on Fri Nov 28, 2014 3:23 pm

Sarah Jane


Arresto Menor
Hi po, follow up lang po. Nagkaharap na po kasi kami sa lupon ng brgy kahapon and we both agreed na magbibigay sila ng buwanang sustento sa bata every 15th of the month. And I also asked them na kung pwede magbigay na sila kahapon since matagal pa ang 15 at wala nang panggastos yung bata. They agreed. But the problem is, pagpunta nila sa bahay nagbigay sila in kind ng gatas at diaper which is kahit isang linggo di aabot e, pangtatlong araw lang. E ang sabi ko panggastos ng bata up to 15 kasi yun ang scheduled na pagbibigay nila ulit. Now I have to wait 'till 15th bago ako kumilos ulit. What if sa 15 ganun ulit gawin nila? Samantalang ang napagkasunduan namin is BUWANANG SUSTENTO ng bata. E ang binigay nila, ni isang linggo di aabot e. Ano po gagawin ko if ever di nanaman sila tumupad sa usapan? Ibabalik ko pa ba sa brgy or pwede ko na idiretso as civil case for petition for child support? Thanks in advanced!

View user profile

12 Re: Child support on Sat Nov 29, 2014 2:20 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Pwede ka bumalik uli sa barangay. Kung wala pa rin talaga, pwede sila padalhan ng demand for child support. At pag ayaw pa rin, pwede na pumunta sa court for petition for child support (civil case).

View user profile http://www.kgmlegal.ph

13 Re: Child support Today at 10:23 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum