Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Father's name was not included on the birth certificate

Go to page : 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 2]

ynasalvador


Arresto Menor
Hi..gudpm, may concern lng po ako regarding sa birth certificate ng anak ko..i was married jan24, 2010..buntis na po ako nun, after two weeks po pgktapos po ako ikasal, may misunderstanding po ba ngyari sa aming mag asawa hanggang sa nauwi na sa hiwalayan kaagad, cmula nun hnd na po kmi ngkita, then until manganak po ako pinasunud ko po sa apelyido ko ung baby namin, sa birth certificate po naka "N/A" ung fathers name nung baby ko..then nakalipas po ung 2yrs year 2012, nagkita po kmi ulit ng ama ng baby ko then nagkaron na po nag-reconciliation sa aming dalawa pati sa families namin, ngaun po dahil saken naka apelyido pa ung bata, ano po kaya ang tamang proseso pra magamit ng baby namin ung surname ng father nia..possible din po ba na ipa-late register nlng po namin ung bata ulit na nka apelyido na sa father nia, i-a-acknowledge po kaya ng NSO yun? Sad

View user profile

karl rove


Reclusion Perpetua
hi there. If you need legal assistance, pls email me at adpr24242000@yahoo.com

thanks

Atty K.R.

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
ynasalvador wrote:Hi..gudpm, may concern lng po ako regarding sa birth certificate ng anak ko..i was married jan24, 2010..buntis na po ako nun, after two weeks po pgktapos po ako ikasal, may misunderstanding po ba ngyari sa aming mag asawa hanggang sa nauwi na sa hiwalayan kaagad, cmula nun hnd na po kmi ngkita, then until manganak po ako pinasunud ko po sa apelyido ko ung baby namin, sa birth certificate po naka "N/A" ung fathers name nung baby ko..then nakalipas po ung 2yrs year 2012, nagkita po kmi ulit ng ama ng baby ko then nagkaron na po nag-reconciliation sa aming dalawa pati sa families namin, ngaun po dahil saken naka apelyido pa ung bata, ano po kaya ang tamang proseso pra magamit ng baby namin ung surname ng father nia..possible din po ba na ipa-late register nlng po namin ung bata ulit na nka apelyido na sa father nia, i-a-acknowledge po kaya ng NSO yun? Sad

Hi, please do not file a late registration of birth kasi it will make things more complicated for your child.

The remedy is to file for an action for the correction of entry in the birth certificate. Since nagkabalikan na kayo ng husband mo, wala naman dispute dun sa legitimacy ng bata. And the fact that the child was born during your marriage, dapat legitimate yun.

If you need legal assistance, please PM me or send a direct email to km@kgmlegal.ph

Best regards,
Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ynasalvador


Arresto Menor
Thanks for the reply Atty. Katrina, actually po na-ipa late register nrin nmin ung anak ko using her father's surname, nung kumukuha na po ako ng authenticate ang lumabas padin po is ung naka apelyido sa akin...ang iniicp nmn po namin is baka hnd pa po naforward sa NSO ung late register na BC ng anak ko, kaya ang lumabas padin po is ung naka apelyido pa saken...

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Ok, yung una talaga na registration yung lalabas kasi yun na yung recognized ng system ng NSO. If you want to avoid problems in the future para sa anak ninyo, kailangan ipa-cancel yung 1st birth certfiicate. But this involves a court action so you need the assistance of a lawyer, pero hindi naman siya mahirap kasi wala naman magcocontest niyan.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ynasalvador


Arresto Menor
matagal po ba ang proseso nito?

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Few months po and depends rin sa sami ng cases na hinahawakan ng court. Smile

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Hi good pm po, ask ko lang po anu pwede gawin regarding sa birth certificate ng anak ko, after kasi malaman ng father ng anak ko buntis ako, iniwan niya ako agad, then nung nanganak ako, nilagay ko nalang na unknown yung father, kasi ayaw nia i acknowledge yung bata, after 2 years po bumalik xa nagkausap kami, actually nakapag sign po xa dun sa baptismal nang anak ko, using his surname. willing naman ung father na ayusin po ung name ng anak namin, anu po ung dapat gawin? what if hindi narin ako pumayag, makakaapekto po sa birth certificate na unknown ung father? thanks..

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi, ikaw po ang makakapagdecide niyan kung papayag ka na ipalipat sa apelyido ng father yung anak mo. Hindi naman po makakaapekto na unknown yung father kasi option mo naman yun. Since hindi kayo kasal ng father ng anak mo, ikaw ang may sole parental authority sa anak mo. Yung advantages naman sa pagpapalipat ng apelyido ng anak mo sa apelyido ng father ay ang mga sumusunod:

1. Dahil pumayag ang father na ipalipat sa apelyido niya ang apelyido ng anak mo, pwede ka humingi ng child support sa tatay. Kasama sa child (financial) support ang living expenses, educational and medical expenses.

2. Pagdating ng panahon na mamatay na yung father, makakakuha ng mana yung anak mo sa property/yaman na pagmamay-ari ng father.

Kung nakapagdecide kayo na ipalipat sa apelyido ng father yung apelyido ng anak mo, kailangan mong magfile ng application sa Civil Registry ng lugar kung saan ipinanganak yung anak mo kasama ng mga sumusunod na dokumento:

1. Certified true copy of the birth certificate of the child;
2. Affidavit to use the lastname of the father;
3. Valid Identification Card (ID) of the parents or of the registrant (if 18 years and above);
4. Additional documents showing proof of filiation in cases where the name of the father was left blank in the birth certficate of the child.

If you need legal assistance, please PM or send an email to km@kgmlegal.ph

Best regards,
Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Thank you so much atty katrina, Atty What if po hindi ko na ipapalipat sa father ung name ng anak ko, anu po mga possible na karapatan nang anak ko, as of now kasi wala narin kami communication, the last time na nagkausap kami hindi po siya responsible sa mga needs ng anak ko, anu po pwede gawin para po sa anak ko. Thanks po

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
You're welcome. Kung hindi mo po ipalipat sa apelyido ng father at later on itanggi niya na siya ang ama at wala ka proof na kinikilala niya ang anak mo, hindi ka makakahingi ng child support (financial) sa kanya UNLESS ipa-DNA test mo yung tatay tapos ikaw pa magbabayd nun. At pag namatay po yung father in the future, wala po mamanahin yung anak mo sa kanya.

Yan po yung mga posibleng mangyari. Kung ano po yung manging desisyon niyo, nasa inyo po yan.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Thank you po atty, atleast kahit paano po ay nagka idea rin po ako.. Salamat po and godspeed

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
You're welcome. God bless.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Hi, Ask ko lang po if possible po ba na gawin ko collateral sa bank yung lupa namin, actually kasi samin xa pero kasi hindi xa nakapangalan sa mother ko, nagkaroon po kasi ng gulo before issue sa father side na nangyari po ung kapatid po ng father ng mama ko ipinangalan yung lupa, ngaun po gumawa nalang ng deed of donation na saamin na po ung lupa, possible po ba na pwede maging collateral sa bank yun pero hnd sa mother ko nakapangalan ung lupa..Thanks

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi yes pwede naman po yun kasi hindi naman kinakailangan na sa nagloloan nakapangalan yung collateral as long as may consent nung registered owner.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Hi What if ibebenta ko siya sa bangko, possible po ba un? and what are those requirements po? Thanks

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Kung hindi naman ikaw ang may-ari, bakit ibebenta mo? Kung ibebenta mo, ibang usapan na yun. Dapat yung may-ari ang magbenta unless agent ka.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Good Am, Yes kami nga ang my ari nung lupa, syempre po ibang usapan naman talaga if hindi kami, anyways po, like i said samin po ung lupa, pero hind pa sa mama q nakapangalan ung titulo, pero my papers kami ng deed of donation na signed nung nkapangalan sa titulo, just wanna know lng po if possible ba xa ibenta sa bank na ang meron lang kmi is deed of donation?, kasi ang samin bakit pa kami gagastos na ipangalan sa mama q ung titulo if ibebenta lang din naman..Thanks po

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Ok, no problem naman kung deed of donation. Kailangan niyo lang niyan ipakita din na nagbayad ng donor's tax dun sa pagdonate ng property sa mother mo kasi hihingiin yan ng bank. For more specific requirements, consult the concerned bank personnel. Smile

View user profile http://www.kgmlegal.ph

ghrasse


Arresto Menor
Hi Gud Am po, ask q lang po usually po how much po ung pagpapagawa ng deed of sale sa lupa? and wat po ung mga requirements para po sa transfer tax, Thanks po

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
ghrasse wrote:Hi Gud Am po, ask q lang po usually po how much po ung pagpapagawa ng deed of sale sa lupa? and wat po ung mga requirements para po sa transfer tax, Thanks po

Hi, for the costs, I will send you a PM.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

anne manero


Arresto Menor
hi good morning ask ko lng po kung possible ilagay sa birth certificate ng baby ko ung name ng father nya kahit surname ko ang ginamit n apelyido ng baby ko, if yes ano ung mga procedures? thanks you

View user profile

anne manero


Arresto Menor
as per hospital hindi daw po kc pwede kc conflicting thats why i search the internet and may nakita ako n pwede naman pala,

View user profile

ed shuck


Arresto Menor
can the COLB be changed so that the FATHERS name be listed, than as UNKNOWN yes it be added onside? also what if the mother is not available or cant be contacted to go to CIVIL Registry?
also whenthe COLB was filled out the hospital switch the COLB that the father sign and used 2nd one thats incorrect inf, what recourse does 1 have? the costs?

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
anne manero wrote:as per hospital hindi daw po kc pwede kc conflicting thats why i search the internet and may nakita ako n pwede naman pala,

Before answering your question, tama ba na sa iyo nakaapelyido ang baby?

View user profile http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum