Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

pa help po estafa under par.1(b) art 315

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 pa help po estafa under par.1(b) art 315 on Tue Dec 16, 2014 1:55 am

kittykay20144


Arresto Menor
yung case po nung brother ko kasi sa cockpit xa nagwork nasugal yung parada ng manok with the amount of 201.000 pesos po so nag file sila ng estafa hinarap po nya at sumurender sa batas ng bail po at arrangement nya mero pong tendency sa 1st arrangement nya makukulong xa po atty pa help naman yung mga lawyers na kinuha namin takot lahat sa kabila kasi powerful sila kami isa lang tagalupa pa help sana salamat willing naman kami mag pay ng everymonth pero pag hindi sila papayag ano kaya magagwa namin?

View user profile

2 Re: pa help po estafa under par.1(b) art 315 on Tue Dec 16, 2014 8:10 am

karl rove


Reclusion Perpetua
kittykay:

Ibig mong sabihin sa lob ng sabungan nag entrega o nagparada ng manok ang kapatid mo. Medyo malabo ang kwento mo kitty. Anong nangyari pagkatapos pumarada ang banda ng manok??? Isinugal ba nya ang parada ng manok o ipinusta ang parada ng manok. Sabunggero din ako pero hindi ko makuha ang ibig mong sabihin sa "nasugal yung parada ng manok".

Paki linaw nga at baka magsabong din yung facts mo iha.

Ngayon, may arraignment (hindi arrangement) sa sabong may arrangement with the kristo, sa korte ang tawag arraignment o yung pagbasa ng demanda.

Bakit may tendency na makukulong???? Gawa nung mga abogado mong duwag o takot???? Babasahan lang ng demanda, meron bang dapat ikatakot dun??? May nakatutuk bang baril sa mga abogado nyo at natakot habang binabasahan ng demanda????

Alam mo kitty, sabihin mo sa abogado nyo wag silang duwag, they were hired to represent you and your brother. Walang abogado na duwag, basta parehas ang laban. Ngayon kung traidoran ang laban at hindi o ayaw pakita ang kalaban at nagtatgo sa dilim, ibing laban na yan. Kung sa sabong lantad ang laban, buti pa nga ang manok at lantad lumaban, "tari" nga lang ang naka lagay o nakatali sa paa, kapag pumalo na, dedbol ung kalaban.

Maki pag ayos muna kayo kung pwede at mahaba pa namang proceso yan pagkatapos basahan.

salamat

Atty Karl Rove

View user profile

3 Re: pa help po estafa under par.1(b) art 315 on Fri Dec 19, 2014 3:13 am

kittykay20144


Arresto Menor
atty karl thanks sa pag reply sa problem ko....

yung nangyari kasi merong pusta yung laban 43 so so fyt 42 pa hwak ng kuya ko yung pusta nung 43 pinista nya sa 42 yung pera so na ubos sumugal ulit xa. sa ilang fyts hangang lumaki yung pera worth 162k na so ginawa nya meron pang 2 fyt natira umuwi xa pero hindi sa bahay kundi sa kaibigan nya.. pumunta kami sa sabongan para magbayad ng maliit na halaga hindi sila pumayag. so antay kami sa subpoena dumating na. warrant agad lumabas nung dec 10 so nag pyansa kami agad kasi pasko kawawa naman kuya ko pagkatapos binasahan xa ng 16 dec so meron na naman sa jan 7 nakakuha naman kami ng abogado pero ang kinatatakot ko lang may posibilidad bang makukulong kuya ko atty kasi sa sabi nila ipapakulong nila kuya ko para magdusa daw hindi ba pweding magbayad ng buwan2x like for example 10k monthly hangang matapos yung amount. at dinagdag pa ang otang ng kuya ko hanggang umabot sa 201k po

salamat po!
merry xmas po atty

View user profile

4 Re: pa help po estafa under par.1(b) art 315 on Fri Dec 19, 2014 9:27 am

karl rove


Reclusion Perpetua
kitty: Pwede yang sinasabi mo na magbayad monthly dun sa kalaban nyo sa kaso. Depende yan kung anong hakbang gagawin ng abogado nyo para mabigyang daan ynag settlement at ayokong panghimasukan ang kakayahan ng abogado nyo, pero may pamamaraan, alam ng abogado nyo yan... sa pre-trial pwede magkaroon ng pag aayos hanggang makabayad kayo sa utang n kapatid mo.

Kung makukulong ang kapatid mo??? depende kung mapapatunayan sa bisa ng mga ebidensya ipapakita sa hukuman. Kaya ang payo ko mag compromise habang maaga pa. Ipiagkatiwala nyo sa abogado nyo yan alam nya yan

Merry xmas din!

View user profile

5 Re: pa help po estafa under par.1(b) art 315 on Fri Dec 19, 2014 5:43 pm

kittykay20144


Arresto Menor
thanks atty il update you nalang next year for pretrial


salamat po

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum