Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Delayed Employment of Contract and Hold Commission and Salary.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

jerald1992


Arresto Menor
Magandang umaga po DOLE;

Una po sa lahat sana ay mabasa nyo po itong aking tanong at para malaman ko din po ang Batas tungkol sa Contrata.

Ako po ay isang maituturing na Concern Citizen sa aking dalawang kaibigan na sina Jonathan at John Carlo kami po ay magkakaibigan. Si jonathan po ay nakatira sa Mexico Pampanga Brgy. Parian Mexico, Pampanga siya po ay nagtatrabaho sa Folded ang Hung Salon sa SM Pampanga. Siya po nagtrabaho ng mahagit sa isang taon or (1 yr 3months). ang pumangalawa naman po ay si John Carlo siya din po ay nagtrabaho sa Folded and Hung Salon 1yr and 3months din po ang pagkakaalam ko. Ang dalawang kaibigan kopo na nabanggit ay maganda ang performances sa trabaho sila po ay pinagkakatiwalaan ng kumpanya. Dec 23, 2014 sila po ay pwersahang ngresign ng walang Resignation letter sa kadahilanang hindi na sila kumporatble sa ugali ng mga kasama sa trabaho dahil nagsisiraan na sila at marami ang mga empleyadong nag-aastang Supervisor at kahit ang Boss nila ay hindi maganda ang Management unang -una walang meeting na nangyayari , walang motivation, encouragement sa trabaho kaya naisip ko na "kaya nagiging kabawasan ng mga empleyado ang isang kumpanya ay dahil nadin sa hindi tamang pamamahala. Pangalawa , dahil sila po ay puwersahang umalis pagkatapos makuha ang 13th Month Pay noong Dec. 24, 2014 sila po ay umalis agad sa trabaho dahil naghihintay na ang kanilang magiging trabaho sa Baguio. sila po ay natanggap sa kanilang trabahong pinasukan noong Dec. 19 pa (sa aking pagkakaalam) tumakas sia sa trabaho dahil contract signing na daw po sa bago nilang trabaho ang pangalan po ng kanilang kumpanyang pinasukan ay (Bang's Tony and Jackey) sa lugar ng SM Baguio. hindi po naging madali ang pag-alis ng dalawa dahil po ang Kumpanyang Folded and Hung Salon ay hindi agad ibinigay ang 13th Month and Commission dahil yun lang po ang magiging panggastos nila sa magiging trabaho nila sa Baguio. Pagdating sa Baguio ang dalawa kong kaibigan ay nabalitaan na ang mga commission ng mga empleyado sa Folded and Hung Salon ay naipamahagi na, pero ang sa kanila ay Hinold ng kumpanya.   question no. 1 ano ang nilabag na Batas ng Kumpanyang Folded and Hung??at ano po ang magandang paraan na gagwin ng aking mga kaibigan??


Magproceed nman po tayo sa pangalawa kong katanungan.

Dahil nadin po sa nagtungo na sila sa Baguio(Bang's Tony and Jackey). Pagdating nila sa Baguio ang hinihintay nilang Contract signing ay hindi pa nakaareglo. Nagtanong ang dalawa sa Boss bakit hndi pa sila pumipirma ng Kontrata? ang pagkakaalam kopo kasi ay bago magsimula sa isang trabaho ang isang empleyado ay kailangan ng agreement sa trabaho o ang tinatawag na Employment of Contract. Dec. 27 nung nagstart sila ng walang pinirmahang kontrata o kahit Traning Agreement wala din po silang pinirmahan, ang sinabi daw po ng kanilang Boss na Koreano ay"Pagkatapo ng training doon kau magpipirma".. ibig sabihin kailangan padin ng Training of agreement kahit trainee palang sila diba po??. magpahanggang ngayon January 2, 2014 ay wala kahit ano silang pinipirmahang kontrata.
May nabalitaan po ako isa sa mga naunang nagtrabho sa kumpanyang Bang's Tony and Jackey na ang empleyado ay pinapirma ng Incomplete Contract information or walang detailed kung kailan matatapos ang kanyan trabaho at ano ang magiging position sa trabaho. May nalabag po ba sa Batas natin ang kumpanyang Bang's Tony and Jackey?? ano po ang gagwin ng aking mga kaibigan sa kanilang mga Kontrata??

summarize of Questions;

1. Ano ang nalabag na Batas ng Folded and Hung sa Paghold ng Commissions sa Trabaho?
2. Ano ang Batas na nilabag ng Bang's Tony ang Hackey?


Sana po ay mabigyan nyo po kme ng sagot sa aming mga katanungan. at Advise.

Maraming Salamat po;

Best Regards
Jerald Cunanan

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum