Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please Help - Estafa Case

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Please Help - Estafa Case on Wed Jan 07, 2015 12:25 am

borromeo


Arresto Menor
Good p.m. Attorney:

Patulong po Atty. andito po kami sa ibang bansa, 10-tao po kami nag-invest sa online business network, HPI Direct Sales & Trading Co. ang office ay nasa Timog Ave. Quezon City. Wala naman po problema sa HPI Co. dahil nagpi-payout naman sila.

Ang naging problema po namin ay sa isang upline leader na si Reejohn Raquino Magsayo (dati rin dito sa Saudi pero ngyon ay nasa province nila Zambales, Phils.).

Ginamit nya ang HPI Co. para maka-invite ng investor pero nde nman niya ni-remit ang pera namin sa HPI Co. Ang pera po pang invest ay pinadala namin sa bank acct. nya na umaabot sa Ph.300,000+ lahat. Sa madaling salita itinakbo nya ang aming pera.

Ano po ang dapat namin gawin para mabawi ang aming pera o kung hindi man ay managot siya sa batas? Kumpleto po kami lahat ng mga transaction docs.

Meron din po ba siya pananagutan sa paggamit ng HPI Co. para makakulimbat ng pera, ano ang kanyang magiging kaso?

Nagpapasalamat at umaasa sa inyong tugon at tulong.


Rey Borromeo
Riyadh, Saudi Arabia

View user profile

2 Re: Please Help - Estafa Case on Wed Jan 07, 2015 10:17 am

karl rove


Reclusion Perpetua
borromeo:

Alinsunod sa iyong allegasyon, nakikita kong pwede mong sampahan ng kasong ESTAFA yung taong kumuha sa inyo ng pera pero hindi niya ipinasok doon sa kumpanya HPI.

Kung kumplete kayo ng documents, bank payments, deposit slips ito ay magagamit ninyo sa kaso.

Kung papaano kayo makakapag file dahil nasa saudi kayo ay ibang istorya na yan.

Atty Karl Rove

View user profile

3 Re: Please Help - Estafa Case on Wed Jan 07, 2015 2:27 pm

borromeo


Arresto Menor
Atty Karl Rove.

Salamat po sa inyong tugon. Meron po kami 2-kasamahan nasa Phils. na. Kung sakali po ba nakabalik ulit dito sa Saudi iyong tao aming inire-reklamo pwede po rin ba namin ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa kanya. Saan po lugar or prosecution office namin pwede isampa ang kaso? siya po ay nasa Zambales, ang kasamahan namin ay nasa Quezon City.

View user profile

4 Re: Please Help - Estafa Case on Wed Jan 07, 2015 9:18 pm

karl rove


Reclusion Perpetua
borromeo:

where is the site/venue of the transaction?

saan nag deposit ng pera nyo ung respondent?

kung nagdeposit ng pera sa account nya ay sa bangko sa quezon city, then sa city prosecutor's office dapat mag file ng demanda.

Ngayon, kung naka balik sa saudi ung nanloko sa inyo, pwede pa rin mag file pero hindi tatakbo ang kaso kasi wala sya sa territorial jurisdiction ng pilipinas, para ma enforce ang processo na sya ay bigyan ng abiso tungkol sa demanda laban sa kanya.

thanks

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum