Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Tue Nov 25, 2014 7:05 am

bbgirl


Arresto Menor
Hello po. Nabuntis po ako 10 years ago ng BF ko, after 2 years nagpakasal kami, pagkatapos ng 3 years naghiwalay kami dahil may kabit siya. Na-annul na po ang kasal namin pero pinalabas nila ako ang may problema.

Ngayon 10 years old na po ang anak namin, may asawa na po ako ngayon at gusto ng i adopt ng asawa ko ang anak ko. Yung ex husband ko naman hindi na nagsusustento, mas inuna pa ang pagbili ng kotse na eclipse kesa sa tuition fee ng anak. Hiwalay na din sila ng kabit niya.

Kailangan pa ba ng consent letter ng totoong tatay ng anak ko? Walang future at ni minsan hindi naging maayos na tatay o role model ang daddy niya sa kanya. Puro porma, gastos at walang ipon ang daddy niya.

Pwede bang walang consent letter na lang? If ever, saan kami pwede humingi ng tulong para sa legal adoption? Pwede po ba magfile kami thru PAO? Saan ba unang pwede pumunta para dito?

View user profile

2 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Tue Nov 25, 2014 7:55 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

Correct me if I'm wrong na ang basis sa pagpawalang bias ng kasal ninyo ay psychological incapacity mo? If that is the case, legitimate child pa rin ang anak ninyo. Thus, kailangan mo ng consent ng ex-husband mo.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

3 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Tue Nov 25, 2014 1:32 pm

bbgirl


Arresto Menor
Katrina288, legitimate pa din ba ang anak namin even if nung kinasal kami nung una kong asawa eh hindi namin napa file ng legitimacy yung anak namin?

View user profile

4 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Wed Nov 26, 2014 7:38 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Ahhh, kung hindi ninyo pina-update yung status ng anak ninyo nung kinassal kayo, then on record, illegitimate child pa rin anak ninyo.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

5 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Wed Nov 26, 2014 1:36 pm

bbgirl


Arresto Menor
Ibig bang sabihin pwede naman na wala ng consent niya?

View user profile

6 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Thu Nov 27, 2014 12:57 pm

concepab


Reclusion Perpetua
If the child is illegitimate, the mother has full parental authority over the child. ibig po sabihin, maari ka na mag-desisyon para sa bata kahit walang consent ng tatay.

View user profile

7 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Fri Nov 28, 2014 11:22 pm

bbgirl


Arresto Menor
So ibig sabihin po ba, ngayong may asawa na ako, pwede na namin siyang i-adopt without the written consent of his biological father? Naka=apelyido po sa tatay niya pero nung time na ipinagbuntis ko ang anak ko, hindi kami kasal, pareho kaming minor.

View user profile

8 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Sat Nov 29, 2014 2:24 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Yun kasi yung complication diyan kasi kasal kayo ng father tapos naka-apelyido pa sa father yung bata. Hahanapan ka niyan ng written consent ng father.

Parehas kayong minor nung ipinagbuntis mo? Pano nung nanganak ka na? Minor pa rin ba kayo pareho o hindi na?

Kindly send a private message for the complete story. Mahirap po kasi yung paputol-putol ang kwento ninyo. Mahirap magbigay ng payo kung hindi ninyo ilalahad yung buong pangyayari.

Thanks.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

9 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Wed Dec 03, 2014 1:25 am

bbgirl


Arresto Menor
Katrina288, pasensya na po kung paputol putol.

19 years old po ako at 20 years old siya nung nanganak po ako. Kinilala nya ang anak ko, pero hindi pa po kami kasal noon. Sa kanya naka apelyido ang anak ko. Pagkatapos ng 2 years, nagpakasal kami sa Manila City hall at na annul na ang kasal namin pagkatapos ng 3 years.

Pareho kaming minor nung nag buntis po ako sa anak ko. Illegitimate pero apelyido ng ama nya. Kinasal kami pero hindi kami nag file ng legitimacy. Pagka annul ng kasal namin, illegitimate pa din po siya.

View user profile

10 Re: LEGAL ADOPTION - paano po magsisimula? on Wed Dec 03, 2014 8:16 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

No prob. Thanks for the additional information. If you need legal assistance to commence the adoption process of your child, please send an email to km@kgmlegal.ph for an appointment.

Best regards,
Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum