Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Wed Dec 03, 2014 8:45 pm

karl rove


Reclusion Perpetua
Tantuin Ng Sinoman:

Marami ang naghahangad, nangangarap, nagtatangka, nagbabakasakali o nagdedesisyon (na kalimitan ay mali) para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Marami rin ang gumagawa ng dahilan, nag iimbento, nag mamagic o nagtatagpi tagpi ng istorya para lumusot at masabi lamang na panahon na para tapusin ang relasyon bilang mag asawa.

Kalimitan ang hinahangad na kadahilanan ay PSYCHOLOGICAL INCAPACITY ayon sa Article 36 ng Family Code. Ngunit ano ba talaga ang alituntunin ng batas para sa wastong pagamit ng inkapacidad na ito para mapawalang bisa ang isang kasal.

Sinikap ng Korte Supreme na higpitan ang kadahilanan para matapos ang ugnayan bilang mag asawa at ito ay nadesisyonan sa kasong REPUBLIC v. MOLINA 266 SCRA 198 na sa opinyon ng kataastaasang Hukuman ay kinakailangan ay dumaan sa tatlong masusi o maurirat na batayan:

1. Gravity o maselan ng basehan. Sinasabi na ang psychological incapacity ay hindi pisikal incapacity kundi MENTAL. Ibig sabihin dapat ay malubha ang kadahilanan na hindi kayang ipatupad o gampanan ang mga obligasyon ng buhay may asawa.

2. Juridical Antecedence o meron pinag ugatan sa kanyang pagkatao gawa ng pamilya, kumunidad, taong nakakasalimuha na ito ay nahirati na at nabaon sa kanyang pagkatao. Ito ay isang pag uugali na naka apekto sa kanyang pagkatao hanggang sa siya ay pumasok sa buhay may asawa. Kaya ang malubhang kadahilanan na ito ay hindi lamang basta basta ginawa o dahil sa paglulubid ng istorya.

3. Incurability. ang ibig sabihin nito ang mental na disposisyon ng taong kinapitan nito ay hindi na magagamot o mapapagaling sa kadahilanan nga na ito ay malubha na kaya hindi nya kaya gampanan ang mga obligasyones sa buhay mag asawa. Kinakailangan dito ang expertong pag susuri ng psyhologist o psychiatrist na ang ulat nila ay gagamiting batayan ng hukuman kung talagang wala ng kadahilanan pa para ipagpapatuloy ang kasal.

Ganon pa man, marami ang naghihikayat na kaunting deperensya sa pag itan ng mag asawa katulad ng imaturidad o immaturity, sumpungin o mood swings atbp at hindi tanggap na batayan para iisang tabi ang kasal.

So, kung kayo ay nag aambisyon o may intensyon na magpawalang bisa ng kasal malaya kayong magtanong o mag kunsulta sa akin sa adpr24242000@yahoo.com. Ang inyong kwento o suliranin ay mapapangalagaan na confidential.

Salamat.

Atty KR

View user profile

2 Re: PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Thu Dec 04, 2014 2:53 pm

zyra m. plata


Arresto Mayor
cheers

View user profile

3 Re: PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Thu Dec 04, 2014 3:09 pm

karl rove


Reclusion Perpetua
thank you zyra...

View user profile

4 Re: PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Sun Feb 01, 2015 8:15 pm

cherrygen


Arresto Menor
Hi,

married for 3 yrs. Then suddenly sbi ni lalaki maghiwalay na tau. Sa kadahilanan na di ko alm anung gusto ko, out of love, pinakasalan ka lang dahil sa pride na buntis ka.. After a month kayong naghiwaly, may iba n pala... after 8 months mo pa nalaman na may bago na.. sa loob ng 8 months umasa ka.. biglang nawala dahil yun talaga ang rason. may bago n... What if may evidence na naging sila... then gusto nya hiramin ang anak nyo, pero di pumayag si babae. at tinitigil nya ang sustento.. anung magandang gawin? ilang taon bago mawalang bisa ang kasal? sa civil sila kinasal.. mapapawalang bisa pa ba?

View user profile

5 Re: PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Mon Feb 02, 2015 2:14 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Marriage is a contract of permanent union. Ibig sabihin may bisa ang kasal habang-buhay ang isa sa mag-asawa or ito ay i-deklara ng korte na walang bisa.

View user profile

6 Re: PAG WAWALANG BISA NG KASAL (Annulment) on Fri May 08, 2015 7:15 pm

mhekeshie


Arresto Menor
almost 4yrs. na po kaming hiwalay.matagal na po ako nagtitiis sa ugali nya akala ko magbbago pa xa kahit pamilya ko nagbulagbulagan ako kaht alam ko na minamanyak nya sis ko bunso nAnahimik lng ako plus ang pambbastos sakin ng tatay nya sinisilipan nya ako sa banyo at kapag lasing xa kung anu anu malalaswa ang cnasabi sakin kaya nakipaghiwalay na po ako ng tuluyan.pano po kaya mapapawalang bisa ng tuluyan ang kasal nmin? tnx po in advance sa reply

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum