Ako po ay nagtatrabaho noon, sa isang LGU, nagkaroon ng relasyon sa isang politiko, at nagkaroon ng anak sa kanya. Noong ako ay nagbuntis at nanganak nakakatanggap ako ng pera mula sa kanya para sa mga gastusin sa panganganak. Tatlong beses lang sinilip ng ama ang bata mula noong ipinanganak at ngayon ay 1 year 8 months na ang bata. Ag huli niyang pag bisita ay nung mag aapat na buwan ang bata. At sa ngayon ay hindi na siya nagpapadala ng pera para sa bata. Ako po ay nagresign sa trabaho para di masira ang kanyang imahe sa aming lugar, ginive-up ko lahat pati ang career ko. Nangibang bayan ako at lumayo sa aking pamilya para sa kanya.
Wala na akong nakukuhang suporta para sa bata, wala naman akong trabahong matatag sa ngayon para sa pang gastos namin at sa ngayon ay umuupa pa kami ng tirahan ng aking anak.
ano po ang maipapayo ninyo, pano ako makakakuha ng suporta para sa bata? tinatawagan ko siya at tineteks pero di na siya sumasagot.
Hindi din nga po pala siya pumirma sa birth certificate ng bata.
Sana po ay matugunan ninyo ito..kailangan ko po ng tulong..